Chapter 49

17K 390 13
                                    

SKY'S POV

Nanginginig ako sa takot, galit at pangamba habang nagmamaneho ako at itinuturo ni Zeke ang daan kung saan naka track sa hawak niyang tracking device ang lokasyon na pinagdalhan ni Carlo kay Reese.

Hindi ko akalain na aabot sa punto na pati si Carlo ay magiging desperado na para lang makuha si Reese. Kilala ko si Carlo, kapag may nagustuhan siyang isang bagay ay hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakukuha.

Mayaman ang pamilya nila kaya madali na lang para sa kanya na ipadukot si Reese mula sa mga tauhan ng ama niyang isang Senador. Hinding-hindi ko siya mapapatawad kung sakali mang magharap kami.

I want him rotted in jail.

"Talagang mahal na mahal mo siya, no?" Pag-imik bigla ni Zeke habang nasa biyahe kami.

"I love her very much. She's innocent and too fragile to be part of this situation. I will do everything to protect her, Zeke even if it takes my life." I sincerely said.

I look at him and amusement was written all over his face because of what I said. "That's true love, Sir."

I smiled.

Definitely. Reese is my true love.

Pagkatapos nang mahigit apat na oras na biyahe namin mula sa Maynila hanggang sa Sta. Rosa, Laguna ay bumaba na kami mula sa kotseng dala ko at huminto ang direksyon ng tracking device ni Zeke sa isang magubat na lugar kung saan ay may nag-iisang malaking bahay ang nakatayo doon na sa pagkakaalam ko ay ang mansyon nila Carlo. Napapalibutan ito ng mga matataas na pader at may malaking pulang gate.

"Dito niya mismo dinala si Reese. Sigurado ako doon." Sabi ko at tinignan ang kabuuan ng mansyon.

Nabuksan ni Zeke ang gate ng mansyon na ang ibig sabihin ay walang ibang tao ang nagbabantay roon.

"Let's go, Sir." Sabi niya. Tumango naman ako at dali-dali naming pinasok ang loob ng mansyon.

Pagkapasok namin sa loob ay sobrang dilim ng paligid. Binuksan naman ni Zeke ang switch ng bawat parte ng bahay na may ilaw. Luma na ang mansyon at maalikabok. Nakabalot naman ng mga tela ang furnitures at iba pang gamit sa loob ng mansyon.

Halatang matagal nang hindi ito natitirhan. Tumuro na lang bigla ang direksyon ng tracking device ni Zeke sa isang malaking kwarto na may pintuan na itim ang kulay.

"Dito niya yata dinala si Ma'am Reese." Zeke said.

Wala na kaming pinalampas pang oras at pinasok na ang kwarto na iyon at sa pangalawang pagkakataon ay bumukas ito.

Halos manlumo ako sa nakita ko nang nadatnan ko si Carlo na hinahalikan ng marahas ang walang malay na si Reese sa kama nito.

Punit-punit na ang suot na wedding gown ni Reese at bakas sa itsura niya ang paghihirap na dinanas niya mula kay Carlo.

Mapapatay ko si Carlo. Mapapatay ko siya!

"Hayop ka!" Galit na galit kong sigaw at sumugod kay Carlo na hindi inaasahang nasa harapan ko na siya ngayon.

Hinatak ko siya mula sa pagkakadagan niya kay Reese saka itinulak siya sa sahig at pinagsusuntok ko siya sa mukha niya.

Kulang pa ito sa ginawa niya sa babaeng mahal ko. Demonyo siya at hinding-hindi ko siya titigilan hangga't hindi ko siya napupuruhan ng todo!

"Walanghiya ka, Carlo! Itinuring ka ni Reese na kaibigan niya pero ano 'tong ginagawa mo? Pinagsamantalahan mo siya!" galit kong sigaw saka sinuntok ito sa tiyan niya.

Ang sakit makita na binababoy lang ng ibang lalake ang taong mahal ko.

Hindi na makapagsalita at bugbog sarado na si Carlo. Puro dugo na rin ang nasa kamao ko pati rin ang mukha niya kaya pilit na akong inaawat ni Zeke.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon