Chapter 17

23.5K 611 17
                                    

SERENE'S POV

"Alam mo Serene, kung ako sa'yo ay hiwalayan mo na 'yang boyfriend mong sobrang possessive. Hindi ko talaga alam kung bakit nagtitiis ka pa rin sa kanya. Bakit ba kasi ayaw mong makipaghiwalay sa kanya?" Sermon na naman sa akin ni Raven.

Kung pwede nga lang ay matagal na akong nakipaghiwalay kay Vince pero hindi ko iyon magawa dahil ikakalat niya sa lahat ang video namin na hindi ko naman ginustong mangyari.

He drugged me kaya may nangyari sa amin. Vince is so desperate to have me kaya ginawa niya ang isang bagay na lubos na makapagpapasakit sa akin. Ayokong mapahiya sa YGA dahil madadamay na rin doon pati ang parents ko. One of stockholders rin sila Vince sa YGA katulad ng parents ni Sky na kaibigan ni Vince.

I will endure all the pain, sufferings and heartaches para sa family ko. Since then ay matagal na akong gusto ni Vince. His parents and I are very close to each other kaya mga bata pa lang kami ay magkakilala na kami. He's 2 years older than me at noong mga bata pa kami ay isang kuya lang talaga ang tingin ko sa kanya pero siya ay hindi isang nakababatang kapatid ang turing sa akin.

I tried to love him pero kahit na anong gawin ko ay si Raven pa rin talaga ang mahal ko.

The man in front of me is the man that I truly love. Hindi ko masabi sa kanya ang mga ginagawa ni Vince sa akin dahil alam ko ang mga kaya nitong gawin kay Raven.

Raven Trajano is our childhood friend, too at mga bata pa lang kami ay matagal ko na siyang gusto. But I know he didn't like me dahil parang isang kapatid lang ang turing niya sa akin and it sucks.

Alam niya ring hindi ko talaga mahal si Vince pero pinipilit ko pa ring sinasabi na oo kahit hindi naman talaga.

"I-I love him, Raven." I lied.

Natigilan siya dahil sa sinabi ko pero pagkaraan ay tumango lang ito at umiwas ng tingin sa akin.

"If you say so but I still don't believe that you love him, Serene. I'm your friend for a long time and I know if you are lying or not." Malamig niyang sabi pagkatapos ay tumayo na siya at umalis.

Napapikit na lang ako. Bakit pakiramdam ko ay gusto rin ako ni Raven at nagseselos siya sa aming dalawa ni Vince?

Nag-aasume na naman ba ako dahil mahal ko siya? Ako na talaga ang umaasa sa wala.

AUSTIN'S POV

As a part of my plan ay makikipag-ayos na ako kay Reese para naman makuha ko ang tiwala niya. This is the first time that I will do this stupid things para lang mapansin ako ng isang babae. Kadalasan kasi ay mismong mga babae na ang lumalapit sa akin pero para kay Reese ay bababaan ko muna ngayon ang pride at ego ako.

Hinintay ko siyang makalabas ng classroom na kasama ang kaklase naming si Ailah. Himala nga at hindi niya kasama ang bestfriend niyang binabakuran siya palagi at galit na galit sa akin.

Nagulat pa siya nang makita akong nakasandal sa gilid ng pintuan habang nakatukod ang isang kamay ko do'n.

Yumuko naman ako at umayos ng tayo. "Reese, gusto ko lang sanang magsorry sa pangungulit ko sa'yo. Alam kong pangit ang first impression mo sa akin. Pati sa mga texts and calls ko na hindi mo naman sinasagot. Gusto lang kasi kitang maging kaibigan kaya ganon ako kakulit makuha lang ang atensyon mo." Malungkot kong sabi.

Napataas ng isang kilay niya si Ailah dahil sa sinabi ko samantalang hindi naman makaimik kaagad si Reese.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa taas at nagpamulsa. "Mahilig lang kasi talaga akong mangulit sa mga taong gusto kong maging kaibigan-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumabat naman si Ailah.

"Marami naman yatang nakikipag kaibigang mga babae sa'yo dahil gwapo ka nga pero bakit gusto mong maging kaibigan pa si Reese?" Nakangisi niyang sabi.

Medyo nainis ako dahil sa sinabi niya. Masisira pa yata ang plano ko nang dahil sa pangingialam niya!

Ngumiti na lang ako ng peke. "Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami. We met before bago pa ako magtransfer dito sa YGA. Okay lang sa'yo 'yon, 'di ba, Reese?" I asked Reese. Nag-isip pa muna siya ng malalim bago ito tumango.

Ganyan nga, Reese.

"Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan si Austin sa akin, Ailah." She said at nginitian ako.

How this girl looks so gorgeous and hot even if she's only smiling?

She's one the prettiest girl I've ever seen in my life after Alanis.

Ngumiti na lang ako at napakagat-labing nagkamot ng batok ko. "Thank you. So, pwede na ba akong makisabay sa inyo ni Ailah? Saan ba kayo pupunta?" Tanong ko.

Nakita ko ang pag-irap ni Ailah sa akin at paghalukipkip habang si Reese naman ay ngumiti sa akin. Hindi ko na lang pinansin si Ailah at bumaling na kay Reese.

"Pwede ba?" Tanong ko ulit.

Tumango si Reese at si Ailah naman ay bigla nalang nagwalk-out.

Magwalk out ka lang kung gusto mo. Panira ka lang sa plano kong babae ka, e.

"Ailah, saan ka pupunta?" Sigaw ni Reese nang medyo nakakalayo na sa amin si Ailah.

Huminto naman sa paglalakad si Ailah at humarap sa amin. "May pupuntahan pa pala ako, Reese. Magpasama ka na lang diyan kay Jimenez tutal gusto niya namang makipagkaibigan sa'yo." Sabi niya ng sarkastiko at inirapan ulit ako bago ito tumalikod at naglakad papaalis.

Napangisi na lang ako dahil sa inis.

"Anong nangyari dun?" Nagtatakang tanong ni Reese.

Naramdaman ko na lang bigla ang paghawak ni Reese sa braso ko na ikinahinto ko.

"Sure ka ba talaga na hindi mo na ako aasarin at kukulitan pa? Gusto mo akong maging kaibigan? Pero bakit nga ba ako? Marami namang mga babaeng nakikipagkaibigan sa'yo dito, ah." sabi niya.

Napalunok ako. Maybe I kindly like her dahil maganda siya at sexy?

Pero hindi, there's something in her that I can't explain. Para ngang kapag hindi ko siya nakikita at nakakausap ay hindi kumpleto ang araw ko.

Do I already like her for real?

"A-ano.. ikaw lang kasi ang babaeng kinausap ako na hindi ako nilalandi o binobola. Kakaiba ka nga dahil sa gwapo kong 'to ay sinusungitan at iniisnob mo ako. Ikaw 'yung tipo ng kaibigan na masasabi kong pwedeng mapagkatiwalaan and.. I don't have any girl-friends. Girl-friends, ha? 'Yung babaeng kaibigan at sa tingin ko nga ay magkakasundo tayo."

Totoo na yata ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ano bang nangyayari sa akin? May plano pa ako, 'di ba?

Gulat na gulat si Reese sa sinabi ko pero hindi kalaunan ay natawa lang siya. "Really? Sa itsura mong 'yan ay wala kang girl-friends? Dahil nga siguro lalandiin ka lang imbes na kakaibiganin." she said and shook her head. I nodded.

"Oo, ganon na nga." sabi ko naman na ikinatawa ulit niya.

And now, I'm watching the most beautiful scene. Is she an angel?

"Seriously, Austin? Sige na nga. Para may girl-friend ka na ay makikipagkaibigan na ako sa'yo basta ay 'wag mo na akong kukulitin at aasarin pa ulit. Saka makipagbati ka na rin kay Ryu." sabi niya.

Makikipagbati ako sa lalakeng iyon? Sa ginawa nun sa akin?

Pero para kay Reese ay gagawin ko iyon. Tumango naman ako at niyakap siya. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko at hindi halos makagalaw.

"Thank you, Reese." Sabi ko habang nakangiti.

THIRD PERSON'S POV

Naglalakad si Sky pabalik sa classroom nila habang naka earphone ito at nakapamulsa. When he's almost there in their classroom ay tila nanigas siya at bigla na lang lumukob ang inggit, galit at selos sa puso niya sa eksenang nakikita niya ngayon.

He saw Austin and Reese hugging each other.

The girl that he likes is hugging his new rival.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon