Chapter 45

15.4K 344 49
                                    

AUSTIN'S POV

Hindi ako makapaniwala na ikakasal na si Reese sa bestfriend niyang si Ryu. Usap-usapan sila sa buong YGA at sa pambabasted rin ni Reese kay Sky.

Hindi ko maintindihan ang lahat. Ang akala ko ay si Sky ang gusto ni Reese base sa mga napapansin ko pero alam ko rin kung gaano kabaliw at kaobsess ang Ryu na iyon kay Reese.

Baka naman ay may ginawa ang lalakeng iyon para siya ang piliin ni Reese? Hindi na talaga ako magtataka kung mangyari man iyon.

Nasa may basketball gym ako at busy sa pagpapractice ng basketball nang makita ko sina Lian at ang isang kasamahan ni Sky sa basketball team nila na sa pagkakaalam ko ay Niccolo ang pangalan.

Sa mukha pa lang ng Niccolo na ito ay mahahalatang suplado rin siya katulad ni Sky. Walang ekspresyon ang mukha niya at parang hindi niya alam na kasama niya si Lian habang naglalakad sila.

Siya pala ang bagong lalake ni Lian? Siguro ay nagsawa na siya sa akin dahil ilang beses nang may nangyari sa amin.

Mahal niya raw ako pero may kapalit na kaagad akong iba? Tsk!

Nagulat si Lian nang makita niya ako at napahinto sa paglalakad niya kaya tumigil rin sa paglalakad si Niccolo at tinignan ako. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila.

"Hi! Kayo na pala. Congrats." Sabi ko. Natahimik naman si Lian doon at hindi makapagsalita.

"Thanks," Walang emosyong sabi ni Niccolo.

Natawa naman ako and I look again at Lian. "Mahal mo pala ako pero may kapalit na kaagad ako? Wow, ha?" Sarkastiko kong sabi.

Hindi ako nagagalit o nagseselos sa kanila. In fact ay natutuwa pa nga ako dahil may iba nang lalake ang magpapasaya kay Lian hindi katulad ko na ginamit lang ang katawan niya sa pansariling interes ko.

Ang hindi ko lang matanggap ay ang sasabihin niya sa aking mahal niya ako pero mayroon na kaagad siyang iba. Wala na pala akong pakialam sa kanila. Si Reese lang ang dapat kong isipin at kung paano ko ulit siya makakausap.

Simula kasi nung may nangyari sa pagitan nila ni Sky ay hindi na siya pumapasok sa klase namin. Maraming mga estudyanteng babae ang nagalit nun kay Reese kesyo paasa raw siya at pinaglaruan lang ang damdamin ni Sky pero hindi ako naniniwala doon.

Napatunayan ko nang mabuting tao si Reese at baka may dahilan siguro siya kung bakit magpapakasal siya kay Ryu.

Nakita ko na naluluha na si Lian sa sinabi ko at tinignan niya ako ng masama.

"Bakit, Austin? Ang akala mo ba ay hahabol-habulin pa kita sa panggagamit na ginawa mo sa akin? Wala kang pakialam kung may ipapalit man ako sa'yo dahil kahit kailan ay hindi na kita mamahalin!" Sigaw niya sa akin. Kumunot naman ang noo ni Niccolo sa sinabi ni Lian at niyakap niya ito.

Napailing na lang ako. Nasa teleserye ba kami at masyado yatang sweet at madrama ang mga nasa harapan ko?

I smirk. "Then, okay. Iyan naman ang gusto kong marinig mula sa'yo. I'm happy that you're now moving-on. Huwag mo na akong lalapitan at kakausapin pa kahit na kailan." Sabi ko bago sila tuluyang iniwan.

Narinig ko pa ang paghagulgol ni Lian dahil sa sinabi ko at ang pagpapatahan naman sa kanya ni Niccolo.

Wala akong pakialam sa kanila pero.. bakit parang nasasaktan ako?

RED'S POV

Ayoko munang umuwi sa bahay namin. Maiinis lang rin ako sa mga tao doon at baka magwala lang ako kung hindi ko mapigilan ang sarili ko.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon