Chapter 16

23.9K 556 56
                                    

REESE' POV

Nagising ako nang nasa loob ng kwarto ko na. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero pilit kong inaalala ang mga nangyari.

Naalala ko na, dinala ko si Sky sa clinic at nagkunwari siyang masama ang pakiramdam niya para magawa na naman niya ang binabalak niya sa akin. Napaiyak ako sa huli kong naalala. Pilit niya akong hinahalikan nun pero nagpupumiglas ako.

Bakit pa ba ako nagtitiwala sa kanya? May masama nalang siyang balak sa akin palagi sa tuwing nagkakasama kami.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Kuya Red at Kuya Reevo.

"Baby girl, okay ka lang ba? May masakit pa ba sa'yo?" Tanong ni Kuya Reevo at hinawakan niya ang kamay ko.

Tumango ako. "Ayos na ako, kuya. Paano pala ako napunta dito sa kwarto ko? Sino ang nagdala sa akin dito?"

Si Kuya Red naman ang sumagot sa tanong ko. "Sky ang pangalan nang nagdala sa'yo dito sa bahay. Sinabi niya na nahimatay ka raw sa school niyo kaya dinala ka niya dito."

Nakaramdam na lang ako bigla ng takot dahil sa sinabi ni Kuya Red.

Si Sky pa ang nagdala sa akin dito sa bahay? At sinabi niya na nahimatay ako sa school?

Hindi ko na matandaan ang iba pang detalye ng mga nangyari pero sigurado ako na siya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.

Naglean sa akin si Kuya Reevo at hinawakan niya ang noo ko. "Chineck ko ang kalagayan mo kanina. Nagcollapse ka dahil may nainom kang strong chemical na dahilan ng pag-oover dosage mo. Umiinom ka ba ng gamot sa headache o sa stress mo?" Tanong niya. Napailing ako.

Paano ako mao-overdose kung wala naman akong gamot na iniinom?

Si Sky. Baka may pinainom siya sa akin dahilan para mawalan ako ng malay. Hindi ko masabi sa mga kapatid ko ang ginagawa sa akin ni Sky. Ayoko na silang bigyan pa ng problema dahil alam kong busy rin sila sa mga trabaho nila. Mag-iingat na lang ako sa kanya at hindi na siya muling lalapitan pa.

"Oo, kuya. Nasobrahan yata ako sa pag-inom ng Paracetamol para sa headache ko." Sabi ko na lang at napapikit.

I'm sorry, Lord kung nagsisinungaling ako sa mga kapatid ko.

Kuya Reevo nodded at halatang nag-aalala pa rin siya para sa akin. "You should take care of yourself next time, Reese. Wala kami nina Mom at Dad para mabantayan ka palagi."

Napayuko na lang ako at tumango. "Okay, kuya. Thank you sa inyo and sorry po."

"May sinabi pala 'yung Sky sa amin." Kuya Red said immediately.

Nakaramdam na naman ako ng takot at kaba pagkabanggit ni kuya Red sa pangalan ni Sky.

Ayoko nang marinig pa ang pangalan niya.

"A-ano 'yon, kuya?" Kinakabahan kong tanong.

Kuya Red is looking at me seriously. "He said that he's your boyfriend. Kailan ka pa nagkaboyfriend, Reese? Bakit hindi namin alam ang tungkol do'n?"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Red.

Sinabi ni Sky sa kapatid ko na boyfriend ko siya? Ano bang gusto niyang palabasin?

Umiling ako ng paulit-ulit. "Hindi kuya, hindi ko boyfriend si Sky. Alam niyo naman na ayoko pa munang magkarelasyon, 'di ba?" Nanghihina kong sabi at napapikit saka ulit nagmulat.

"So, why he said na boyfriend mo siya? Tinatago mo lang ba sa amin na nakipagrelasyon ka na dahil alam mo na magagalit sina Mom at Dad sa'yo?" Kuya Red doesn't look convinced sa sinabi ko.

Ako ang kapatid niya pero bakit parang mas naniniwala pa siya kay Sky kaysa sa akin?

Nagreact naman kaagad si Kuya Reevo dahil sa sinabi ni Kuya Red.

"Why, Xyred? Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ng kapatid natin? Malay mo nga kung obsessed o gusto lang talaga ng lalakeng 'yon si Reese kaya niya sinabi sa atin na boyfriend siya ni Reese? Alam mo namang maraming nagkakagusto sa kapatid natin," He said.

Mabuti pa si Kuya Reevo, kahit hindi kami madalas nagkakasama dahil palagi siyang busy sa trabaho niya ay alam niyang hindi ko kayang magsinungaling sa kanila samantalang si Kuya Red ay madalas na ngang wala sa bahay at hindi ko pa nakakasama pero wala pang tiwala sa akin.

Natahimik naman si Kuya Red dahil sa sinabi ni Kuya Reevo.

Nangingilid naman ang mga luha kong bumaling kay Kuya Red. "Kuya, I'm your sister pero bakit mas pinaniniwalaan mo pa si Sky kaysa sa akin? Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo?" I said then I sobbed.

Pero imbes na yakapin at suyuin ako ni Kuya Red ay umiling lang siya pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto ko. Tuluyan na akong napaiyak ulit at kumapit sa braso ni Kuya Reevo.

"Hush.. baby girl. Kilala mo naman 'yang si Kuya Red mo. Nasabi lang niya siguro 'yon dahil alam mong overprotective 'yon sa'yo. He's not mad at you so don't worry," Sabi ni Kuya Reevo at hinagod-hagod niya ang balikat ko para patahanin ako sa pag-iyak.

"Bakit ganon si Kuya Red? Bakit parang wala siyang tiwala sa akin?" Humihikbi ko namang sabi.

Sinapo naman ni Kuya Reevo ang buong mukha ko pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ko.

"He trust you. It's just he can't trust that guy easily. Tell me, is that Sky was bothering you? He looks harmless outside but in inside? I don't think so,"

Natahimik ako dahil sa sinabi ni Kuya Reevo. Magaling talaga siyang kumilatis ng isang tao kaya hindi na ako magtataka kung balang araw ay malaman niya ang mga ginagawa sa akin ni Sky.

"H-hindi, kuya. He's only my classmate." I lied.

Tumango na lang si Kuya Reevo do'n at hindi na muling nagtanong pa.

I'm sorry to my brothers if i'm lying to them.

Ayoko lang na dagdagan pa sila ng problema dahil alam ko na marami silang inaasikaso at ginagawa para sa pamilya namin.

RYU'S POV

Ayaw akong papasukin ng lintik na sina Red at Reevo sa loob ng bahay nila. Nahimatay raw kasi si Reese sa YGA at dinala siya ni Sky dito sa bahay nila. Hindi ba't si Sky ang masama ang pakiramdam? Pero bakit si Reese ang nahimatay?

Sinasabi ko na nga ba! Kanina sa Cafeteria ay halatang umaacting lang ang gagong iyon para makasama si Reese. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata iyon sa mga ikinikilos niya na interesado siya sa bestfriend ko.

Ang akala ba niya ay uurungan ko sila ng isa pang gago na si Austin?

Warren Benitez.

Naaalala ko na naman ang nag-iisang naglakas ng loob na kalabanin ako para lang makuha ang atensyon ni Reese. Dahil sa lagi niyang panunuyo at pangungulit kay Reese noon ay nagustuhan na siya nito at labis akong nagalit do'n dahil ako na nga ang mas matagal nang kilala at nakasama ni Reese pero sa Warren na iyon ay ilang buwan pa lang silang magkakilala ay nagustuhan na niya ito kaagad?

Hindi ako papayag na malamangan ako kaya gumawa ako ng isang masamang bagay para lang mawala na siya sa landas namin ni Reese.

Naaalala ko pa nung high school pa lang kami ay wala nang ibang ginawa ang lalakeng iyon kundi agawin na lang ang lahat ang dapat nasa akin. The popularity, attention, academics, sports and even the girl that I loved, he tried to steal it from me. Ngunit hindi siya nagtagumpay doon.

I called my Yakuza friends in Japan at isang gabi ay pinatay namin si Warren. Yes, we killed him. Gusto ko na siyang mawala sa buhay namin ni Reese dahil mang-aagaw siya! Mas mabuti pang napunta na siya sa impyerno.

Alam ng parents ko ang ginawa kong krimen pero sa kadahilanang ayaw nila akong makulong hanggang ngayon ay pinagtatakpan pa rin nila ako sa nagawa ko. Lahat ng bagay ay ginawa na nila para hindi lumabas ang totoo tungkol sa pagkamatay ni Warren.

I'm Ryusuke Sato Hiroshi and I'm doing everything to kill my rivals and not to give what's mine and that is Reese.

My bestfriend.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon