Chapter 22

20.5K 522 13
                                    

REESE' POV

Nakasakay kami ngayon ng mga kagrupo ko sa isang van kung saan magkakaroon kami ng camp tour ng dalawang araw. It's still awkward for me na kasama ko ang mga lalakeng malaki ang ginagampanan ngayon sa buhay ko.

Nasa unahan ang driver at nasa harapan naman kami nakapwesto ni Ryu habang sina Ailah at ang isa pa naming kagrupo na si Lian ay nasa gitnang upuan samantalang nasa likod naman ang tahimik na si Sky na na may nakasapak na earphones sa magkabilang tenga nito at ang kanina pang nakasimangot na si Austin.

Nakakahiya nga sa mga kasama namin dahil lantaran pa ang PDA ni Ryu sa akin. Kanina pa siya halik ng halik sa pisngi at noo ko at napapansin ko pang nginingisian niya sina Sky at Austin.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganito siya. Sobrang sweet at possessive niya sa akin kapag may iba akong kasamang lalake.

"Hay nako! Pwede bang tama na ang PDA? Nakakahiya naman sa aming mga single, oh?" Parinig ni Ailah na ikinatawa naman ni Lian na mukhang type pa yata si Austin dahil kanina ko pa napapansin na sumusulyap siya dito.

"Hayaan mo na lang, Ailah. Magjowa na, e." Sabi naman ni Lian.

Umiling lang na napangiti si Ryu doon samantalang ako ay napayuko naman sa hiya. Narinig naman namin ang biglang pagtikhim ni Austin.

"Oo nga. PDA sila ng PDA pero syempre sanay na sanay na si Reese dyan. Right, Reese?" Nakangisi niyang sabi at pinagkrus ang kanyang mga kamay.

Napalingon sa kanya si Ryu at tinitigan siya ng masama. "May problema ka ba kay Reese?" seryoso niyang sabi.

Nagulat naman kaming lahat except kay Sky na napairap lang sa sinabi ni Ryu.

Austin chuckled. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Maangas niyang sabi.

Akmang susugurin na sana siya ni Ryu nang napigilan ito nina Ailah at Lian.

"Hey guys! Calm down, please. Kung may mga issue man kayo sa isa't-isa ay 'wag niyo munang idamay 'yan ngayon sa camp  tour natin. Saka na lang 'yan kapag natapos na tayo." Mahinahong sabi ni Ailah.

Umiling na lang si Ryu at nanahimik. Hinawakan ko naman ang kamay niya para kumalma siya. "I-I'm sorry..." Mahinang sabi ko.

Dahil sa akin kaya nagkakagulo sila. Nakakahiya pa kina Ailah at Lian. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa aming tatlo.

Ryu tilted my chin at iniharap ako sa kanya. "You don't need to say sorry. Ayoko lang na binabastos ka ng lalakeng 'yan dahil hindi mo siya pinapansin. He's jealous with us." mariin niyang sabi.

Kung ganon nga lang iyon but Austin is mad at me because he thinks that I'm a flirt and slut for having a sex with Sky.

Hindi na lang ako umimik at tumingin sa side mirror ng van. I was accidentally look at Sky's side at nagsitindigan ang mga balahibo ko nang mahuli kong nakatitig siya sa akin.

I think something bad will happen to me in our camp tour.

Nasa hotel na kami sa Batangas ng buong section namin. Dito muna kami mag-iistay pansamantala at bukas ay pupunta na kami sa site para sa gaganaping camp tour ni Ma'am Sonia.

"So, tomorrow is our first day of camp tour. Gumising kayo ng maaga bukas at ibibigay ko na sa inyo ang mga hotel keys niyo para makapagpahinga na kayo ngayon mula sa biyahe." she said.

Isa-isa namang inabot sa amin ni Ma'am Sonia ang mga susi para sa room na pag-iistayan namin pansamantala. Nandito kami ngayon nakatipon sa lobby area ng hotel.

"Each room have 6 beds kaya sama-sama na kayo sa iisang kwarto. At dahil mga babae at lalake kayo ay baka may maisipan kayo na gawin at dito pa kayo sa hotel gumawa ng milagro. Winawarningan ko na kayo, grades ang habol niyo dito. Maliwanag ba?" Maotoridad niyang sabi at tinaasan kami ng kilay.

"Yes. Ma'am."

Tumango na lang kami at hindi na kumontra pa. Baka kasi kapag kinontra pa namin si Ma'am Sonia ay talakan na naman niya kami ng napakahaba niyang panenermon.

"Good. Please proceed to your rooms, now." Sabi pa niya at umalis na rin pagkatapos.

Nagtungo na sa kanila-kanilang mga hotel rooms ang mga kaklase namin kaya sumunod na rin kami.

"Ang sungit talaga ni Ma'am Sonia! Matandang dalaga kasi kaya ganyan." Kunwaring naiinis na sabi ni Lian habang naglalakad kami na ikinatawa naman ni Ailah.

"Sinabi mo pa! Ang green minded pa ng utak nun pero salamat na lang sa kanya at ang ganda ng pinuntahan natin dito at naka 5 Star Hotel pa tayo. Kung sa bagay, sa yaman ng YGA ay baka barya-barya lang sa kanila ang pag-iistay natin dito sa mamahaling hotel na 'to." Sabi naman ni Ailah.

"Correct!" Masayang sabi ni Lian.

Nakaakbay naman sa akin si Ryu habang nasa likuran ko sina Sky at Austin. Kanina pa ako hindi mapakali at tila may kaba akong nararamdaman sa dibdib ko.

Magsasama kami sa iisang kwarto pero medyo nakampante naman ako dahil kasama ko si Ryu at mapoprotektahan niya ako sa kung ano na naman ang balak sa akin ni Sky.

Nakarating na kami sa hotel room namin. Mabuti na lang at malaki ang kwarto na ito at may tig-iisa pa kaming kama kaya komportable kami dito.

Kaming tatlong mga babae ay pumwesto na sa left side ng mga kama habang ang mga lalake naman na kanina pa hindi nag-iimikan ay nasa right side naman. Sina Ailah at Lian naman ay napansin na ang katahimikan ng mga lalake.

"Boys, pwede bang magsalita kayo? Kung galit kayo sa isa't-isa ay pwedeng isantabi niyo na muna 'yan at i-enjoy na lang ang camp tour natin? Kailangan namin ng mga boses niyo para sa cooperation niyo alang-alang sa grades natin." Sabi ni Ailah sa kanila.

Bigla namang nagsalita si Austin at humiga na ito sa kama niya. "Do we really need to speak? Sa kadaldalan niyo ni Lian ay parang wala man lang kaming chance umimik o magsalita." Natatawa niyang sabi.

Lian suddenly blush when she heard Austin mentioned her name. Siguro ay kinilig siya dahil halata namang may crush siya kay Austin.

Nagreact naman kaagad si Ailah sa sinabi ni Austin at pinameywanganan pa niya ito. "Aba! Paano kaming hindi magsasalita nang magsasalita ni Lian e, parang mga pipi lang at walang mga dila ang mga kasama namin ngayon?" Then she rolled her eyes.

Hinayaan na lang namin ang pagtatalo ng dalawa instead I get my clothes in my bag at magsha-shower na lang dahil mukhang wala pa silang balak kumilos. Marahil ay napagod sila sa biyahe namin.

"Magsha-shower lang ako." Paalam ko kay Ryu na nakaupo na sa kama niya.

Tumango siya at hinalikan ang pisngi ko. "Okay, girlfie." Nakangiti niyang sagot.

I smiled back at umalis na not minding Sky na nararamdaman ko na pinapanood kami ni Ryu.

Tinungo ko na ang comfort room ng hotel room namin. Nang makita ko na ito ay akmang papasok na sana ako sa loob ng cr nang may humablot sa braso ko at tinakpan ang bibig ko at daliang ipinasok ako sa loob ng cr tsaka ito nilock.

Nanginig ang buong sistema ko nang siya na naman ang kaharap ko.

Kailan niya ba ako titigilan?

He's looking at me intently at inilapit pa nito ang mukha niya sa akin. "Do you have a plan to make me jealous? 'cause you already did." Mariin niyang sabi at tinanggal na ang kamay niya sa bibig ko.

Akmang sisigaw na sana ako nang tinakpan niya ulit ang bibig ko at naramdaman ko na lang na hinahaplos niya na ang mga hita ko. Tuluyan nang nagsitindigan ang mga balahibo ko dahil sa ginagawa niya.

He's going to do it again.

"Shout or else malalaman nila na nandito tayo sa banyo at iisipin nila na may ginagawa tayong milagro." Nakangisi niyang sabi.

Napaluha na ako at galit na tinignan siya. "Tigilan mo na ako!" gigil kong sabi at mahinang napahikbi.

Ngumiti lang siya at mas lalo pang pinagdikit ang mga katawan namin. "Hindi kita titigilan hangga't hindi ka napupunta sa akin. Dahil sa akin ka lang, Vereese Santillan..."

Then my heart suddenly beats faster because of what he said.

Why I feel this way to him?

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon