Chapter 48

16.3K 356 33
                                    

REESE' POV

Ang kasal ay isang sagradong okasyon na kung saan ay dapat magpapakasal ang isang babae sa lalakeng mahal niya at paglalaanan niya ng buong buhay niya. Ang sabi nga nila, marry the one you love pero iba ang sitwasyon ko.

Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal alang-alang sa pamilya ko. Magpapakasal ako sa lalakeng hindi ko akalain na sasaktan pala ako. I trust him, I love him as my real friend and I owned him for that pero hindi ko akalain na magiging makasarili siya at sasaktan ang damdamin ko nang ganito.

He has an angelic, handsome and cute face but the real him is too dangerous and obsessive.

How can I escape from him? How can I escape from this kind of situation?

Nakasakay ako ngayon sa bridal car patungo sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Ryu. My make-up artists said that I'm now the most beautiful bride in the world.

I'm beautiful but I can't feel it. I can't feel that I'm beautiful because I don't love the man that I am going to marry. Nasira na ang make-up ko sa walang tigil kong pag-iyak na napapansin na ng driver ng bridal car na sinasakyan ko na si Mang Jerry.

"Ma'am Reese, ayos lang po ba kayo?" Tanong niya at tumingin ito sa akin nang may pag-aalala.

Tumango lang ako at ngumiti ng pilit. "O-okay lang po ako, Mang Jerry. Huwag niyo na lang po akong pansinin." Tumango naman siya na bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha saka na ulit ito nagfocus sa pagmamaneho niya.

Ilang saglit lang ay biglang huminto ang bridal car na sinasakyan ko kaya napatingin ako kay Mang Jerry.

"Mang Jerry, bakit po huminto ang sasakyan?" Tanong ko.

Magsasalita na sana si Mang Jerry nang may biglang pumasok na dalawang lalake sa loob ng bridal car at tinakpan ang ilong ni Mang Jerry gamit ang panyo at nawalan na lang bigla ito ng malay.

Bigla ay kinabahan ako at nanginig na sa takot nang tinignan ako ng isang lalakeng nakatakip ng itim na bonnet sa buong mukha saka tinakpan rin nito ang ilong ko ng panyo at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako at napamulat ng mga mata ko. Natatandaan ko ang mga nangyari kanina. May dalawang lalakeng nakatakip ng itim na bonnet sa buong mukha nila na pumasok mula sa bridal car na sinasakyan ko at tinakpan ang ilong namin ni Mang Jerry gamit ang panyo na sa tingin ko ay may halong kemikal iyon para tuluyan kaming mawalan ng malay.

Sino naman ang gagawa sa amin nito?

Nakita kong unti-unting bumukas ang pintuan mula sa kwarto na pinagdalhan sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakaposas ang magkabilang kamay ko habang nakatali naman ng lubid ang dalawang paa ko and I'm still wearing my wedding gown.

Nakaupo rin ako sa isang malaking kama at walang ibang ilaw sa kwarto kundi ang liwanag na nagmumula sa bintanang nakasara sa kwarto. I silently crying. Natatakot na ako ng sobra.

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ako makapagsalita sa gulat nang pumasok ang isang lalakeng hindi ko inaasahan na siya ang makakagawa nito sa akin. Kahit madilim ang paligid ay kitang-kita ko ang buong mukha niya.

"Hi Reese. Nagulat ka ba at ako ang nakita mo?" Nakangising sabi niya at umupo ito sa gilid ng kama ko.

Tuluyan na akong umiyak habang tinititigan siya.

"P-Paano? B-bakit mo ako kinidnap?" Nanginginig kong tanong dahil sa takot ko sa kanya.

Ngumiti lang siya saka lumapit sa akin hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin.

He has an innocent and bright face pero hindi ko akalain na magagawa niya sa akin ito.

Nilagay niya ang ilang strands ng buhok ko sa gilid ng tenga ko saka ito bumulong sa akin. "You're asking why? Because I like you and I don't want you to marry that fucking Ryusuke Hiroshi!"

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon