Chapter 34

17.4K 462 40
                                    

SKY'S POV

Sinundan ko si Reese at ang bestfriend niyang nagwala na dito sa loob ng restaurant. When I first saw that Ryusuke I know that he's not even real to his actions in front of us.

I can sense that he's very dangerous and if Reese was still with him, she might get hurt and not also safe in Ryu's hands.

Sa pagwawala pa lang ni Ryu kanina at sa nakita kong galit niya sa akin na kasama ko si Reese ay alam kong kayang-kaya niya akong patayin.

He's obsessed with Reese. Ngayon lang siguro siya nagkalakas ng loob na ilabas ang tunay na kulay niya.

Nang hinila ni Ryu si Reese palabas ng restaurant ay nagpaalam muna ako kina Ailah at Jedus na susundan ko silang dalawa dahil baka may kung ano nang masamang gawin si Ryu kay Reese. Tumango lang sila and say their goodlucks to me.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong magwala at sumigaw. Ang babaeng mahal ko ay nasa kamay ng isang mapagpanggap na lalake. Ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong pakiramdam at hindi ko aakalain na mararamdaman ko ito.

I hate woman in my 18 years of existence pero nang dahil kay Reese ay narealize ko na hindi lahat ng babae ay kasing sama ng ina ko.

Reese is so kind and innocent. Totoo siya sa sarili niya at nakikita ko ang pagmamahal niya sa pamilya niya at sa mga kaibigan niya. She's so pure and I can't bare to lose her.

I'm cold, mysterious and quiet type of guy pero kaya kong baguhin ang sarili ko para lang mahalin niya rin ako.

I can make her happy because I already fell for her.

Sinundan ko sila hanggang sa nakalabas na kami ng mall patungong parking lot. Isinakay at pilit na ipinasok ni Ryu si Reese sa loob ng kotse niya. Umiiyak si Reese nang dahil sa lalakeng iyon.

I admitted that I made her cry too pero ngayon ay babawi ako. Hinding-hindi ko na siya paiiyakin pa. I'm willing to change just for her.

Kaagad kong tinungo ang kotse ni Ryu at binuksan ang pintuan ng kotse niya. I gritted my teeth in anger when I saw Ryu kissing Reese forcely in every parts of her body. Walang nang malay si Reese at nakita kong dumudugo na ang palapulsuhan niya.

"Hayop ka! Anong ginawa mo kay Reese?" I shouted.

Nagulat si Ryu nang makita ako. Hindi na ako nakapagpigil pa at hinila siya papalabas ng kotse niya at pinagsusuntok ito sa iba't-ibang parte ng katawan niya.

Kulang pa ang pambubugbog ko sa ginawa niya sa babaeng mahal ko.

Wala siyang karapatang babuyin si Reese. Gago siya! Papatayin ko siya!

Hindi na makaganti si Ryu sa mga sipa, tadyak at suntok ko sa kanya. Nagdidilim ang paningin ko dahil sa kanya.

I don't know but I found myself crying because of what he did to Reese.

"I will kill you, bastard! I will send you to jail if you're still alive." Sabi ko sa gitna ng mga suntok ko sa kanya.

Duguan na siya pero may malay pa rin. Nakahandusay na ito sa sahig at namimilipit sa sakit ng ginawa kong pambubugbog.

"Kulang pa 'to sa ginawa mo kay Reese. Hindi ako manghihinayang na makulong kung mapapatay kita ngayon!" Galit na galit kong sabi.

Sa gitna ng ginagawa ko ay nakita ko mula sa malayo sina Jedus at Ailah na tumatakbo papalapit sa pwesto namin na may kasamang mga guwardiya at dalawang pulis.

Nang makalapit na sila sa pwesto namin ay inawat ako ni Jedus kasama ang dalawang guwardiya. Si Ailah naman ay pumasok sa loob ng kotse ni Ryu at tinignan si Reese na wala pa ring malay hanggang ngayon samantalang inalalayan naman ng dalawang pulis si Ryu na duguan at halos hindi na makatayo dahil sa pambubugbog ko sa kanya. He deserves that.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon