Chapter 36

18.1K 430 43
                                    

REESE' POV

Nagising ako na nasa loob ng isang puting kwarto. Nilibot ko ng tingin ang paligid ko at napagtanto ko na nasa ospital pala ako. Bigla ay naalala ko ang ginawa sa akin ng lalakeng pinagkatiwalaan ko sa mahabang panahon.

How could he do this to me? Bakit si Ryu pa? Hindi ko akalain na balak niya akong pagsamantalahan dahil sa nakakasakal niyang pag-ibig para sa akin.

How he turned to be a monster? Sana pala ay nakinig na lang ako sa sinasabi ng mga kapatid ko na layuan ko si Ryu. Sana pala ay hindi ko na siya pinagkatiwalaan pa.

"Hey, are you okay?" Napatingin ako sa nagsalita at si Sky iyon.

I remember that he saved my life. Nawalan lang ako ng malay nun pero nakita ko kung paano niya ako iniligtas mula kay Ryu.

Tumango ako at nginitian siya. "Salamat sa pagligtas mo sa akin, Sky..." Sabi ko sa mahinang boses ko.

He smiled and held my hand. "Basta para sa'yo kahit buhay ko pa ay ilalaan ko mailigtas ka lang. I still can't believe that I will be this cheesy because of you. Shit!" Nahihiya niyang sabi at nagkamot pa ito ng ulo niya.

He's so adorable and cute. May ganitong side rin pala si Sky? Marunong pala siyang mahiya at ngumiti pero natutuwa ako sa sinabi niya at may kung anong humaplos sa puso ko sa salita niyang nagpapagulo palagi sa sistema ko.

"Si Kuya Reevo ba ang nagcheck ng kalagayan ko? Alam ko kasi na ospital 'to na pinagtatrabauhan niya." Pag-iiba ko na lang ng usapan dahil pulang-pula na ang mukha ko dito.

He become so serious at umayos ito ng upo. Kahit nakaupo pa siya ay ang tangkad pa rin niya.

"Yes. Ngayon ay may inaasikaso pa siyang mga pasyente pero mamaya ay i-checheck niya ulit ang kalagayan mo. 'Yung parents mo naman at pati ang Kuya Red mo ay kinausap ang parents ni Ryu para sa demanda na ikakaso nila sa kanya."

Natigilan ako. "Magdedemanda ang pamilya ko kay Ryu?" Sky nodded at inabutan ako ng bottled water. Ininom ko naman ito.

"Yes, and he deserves that. He almost raped you."

"But you almost raped me too.." Sabi ko naman ng pabulong pero mukhang narinig niya iyon kaya napayuko siya at napafacepalm.

"I-I'm so sorry for all the stupid moves I've done to you. Unang beses lang kasi ako nagkagusto sa isang babae kaya ginamitan kita noon ng dahas para makuha ka pero naisip ko na hindi ko kailangang ipagpilitan pa ang sarili ko sa'yo dahil kaya ko namang gumawa ng paraan para mahalin mo rin ako."

Nagulat ako sa sinabi niya.

The sincerity and the truthness of his words melted my heart.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at napatitig na lang sa gwapo at maamo niyang mukha. Deserve ba talaga akong mahalin ng halos perpektong lalakeng ito? Our first meet up was bad but in a sudden period of time ay unti-unti nang nagbabago at nagkakaroon ng iba sa nararamdaman namin.

May mga bagay talaga na naiiba because nobodys permanent in life. Minsan ay kailangan mo rin gumalaw at ibahin ang takbo ng puso at nararamdaman mo.

Bakit pala nagiging future love guru na ako?

Tumango na lang ako at hindi na muling nagsalita pa. Para ngang nahiya rin siya sa sinabi niya sa akin at kaagad itong umiwas ng tingin.

"D-dadalawin ka pala mamaya ng mga kaklase at kaibigan mo sa YGA. Ako lang ang natirang magbantay sa'yo dito dahil madaling-araw na. Ayaw kitang iwanan dahil baka mamaya ay kahit nakakulong na ang baliw mong boyfriend ay makatakas 'yon sa kulungan at guluhin ka na naman. I won't let that happen again." He said.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon