Chapter 12

25.5K 697 81
                                    

RYU'S POV

Halos maubos ko na ang mga gamit ko sa loob ng condo ko dahil sa matinding pagwawala ko. Sino ba ang Austin na iyon at nanghihimasok pa siya sa buhay namin ni Reese? Alam ko naman na interesado siya kay Reese pero nakakabastos lang na harap-harapan ay ipinapamukha niya sa akin na isang dakilang bestfriend lang ako ni Reese.

Hindi ba niya alam na malapit na kaming ikasal ni Reese? Oo nga't nasabi ko kay Reese na okay lang na maging bestfriend niya ako pero wala naman siyang magagawa dahil ipagpipilitan pa rin kami ng parents namin na ipakasal kami.

Ano namang magagawa ko kung gusto ko rin ang ideya na ganon? Call me selfish or what pero talagang mahal ko lang si Reese at ayoko na mapunta siya sa ibang lalake.

Patuloy pa rin ako sa pagwawala at nagkalat na sa loob ng condo ko ang mga basag at sirang mga gamit ko. Narinig ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko ang pagkatok ng ilang beses ni mama sa nagpapanic niyang boses.

"Musuko,-dōshita no? Doa o akete kudasai!" [Son, what's happening? Please open the door!] Sabi niya sa nanginginig na boses.

Naupo ako sa kama ko at sinabunutan ang buhok ko. "Watashi o hottoite! Watashi wa anata o hitsuyō to shimasen!" [Leave me alone! I don't need you!] Pasigaw na sabi ko.

Hindi ko maiwasan na hindi magalit sa mga taong kumakalaban sa akin. Mabait naman ako pero masama talaga akong magalit.

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at pumasok sa loob si mama na napaiyak na lang nang makita niyang sira-sira na ang mga gamit ko sa loob ng kwarto ko.

Nilapitan naman niya ako at niyakap. Nakita pa niya ang nagdudugo kong mga kamay.

"Ryu, bakit ka na naman ba nagwawala? Please tell me at ng masolusyonan 'yan ni mama." Sabi niya saka ito humahagulgol.

Nanatili lang akong tahimik at malalim ang iniisip.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako. "Is this all about Reese again?" I nodded while clenching my jaw.

"May nagbabalak na naman na agawin sa akin si Reese. Baka gusto niya yatang matulad kay Warren." madiin kong sabi. Mom sighed at pumikit saka ulit ito bumaling sa akin.

"D-dont you ever do that again, Ryu. If you want Reese then gagawin ko ang lahat para mapabilis na ang kasal niyo basta ay 'wag mo lang ulit gagawin ang bagay na 'yon." She said while pleading.

Mabuti naman dahil kung hindi ay gagawin ko na talaga ang ginawa ko kay Warren noon. Ang lalakeng muntik nang maging boyfriend ni Reese.

"Sorede daijōbu." [Then great.]

Reese, hindi mo na ako basta magiging bestfriend lang dahil ako na ang makakasama mo nang pang habangbuhay. Keep that in your mind.

SKY'S POV

As the old Professor expected, I'm still late in our class. I ignored the man who's talking to me right now at umupo na sa upuan ko. Medyo nagulat pa ako dahil katabi ko pala sa upuan 'yung lalakeng nakasalubong ko sa may hallway na sa tingin ko ay isang transferee.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang makita ako. Napailing na lang ako. Sumama naman ang tingin niya sa akin.

He really looks so threatened. Tss!

I suddenly glance at Reese na busy sa pagte-take down niya ng mga notes. May naisip akong paraan para mapansin niya ako kaya kumuha ako ng ballpen sa loob bag ko at hinulog ko ito sa ilalim ng upuan niya.

Napalingon naman siya sa akin dahil sa ingay na ginawa ng hinulog kong ballpen.

"I dropped my pen accidentally. Can you get it for me if you don't mind?" Sabi ko sa kaswal na tono at itinuro ang ballpen ko sa ilalim ng upuan niya.

Tumango naman siya at yumuko saka nito kinuha ang ballpen ko sa ilalim ng upuan niya. Nang makuha na niya ito ay inabot niya kaagad iyon sa akin.

Kinuha ko naman ito kaya nahawakan ko na rin ang malambot niyang kamay. Sa paghawak ko sa kamay niya ay para akong nakukuryente.

She have an effect on me. I stared at her beautiful face.

She's mesmerizing.

Tumagal ang hawak ko sa kamay niya na ikinailang niya kaya binitawan na niya ang kamay ko at inilagay na lang ng mabilis sa palad ko ang ballpen na hinulog ko saka niya ako tinalikuran.

Napangiti ako ng palihim sa naging reaksyon niya. Is she scared with me?

When I look around ay nakita ko ang masasamang tingin sa akin nung transferee at ng bestfriend ni Reese.

What?

Nang mag-break time ay lumabas na nang classroom sina Reese at ang bestfriend niya. Isa-isa na ring nagsilabasan ang mga kaklase namin hanggang sa ako na lang ang naiwan sa loob at ang transferee na threatened sa akin.

Tumayo ito at lumapit sa akin. "Hindi ko alam na magiging kaklase pala kita." Sabi niya at tumawa ito ng mapang-asar.

Humalukipkip naman ako. "Ano naman sa'yo kung kaklase kita?" Sabi ko sa nababagot na tono.

Gusto ko lang na maasar pa siyang lalo sa akin at tama nga ako, lumukot ang mukha niya at sumama bigla ang tingin sa akin.

"Alam mo, ang yabang mo rin, ano? Akala mo ba ay astig ka na sa ginagawa mo? Nagmumukha ka lang tanga!" At tumawa pa siya.

What the hell is he saying? Wala naman pa lang kwenta 'tong kausap. Isa rin siyang bobo at makitid ang utak.

Dahil sa walang kwenta niyang sinabi ay iniba ko na lang ang sasabihin ko. "Do you like Reese?"

Napatigil naman siya sa sinabi ko at pinanliitan ako ng mata then he smirk.

"Paano kung.. oo? Ano naman 'yon sa'yo?"

Tila hindi ko nagustuhan ang sinabi niya at parang uminit ang ulo ko doon. Mukha siyang natuwa sa naging reaksyon ko at itinuloy ang susunod niyang sasabihin.

"Hindi mahirap magustuhan si Reese Santillan pero hindi ko alam na interesado ka rin pala sa kanya. Paano 'yon, Sky? Gusto ko siya." he said. Tinitigan ko naman siya ng masama.

Nagkunwari pa siyang nanlalaki ang mga mata niya at natatakot sa akin. "Huwag mo naman akong tignan ng ganyan, pre! Parang papatayin mo na ako sa ginagawa mong pagtitig e!" he teases.

Dahil hindi na ako nakapagpigil pa ay tumayo na ako at lumapit sa kanya saka siya kwinelyuhan. Napangisi na naman siya dahil sa ginawa ko.

"Layuan mo si Reese! Hindi mo ako kilala at higit sa lahat ay 'wag na 'wag mo akong hahamunin dahil hinding-hindi ka mananalo sa akin!" May diin kong sabi at binitawan siya ng padabog dahilan para mapaatras siya.

Kinuha ko ang bag ko mula sa upuan ko at aalis na sana nang magsalita ulit siya.

"Try me. Hindi kita uurungan." Sabi niya habang nakangisi.

Napatingin ako sa kanya at nginisian siya.

"Okay. May the best man win."

---
Salamat pala sa mga nagbabasa, nagcocomment at nagvovote pa rin ng His Dirty Game :*

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon