Chapter 32

18.3K 489 18
                                    

REESE' POV

Simula nang nagkausap kami ni Kuya Reevo tungkol kay Ryu ay may nararamdaman na akong takot at pangamba sa kanya. Ayoko man maniwala sa sinasabi ng mga kapatid ko ay nagkakaroon na rin ako ng mga suspetsya na totoo nga iyon.

Ryu is acting violently lately at minsan nga ay nasasaktan na niya ako. Ang akala ko nga ay dahil lang iyon sa normal na inaakto ng isang boyfriend sa girlfriend niya pero ang sabi ni Ailah ay hindi daw normal iyon.

Kapansin-pansin nga kay Ailah na lumalayo na siya sa akin kapag kasama ko si Ryu. Kaunti na lang talaga at maniniwala na ako sa sinasabi nila na hindi nga mabuting tao ang lalakeng pinagkakatiwalaan ko simula noong mga bata pa lang kami.

Weekends ngayon at nagyaya si Ailah na magmall kaming dalawa. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Ryu na layuan ko si Ailah dahil sinisira daw nito ang relasyon namin. Siyempre, nasabi niya lang iyon dahil sa sinabi ni Ailah that time tungkol sa kanya.

Hindi alam ni Ryu na may lakad ako ngayon at sa ngayon ay ayoko pa muna siyang makita pagkatapos ng mga nabalitaan ko tungkol sa kanya.

Nag-usap kami ni Ailah na magkita na lang sa Coffee Shop. Nang maihatid na ako ng driver namin sa Coffee Shop ay nakita ko kaagad si Ailah sa labas ng shop na kasama ang nameet ko na noon na Varsity Player ng YGA na si Jedus at s-si.. Sky?

Anong ginagawa niya rito?

Naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin noon sa beach resort sa Batangas. Ang sinabi niyang mahal niya ako at hindi siya titigil sa pagmamahal sa akin at gagawin niya ang lahat para lang makita ko ang halaga niya.

Bakit ba ganon siya? Bakit ba parang ang dali lang sa kanyang sabihin ang mga salitang iyon na gumugulo naman sa puso't isip ko?

"Reese!" Sigaw ni Ailah saka ito lumapit sa akin at bineso ako.

I did the same at pilit hindi pinapansin ang presensya ni Sky na lumapit rin pala sa amin kasama si Jedus.

Pagkatapos naming magbatian ni Ailah ay ngumiti siya sa akin at bumaling kina Jedus at Sky.

"Alam kong lakad lang nating dalawa 'to pero kasi 'tong si Jedus e, nagpumilit pang sumama sa atin at sinama pa si Sky. Ewan ko ba sa mga 'to at gusto pa nilang makisali sa atin!" Reklamo ni Ailah at inirapan si Jedus na natawa lang sa ginawa niya.

"Masama bang sumama ako sa lakad ninyo ni Reese? Wala akong magawa, e. Sinama ko na lang rin si Sky kahit hindi kami close nito at himala nga na pumayag siya na sumama sa akin. Nandito ba naman si Reese." Sabi ni Jedus na ikinapula naman ng mukha ko. Natawa lang si Ailah do'n habang si Sky naman ay nakangiti sa akin.

I'm so stunned when I saw him smiling at me. Hindi na ito katulad ng dati na puro ngisi lang ang ipinapakita niya sa akin.

He's very different now unlike before. He's acting pure and genuine at malalaman mo na totoo ang ipinapakita niya sa'yo. Nang matauhan ako ay umiwas ako ng tingin kay Sky at napayuko.

Paano naman kaya nalaman ni Jedus na interesado sa akin si Sky? Hindi kaya't nag-usap sila tungkol doon? O baka dahil sa pinagkalat ni Sky sa buong YGA na boyfriend ko siya kahit hindi naman?

"Oh, sige na nga! Tutal ay parang nagbago naman na si Sky dahil kay Reese ay sumama na kayo sa amin. Sa mall tayo, ha?" Sabi ni Ailah kina Jedus at hinilig ang ulo niya sa braso ko.

Sky is changing and it's because of me?

"Okay. Deal!" nakangiti namang sabi ni Jedus na nag thumbs-up pa sa amin.

Sumakay na kaming apat sa kotseng dala ni Jedus. Magkatabi kami ni Ailah sa passengers seat habang nasa front seat naman si Sky at nasa driver's seat si Jedus.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon