Chapter 13

24.7K 670 24
                                    

REESE' POV

Nang makarating na kami ni Ryu sa classroom namin ay basta na lang akong hinila ni Ailah papalabas at ang sabi niya ay ipapakilala niya ako ngayon sa mga kaibigan niya.

Nagpaiwan na lang muna si Ryu sa classroom namin dahil matutulog pa raw siya. Kulang yata sa tulog ang lalakeng iyon. Malamang ay nagpuyat na naman iyon sa kakalaro ng mga online at video games. Napansin ko nga na may iilang sugat siya sa mukha at kamay niya pero ang sabi niya naman ay nasugatan lang siya ng nabasag niyang flower vase. Medyo hindi convincing ang dinahilan niya pero hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon at baka magalit na naman siya.

Mababait kaya ang mga kaibigan ni Ailah? Sigurado ako na puro mga babae ang friends niya. Medyo excited akong makilala sila dahil lumaki akong puro mga lalake ang nasa paligid ko na wala man lang ni isang makarelate sa mga gusto at hilig ko.

Syempre, babae ako at magkaiba naman ang hilig ng babae sa mga lalake, 'di ba?

"Ipapakilala ko sa'yo ang love of my life kong si Niccolo! Sure ako na magagwapuhan ka sa kanya." Masayang sabi ni Ailah habang higit-higit pa rin ako papunta sa hindi ko malamang lugar.

Kanina pa niya sa akin ikinukwento si Niccolo na crush daw niya. Base sa sinabi ni Aliah ay gwapo ito ang kaso nga lang ay malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Pero ang sabi niya sa akin ay hindi niya susukuan si Niccolo at ipaglalaban pa rin niya ang pagmamahal niya dito.

Nakakabilib rin 'tong si Ailah, kung ako ang nasa posisyon niya ay baka matagal na akong sumuko sa ganon. She's a strong and brave woman.

Maganda naman si Ailah at mabait pero bakit ayaw ng Niccolo na 'yon sa kanya? May mali yata sa taste ng lalakeng iyon!

Tumawa na lang ako. "Oo na po." Ngumiti lang naman si Ailah sa akin hanggang sa makarating kami sa isang open field.

Pumunta kami sa isang cottage kung saan ay nandoon na raw ang mga kaibigan ni Ailah na ipapakilala niya sa akin.

Ang akala ko ay may maaabutan akong mga babaeng nag-uusap, nagmemake-up at nagtatawanan pero nagulat na lang ako sa mga taong nakita ko.

May limang naggagwapuhang mga lalake ang nakaupo sa loob ng cottage habang seryoso silang nag-uusap. They are so tall and very attractive at halatang mga anak mayaman rin sila base on their fashion and mannerism.

Napatingin ako sa lalakeng tinitignan ni Ailah. Gwapo ito pero mukhang suplado. Ito yata ang sinasabi niyang si Niccolo.

Tumikhim si Ailah dahilan para mapatingin sa amin ang mga naggagwapuhang lalake.

"Ahm guys.. ito nga pala si Reese. 'Yung bago kong friend. Transferee siya dito sa YGA." Pagpapakilala ni Ailah sa akin sa mga kaibigan niya.

Nahiya akong bigla nang tinignan nila ako or should I say tinititigan.

Tumayo mula sa pagkakaupo nito ang isang gwapo at singkit na lalake at biglang nakipagkamay sa akin. Tinanggap ko naman ito.

"Ikaw pala 'yung tinutukoy ng iba pa naming kateammates sa basketball na Dyosang Transferee. Tama naman sa'yo ang bansag na 'yon dahil talagang napakaganda mo pala talaga. Ako nga pala si Carlo Montreal." Sabi niya at kinindatan ako. Napangiwi naman ako sa ginawa niya.

Lumapit sa pwesto namin ang isa pang gwapong lalake at piningot sa tenga ang lalakeng nagpakilala sa akin na Carlo.

"Ayan ka na naman sa kalandian mo, Carlo. Tumigil ka nga!" Saway niya dito.

Napangiwi na lang sa sakit si Carlo sa pagkakapingot sa kanya nung lalake at lumabi na lang. Ang cute niya, infairness.

Bumaling naman sa akin ang lalakeng pumingot kay Carlo at nginitian ako.

"Ako nga pala si Raven at 'yang mga kasama ko ay sila Jedus, Niccolo at Ivo." Sabay turo niya sa mga kasama niyang nakangiti sa akin except sa crush ni Ailah na busy sa paggamit ng cellphone nito.

Tumango naman ako at nagbow sa kanila. "I'm Reese Santillan. Nice to meet you all."

"Masaya rin kaming mameet ang bagong kaibigan ni Ailah." Sabi ni Jedus na nginitian ako at sumulyap ito kay Ailah.

Pinaupo naman nila kami ni Ailah sa gitna ng inuupuan nila at kinausap.

"Alam mo ba na pinag-uusapan ka na dito sa YGA?" sabi sa akin ni Raven.

Napakunot naman ang noo ko do'n. "Bakit naman nila ako pinag-uusapan?" Tanong ko.

Bakit ako pinag-uusapan ng mga taga YGA? May nagawa ba akong mali sa school nila o may nalabag ba akong Rules and Regulations ng school?

"Ang ganda-ganda mo raw kasi at tama nga sila, napakaganda mo." Sabi ni Carlo at nginitian ako.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Maraming nagsasabi sa akin na maganda ako. Hindi naman ako gaanong matangkad pero bumagay daw ang height ko sa katawan at mukha ko.

Siguro ay dahil iyon sa pagiging half French-1/4 Japanese ko kaya maputi ang balat ko at mestiza ang itsura ko.

"Kayo, iniitriga niyo na kaagad ang Dyosa kong friend! Baka naman mailang na siya sa ginagawa ninyo!" Naiinis na sabi ni Ailah sa kanila.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang inakbayan ni Jedus na mukhang ikinagulat rin ni Ailah. Somethings fishy between these two, huh?

Napansin ko na napalingon sa kanila si Niccolo na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanila.

"Kilala mo naman ang mga 'yan, Ailah. Kapag may magandang babaeng nakikita ay kung anu-ano nang pagpapaimpress ang gagawin." sabi ni Jedus. At natawa silang dalawa doon.

Umiling lang ang isa pang tahimik na si Ivo at bumaling ito sa akin. "Welcome nga pala sa YGA. As Ailah mentioned earlier, I'm Ivo Dela Fuente." Pagpapakilala niya sa akin.

Nginitian ko naman siya. "Nice to meet you." Tumango lang siya do'n.

"Ehem!" Napalingon kami ni Ivo sa biglang tumikhim. Si Carlo.

"Ikaw Ivo, nalingat lang kami sandali e, bantay salakay ka na kaagad diyan kay Reese. Mas galawang breezy ka pa pala kaysa sa akin." Nakangising sabi niya.

"Huwag mo nga akong itulad sa'yo. Mas galawang breezy ka. Gago!" Sabi pa ni Ivo at binato niya ng panyo sa mukha si Carlo.

Nagtawanan na lang kaming lahat dahil sa pagtatalo nila. Ang mga lalake talaga ang hihilig magmura.

Ailah's guy friends are so nice to me maliban nga lang sa crush niyang si Niccolo. Ni hindi nga kami pinapansin nito kanina pa. Pero may kutob talaga akong may gusto siya kay Ailah. Nakita ko kasi kanina sa mga mata niya ang pagseselos nang inakbayan ni Jedus si Ailah.

Si Jedus ay mukha namang may gusto kay Ailah. Si Ailah naman ay hindi yata maramdaman na gusto siya ni Jedus. Ang komplikado naman ng sitwasyon ng lovestory nila.

May 20 minutes pa naman bago ang klase namin kaya nakipag-usap muna ako sa mga kaibigan ni Ailah. Habang nag-uusap kami ay napansin ko na may isang matangkad at maputing lalakeng naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin nila Ailah.

Nang makalapit na ito sa amin ay napaawang ang bibig ko sa gulat dahil nasa harapan ko ngayon ang lalakeng nagsabing gusto niya raw ako na kinatatakutan ko ngayon.

Lumapit naman sa kanya si Carlo. "Sky, si Reese nga pala. Bagong kaibigan ni Ailah." Pagpapakilala ni Carlo sa akin.

Kinabahan ako nang tignan ako ni Sky.

"I already know her. I know Reese."

It gives me a goosebumps hearing his deep and very dangerous voice.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon