Chapter 9

28K 763 61
                                    

REESE' POV

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang lalakeng nakilala ko lang sa parke at ngayon naman ay magiging kaklase ko pa.

"Omg! May gwapo na naman tayong classmate, girl!"

"Oo nga. Ang daming blessings na dumadating sa atin this year!"

"Para siyang model. He's really handsome and tall, too!"

Pati ang mga kaklase kong babae ay manghang-mangha sa kagwapuhan ng Austin na 'to.

Oo na, gwapo naman talaga siya pero ang yabang kasi ng dating niya at sa dinami-rami ng school sa Pilipinas ay sa YGA pa talaga siya nagtransfer? Ayoko man mag-assume pero parang sinusundan niya yata ako para lang sirain ang araw ko.

Pagkatapos ng pagpapakilala ni Austin sa amin ay pinaupo na siya ni Prof Pablo sa magiging seat niya at sa kamalas-malasan pa ay nasa likod ko lang siya malapit sa upuan ni Sky.

Nang madaanan niya ako ay nginitian niya ako.

"Hi, Reese! Dito ka rin pala nag-aaral? Sorry, hindi ko alam, e." Napairap na lang ako.

"Magkakilala pala sila ni Reese?"

"Maybe? Nakita mo na ngang nag-uusap sila, 'di ba?"

"Lahat na lang ng gwapo ay kay Reese lumalapit."

"Sa ganda ba naman niya sinong lalakeng hindi lalapit diyan?"

Napatingin tuloy ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa amin. Nakita ko naman si Ryu na nakatitig na ng masama kay Austin. Hays!

"Oo. Dito nga ako nag-aaral kaya ngayon alam mo na." Sarkastikong sabi ko at hindi na siya pinansin pa.

I heard him laughed bago siya umupo sa upuan niya. "Sungit talaga."

Kanina pa ako naaasar sa kanya. Gusto ko na tuloy mag-uwian na para hindi ko na makita ang Austin na ito!

Wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero hindi ko alam kung bakit naiinis talaga ako sa kanya. Siguro ay dahil ayoko lang sa mga lalakeng mataas ang confidence masyado at GGSS. (Gwapong-Gwapo Sa Sarili)

Natapos ang klase namin na walang Sky na dumating. Absent si Mr. Sungit pero ang sabi naman ni Ailah ay kahit umabsent pa 'yang si Sky ay hindi makakaapekto iyon sa pagiging Consistent topnotcher niya. Edi siya na ang matalino!

Buong klase kong hindi pinansin ang presensya ni Austin na nararamdaman kong tinititigan ako. Wala nga si Sky pero may pumalit naman sa pagiging over kung makatingin sa akin.

Seriously, ano bang problema nila? Mukha ba akong exotic o alien para titigan nila ng ganon? Minsan kasi ang creepy na rin.

Nagsitayuan na kami pagka dismiss sa amin ni Prof. Lumapit naman sa akin sina Ailah at Ryu at nang mapatingin ako kay Austin ay kinakausap na siya ng mga kaklase naming babae. Nakangiti pa ang loko.

Chickboy confirmed.

"Oy Reese! Kanina ko pa napapansin na palagi kang tinitignan niyang transferee na si Austin. Magkakilala na ba kayo? Nakita kasi namin kanina na kinausap ka niya." Tanong ni Ailah sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako at ayoko nang sabihin sa kanya na nagkakilala na kami ni Austin.

"H-hindi ah. May tinanong lang siya sa akin kanina kaya niya ako kinausap." Tumango lang doon si Ailah at hindi na muling nagsalita pa.

Ryu is still quiet at mukhang may malalim na iniisip.

"Ryu, are you okay?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon