Chapter 29

18.1K 495 14
                                    

RYU'S POV

Nanginginig ang mga kamao ko nang sinugod ko ang walanghiyang Sky na iyon sa basketball practice nila ng mga kateammates niya sa basketball.

Nang makita ko siya na nakaupo sa isang bench at umiinom ng tubig ay kaagad ko siyang nilapitan at sinuntok sa mukha dahilan para matumba siya sa sahig.

"You moron! Anong maling balita ang kinakalat mo sa buong YGA? Na ikaw ang boyfriend ni Reese? Aba't tarantado ka pala e!" Sigaw ko at dinuro siya.

Nagulat ang mga kateammates niya sa ginawa ko at pilit akong inaawat pero nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin.

Ngumisi lang si Sky sa ginawa ko at pinunasan ang labi niyang nagdudugo dahil sa suntok ko.

"That's the truth. She's now my girlfriend so back off." Sabi niya at tumayo na sa pagkakabagsak niya sa sahig.

Nag-iinit na talaga ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya.

Alam kong nagsisinungaling lang ang gagong 'to dahil masyado na siyang desperado na mapasakanya si Reese. Hindi ako papayag do'n!

Sa akin lang si Reese.

I laugh sarcastically at tumiim-bagang. "Nangangarap ka ba? Sa pagkakaalam ko ay ako ang boyfriend ni Reese. Desperado ka na talaga, Sky. Hindi mo ba matanggap na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasa'yo? Nasira ba ni Reese ang pinaka iniingatan mong Perfect Image? Hindi ka niya gusto o mahal kaya sorry ka na lang." sabi ko at nginisian ko si Sky.

Nakita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Sky. Kumunot ang noo niya at sobrang sama na ng titig sa akin.

Ano ka ngayon, Sky Avenido? Hindi sa lahat ng panahon ay aayon nalang sa'yo.

"Alam mo Hiroshi, nag-eeskandalo ka na dito kaya mas mabuti pang umalis ka na." Sabi ng isang kateammates ni Sky na isa sa mga umaawat sa akin.

Umiling lang ako at ngumisi. "Gusto ko lang itatak sa kokote ng kaibigan niyo na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Alam mo kung ano ang tawag sa kanya? Talunan!" Pang-aasar ko pa.

Nagtiim-bagang na si Sky at kumuyom ang kamao nito dahil sa sinabi ko.

Akmang susugurin na sana niya ako nang napigilan naman siya nang iba pang mga kateammates niya. "Don't call me a loser! I'm Sky Avenido and no one can beat me!" Sigaw niya.

Tumawa na lang ako at inis na binitawan ang mga braso ko sa pagkakahawak ng mga kateammates ni Sky. "Admit it, Sky. Natalo ka na. Natalo ka na dahil hindi ka gusto ng taong mahal mo." Sabi ko at ngumiti muna ng mapang-asar sa kanya saka ako tumalikod papaalis.

"Hindi ako talunan! Kahit kailan ay hindi ako matatalo nang kahit na sino!" Rinig ko pang sigaw niya hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa Basketball Court.

Naiinis ako dahil iniisip na ng lahat na boyfriend na ni Reese si Sky. Ang akala ko ay ako lang ang baliw na may kayang gumawa ng mga desperadong bagay para lang makuha si Reese pero may humahamon pa pala sa akin.

Alam kong hindi madaling kalaban ang Sky na iyon dahil matalino siya at kayang mapaniwala at mamanipula ang mga tao. Ginagamit niya ang magandang imahe niya sa lahat para lang paniwalaan siya ng lahat. Hindi siya katulad ni Warren na isang santo.

Katulad ko ay isa ring demonyo si Sky.

Kung demonyo siya ay mas masahol pa ako sa demonyo at hinding-hindi ko siya uurungan!

REESE' POV

Iyak ako ng iyak ngayon dito sa loob ng kwarto ko. Kalat na kalat na sa buong YGA na kami na ni Sky na wala namang katotohanan. Pinag-uusapan na kami ng lahat ultimo ang Principal ng YGA ay alam na rin ang maling balitang iyon.

Baliw na ba talaga si Sky? Hindi ko maatim na kaya niyang gawin iyon para lang makuha ako.

Sobrang nagalit si Ryu dahil sa nangyari. Siya kasi ang boyfriend ko pero ang alam ng lahat ng tao sa YGA ay si Sky ang boyfriend ko.

Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa kung anumang gagawin niya lalo na kay Sky.

I saw how his mood turns into a dangerous one nang malaman niya ang balita.

May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya nagpunas muna ako ng luha ko bago tumayo para pagbuksan kung sino iyon. Nang binuksan ko ito ay si Kuya Reevo ang bumungad sa akin.

"Kuya, anong kailangan mo?" Tanong ko at nginitian siya.

Ngumiti siya pabalik at hinawakan ang isang kamay ko. "Pwede ba tayong mag-usap, baby girl?" he asked. Tumango naman ako at pinapasok siya sa loob ng kwarto ko.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at tinignan ang kabuuan ng kwarto ko. My Kuya Reevo is already 27 years old pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend.

He's a freaking handsome, professional and hottie kaya maraming mga babaeng nagkakagusto sa kanya pero nang dahil sa pagiging workaholic at busy person niya ay wala pa siyang lovelife.

He had a one girlfriend before na ang pangalan ay Hazel pero dahil sa niloko siya nito na may iba pa pa lang boyfriend iyon bukod sa kanya ay nakipaghiwalay na siya dito.

Nasaktan nang sobra si Kuya Reevo noon pero nagpapasalamat ako nang maka move-on na siya. Isa na rin siguro iyon sa dahilan kung bakit ayaw pa niyang makipagrelasyon dahil natatakot na siyang masaktan ulit.

Lumapit ako kay Kuya Reevo at umupo sa tabi niya. He smiled again. Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Kuya Red na palagi nalang walang emosyon ang mukha.

"How are you? Did you already eat your dinner?" Tanong niya sa akin.

"Yes, kuya. I'm done." sagot ko. Tumango naman siya pero 'di kalaunan ay sumeryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.

"Baby girl, sorry pala sa inaasal ni Kuya Red mo sa'yo. Alam mo namang ayaw namin si Ryu para sa'yo, 'di ba? Pero kung si Ryu na talaga ang napili mo ay okay na sa akin 'yon. Hayaan mo na lang muna si Red. Huhupa rin ang galit nun at makikipagbati 'yon sa'yo. Hindi ka matitiis nun." Sabi niya.

"Alam ko naman, Kuya Reevo pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hirap na hirap kayong pagkatiwalaan si Ryu. Matagal na natin siyang kakilala at ni minsan ay wala siyang ginawang masama sa akin kaya bakit ayaw ninyo sa kanya? Bakit sinasabi niyong hindi siya mabuti para sa akin?"

Sa wakas ay nasabi ko na rin ang mga matagal nang katanungan sa utak ko. Gusto kong malaman ang sagot mula sa kanila. Naguguluhan na ako at nahihirapan kung sino o ano ba talaga ang paniniwalaan ko.

Napaiwas si Kuya Reevo ng tingin sa akin at huminga ito ng malalim. "Kahit sabihin ko sa'yo ang dahilan ay hindi ka naman maniniwala." sabi niya.

I hold Kuya Reevo's hand at tinignan siya nang may pagsusumamo.

"Tell me the reason, kuya.. please?"

Napapikit na lang siya saka ito tumango.

"We saw Ryu before na may mga kasama siyang sa tingin namin ay mga Japanese friends niya isang araw sa eskinita. We saw him bullying a guy at binugbog nila ito ng mga kasama niya. We didn't see the face of the guy they beated dahil madilim ang buong lugar nang mangyari iyon. Ryu and his friends are laughing after that at iniwan nila 'yung lalakeng nakahandusay sa sahig na duguan at puno ng mga sugat at pasa. Lalapitan ko na sana 'yung lalakeng binugbog nila to help him nang hinila na ako ni Kuya Red mo papaalis doon. Baka raw kasi kami pa ang masisi sa pangbubugbog nila sa lalake. Kaya palagi naming sinasabi sa'yo na hindi mabuting tao si Ryu ay dahil kaya niyang makapanakit ng isang tao. He's not a good guy, Reese. Kitang-kita ko na si Ryu ang bumugbog do'n sa lalake." Mahabang paliwanag ni Kuya Reevo.

I was so speechless at hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

I know that Kuya Reevo is always telling the truth pero ang hirap lang paniwalaan na si Ryu ay magagawang makapanakit ng isang tao.

Talaga bang hindi ko pa siya lubusang kilala?

Nangilid bigla ang mga luha ko kaya niyakap ako ni kuya Reevo. "K-kuya, hindi ko pa pala talaga lubusang kilala si Ryu..." Malungkot kong sabi.

"Mag-iingat ka sa kanya, Reese. Siguro ay mabait lang siya kapag kaharap ka niya pero kapag nakatalikod ka na? Hindi mo alam kung sino ba talaga ang totoong siya."

Ryu, are you a pretender too?

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon