Chapter 35

18.1K 430 5
                                    

REEVO'S POV

I clench my fists in anger when I saw my little sister lying down in the hospital bed and still unconscious.

Papaano nagawa ni Ryu ito sa kapatid ko? I almost trust him dahil pinagkakatiwalaan siya ni Reese pero sa ginawa niya ay sana nagalit na rin ako sa kanya katulad ng pagkagalit sa kanya ni Red.

Reese passed out because of her emotional breakdown. Mahina rin ang puso niya kaya hindi namin siya hinahayaang magpakapagod at maistress sa pag-aaral niya. She's a fragile and emotional girl but she's very lovable and kind little sister to us. Malambing siya at palaging nakangiti kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming lalakeng nagkakagusto sa kanya.

Kasama ko ngayon dito sa ospital ang mga magulang namin, si Ailah na kaklase ni Reese, si Red at itong lalakeng naghatid kay Reese mula sa pagkahimatay niya noon sa YG Academy.

Kung hindi ako nagkakamali ay Sky ang pangalan niya. Tinignan ko siya ng mabuti at nakikita ko na sobra siyang nag-aalala para kay Reese at halos hindi mapakali.

He's obviously likes my sister kaya nga sinabi niya noon na boyfriend siya ni Reese na hindi naman pala. Sa totoo lang ay mas magaan ang loob ko sa kanya kumpara kay Ryu.

Ito na ang huling beses na malalapitan pa ni Ryu si Reese dahil sisiguraduhin namin na hindi na siya makakalaya pa mula sa kulungan.

"Humanda sa akin ang Ryu na 'yan! Sabi ko na nga ba at may masama siyang balak kay Reese." Gigil na sabi ni Red at akmang aalis na sana ito sa loob ng confine room ni Reese nang napigilan siya ni Dad.                                                

"Saan ka pupunta, Red? Hindi mo man lang ba hihintaying magising ang kapatid mo?" Tanong ni Dad.

Bumuntong-hininga naman si Red saka ito bumaling kay Dad. "Babalik rin ako kaagad. Ako na ang mag-aasikaso sa kasong idedemanda natin sa baliw na Ryu na 'yon. Kailangan niyang maturuan ng leksyon." Sabi nito at kaagad nang umalis.

Napahilot na lang ng sintido si Dad at napaupo. Si Mom naman ay kanina pa umiiyak habang hawak-hawak ang kamay ni Reese.

We're all sad and affected on what happened to Reese. Reese is our most precious princess kaya sobra kaming nag-aalala sa kanya.

Pagkatapos kong i-check ang kalagayan ni Reese ay nilapitan ko si Sky. Napalingon naman siya sa akin.

"Can we talk?" Tanong ko. Tumango naman siya at lumabas na muna kami sa loob ng confine room.

Nagpamulsa ako at tinanggal ang suot kong stethoscope saka bumaling kay Sky. "Thank you for saving my sister to her obsessed bestfriend. Utang na loob namin sa'yo ang buhay ni Reese." Pasasalamat ko. Tumango naman siya at tipid na ngumiti.

"Ginawa ko lang kung ano 'yong tama. I can see that your sister's boyfriend is very dangerous and obsessed guy kaya gusto kong maprotektahan si Reese sa kanya." He said at sumandal sa pader.

I smiled secretly. He's concern to Reese. "Do you love her?" Tanong ko.

Nagulat naman siya sa tanong ko at hindi kaagad nakapagsalita.

I chuckled. "I guess I already know the answer. Sa ngayon, hanggang diyan ka na lang muna sa pwesto mo. Nakita mo na ang nangyari kay Reese kaya mahihirapan na kaming ipagkatiwala siya ulit sa isang lalake."

"I know and I'm willing to wait for her."

He's tough and looks sincere but I don't want to trust guys for Reese again. Mahirap na at baka maulit na naman ang pangyayaring ito.

Lumapit pa akong lalo kay Sky at tinapik siya sa balikat niya. "Paano naman kung ayaw namin na may manligaw kay Reese?" Nakangisi kong tanong.

I'm testing his ego.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon