Chapter 24

19.8K 475 35
                                    

RYU'S POV

Kalahating oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Reese sa Hotel Room namin. Nakatulog na ang mga kasama namin at idagdag pa na wala rin si Sky. Hindi kaya.. magkasama sila? Shit!

Hindi pwede mangyari iyon! Girlfriend ko na si Reese kaya may karapatan na akong manghimasok at mangialam sa buhay niya. Alam kong maraming pwedeng umagaw sa kanya mula sa akin at hindi ako makakapayag na kunin lang nila basta-basta ang pag-aari ko.

Lalabas na sana ako nang Hotel Room namin nang biglang pumasok si Reese. Nakangiti siya at mukhang masaya pa.

Bakit kaya siya nakangiti? Pinasaya kaya siya ng Sky na iyon? Naiisip ko pa lang na may ibang lalakeng nagpapasaya sa kanya ay gusto ko nang magwala sa galit.

Ako lang ang pwedeng magpasaya kay Reese. Ako lang!

Nang mapansin na ako ni Reese ay bigla siyang natigilan. "Ryu, gising ka pa pala." Sabi niya.

Kumuyom ang isang kamao ko pero ngumiti na lang ako ng peke para hindi niya mahalata na nagagalit na ako.

"Oo. Hinihintay kasi kita. Saan ka ba nanggaling? Ang akala ko ba ay maliligo ka lang?" Mahinahon kong sabi.

"A-ano, pumunta lang ako sa garden area nitong hotel. Nagpahangin lang ako doon." Sabi niya at yumuko ito.

Hindi ako nakuntento sa sinagot niya kaya nagtanong ulit ako.

Tumango ako. "Ganon ba? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin na pupunta ka doon? Para man lang masamahan kita dahil gabi na tapos sabay pa kayong nawala ni Sky. Magkasama ba kayo?" tanong ko.

Natigilan na naman siya sa sinabi ko at kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin.

"N-nakalimutan ko e, at h-hindi kami magkasama ni Sky. Hindi ko alam kung nasaan siya." sagot niya.

Napatiim-bagang ako at tinignan siya nang masama na ikinagulat niya.

"Huwag mo nga akong niloloko, Reese. Magkasama kayo 'di ba?" I asked sarcastically.

Umiling naman siya. "Hindi, Ryu, hindi kami magka-" Hinawakan ko ang braso niya nang mahigpit na ikinainda niya sa sakit.

"Ryu, nasasaktan ako!" Naluluha niyang sabi.

I chuckled. "Baka nakakalimutan mong boyfriend mo na ako kaya wala ka nang karapatang makipag-usap o sumama sa kahit na sinong lalake." I warned her.

Gulat na gulat siya sa sinabi ko at napaawang ang bibig. Tuluyan na rin siyang umiyak dahil sa sinabi ko.

Kailangan ko iyong sabihin para malaman niya kung sino na ang nagmamay-ari sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo? Ikaw ba talaga 'yan, Ryu?" gulat niyang sabi.

Padabog ko namang binitawan ang braso niya at bumuntong-hininga na sa inis. "Ako pa rin 'to, Reese pero hindi na ako 'yung Ryu na bestfriend mo lang. Boyfriend mo na ako kaya gusto ko na sa akin lang iikot ang mundo mo. Maliwanag ba?" Malambing kong sabi at hinawakan ang pisngi niya.

Natulala naman siyang tumango na lang. Niyakap ko siyang bigla at hinalikan ang noo niya.

"You're only mine, Reese, only mine..."

AUSTIN'S POV

Nasa site na kami ng camp tour at natapos na ang mga pinagawang activities sa amin ni Ma'am Sonia na napakahirap. Ngayon ay kumakain na kami ng lunch sa camp tour sa isang magubat na lugar. Para lang siyang parke pero ang pinagkaiba nga lang ay may ilog dito.

Kaming anim na magkakagrupo ay nasa iisang table lang at kumakain. Kanina pa masama ang tingin ko kina Reese at Ryu na nagsusubuan pa habang kumakain.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon