Chapter 43

14.8K 341 30
                                    

SKY'S POV

I've never expect in my life na gagawin ko ang sa tingin ko noon ay ang pinaka corny na move na ginagawa ng isang lalake sa isang babaeng para lang maging girlfriend niya ito. Ang manligaw.

Si Sky Avenido na masungit, suplado, selfish at mataas ang pride ay tuluyan nang napabago ni Reese Santillan.

Hindi ko akalain na magkakagusto ako sa isang babae. I thought before na kung ako lang ang mag-isa sa buhay ay masaya at kuntento na ako sa kung anong meron ako, na hindi ko na kailangan ng babae sa buhay ko dahil baka katulad lang rin siya ng ina ko pero nagkakamali ako dahil iba si Reese.

Nakikita ko na napakabuti rin niyang tao. Kahit na noon ay ilang beses ko na siyang tinangkang gawan ng masama ay napatawad niya pa rin ako sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya.

Babawi ako sa mga ginawa ko kay Reese noon. I will not love her the way Vince did to his girlfriend, Serene. I will love Reese the way how much I care and respect her.

Iiwasan ko na ang pagiging obsessive at possessive ko pagdating sa kanya. Ayoko na katakutan niya ako nang dahil sa pagiging makasarili ko makuha lang siya.

I will also protect her to her obsessed bestfriend and even to my friend Carlo and that Austin. Bilang isang lalake ay nakikita ko ang pagnanasa at paghahangad nila sa babaeng mahal ko and I will never gonna let that happen.

Nakipagtulungan ako sa mga kateammates ko sa basketball at maging sa mga kaklase ko para paghandaan ang unang araw ng panliligaw ko kay Reese.

Tinulungan naman ako nila Ailah at ng iba ko pang mga kateammates sa basketball na mag set-up ng mga balloons, table, chairs at mga pagkain para sa lunch date na gagawin ko dito mismo sa Gymnasium ng YGA para kay Reese.

I want everybody to know na liligawan ko si Reese. Ikaklaro ko na rin sa kanila ang ikinalat kong maling balita noon na girlfriend ko na si Reese na hindi pa naman.

"I never thought that you could be mushy like this. You're really in love with her." Nakangiting sabi ni Raven habang tinutulungan niya akong magset-up ng table at mga pagkain.

Umiling na lang ako at napangiti. "Yeah. I never thought that I will do this kind of thing. Tinamaan na nga talaga ako." Sabi ko naman. Natawa lang si Raven sa sinabi ko at tinapik ang balikat ko.

"Reese is a good influence to you. You've become a better person, Sky. Ngumingiti ka na at nakikipag-usap sa amin." Sabi naman niya.

He's right. Malaki na ang pinagbago ko simula nang makilala ko si Reese. She's like my Kryptonite, na kapag nawala siya sa buhay ko ay manghihina na ako.

Kung mawawala man siya sa akin ay baka hindi ko iyon kayanin. Dinipende ko na ang sarili ko sa kanya. Siya ang dahilan ng pagbabago ko kaya gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako at hindi na iwanan pa.

"I'm sorry for being a snob person to you, guys. It's just like na hindi ko lang talaga gusto na may nakikipag-usap sa akin." sabi ko. Raven nodded.

"Okay lang 'yon. Ang mahalaga ngayon ay nagbabago ka na, Sky." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy na ang ginagawa namin.

Nang matapos na kami ay namangha ako sa ginawa naming set-up. Maganda ang theme na ginawa nina Ailah at Jedus. Parang candlelight dinner lang. Maaga kaming gumising at pumasok sa YGA para lang gawin ang set-up na ito at nagpapasalamat ako sa tulong nila kasama sina Raven at Ivo.

"Wow! How romantic naman, Sky. Sigurado akong maiihi sa kilig si Reese dahil sa effort na ginawa mo!" Sabi ni Ailah at kinuhanan ng litrato ang set-up na ginawa namin.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon