Chapter 4

40.5K 945 45
                                    

REESE' POV

Natapos na ang klase namin at dismissal na. Nauna nang umalis si Ailah dahil may kailangan pa raw siyang puntahan. Si Ryu naman ay sumali sa try-out ng Basketball ng YGA at mamaya pa sila matatapos kaya hihintayin ko na lang siya sa labas ng gate ng YGA para sabay na kaming umuwi.

Nag-umpisa nang magsilabasan ang mga kaklase ko sa classroom namin habang ako naman ay inaayos ang mga gamit ko. Kahit takot na takot akong makita si Sky na napapansin kong nakatitig na naman sa akin ay ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon.

Dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa sikmura ko ay ilang beses na sumakit ito. Nagkapasa rin ang mga braso ko dahil sa higpit ng pagkakapit niya noon sa braso ko. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa niya sa akin!

How could he do that? Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama, ah?

Kakaunti na lang ang nandito sa loob ng classroom namin at napansin ko naman ang apat na kaklase kong lalake na nagbubulungan at tumitingin-tingun sa akin. Binaliwala ko na lang sila at nang matapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko ay aalis na sana ako nang hinarangan ako ng isa sa kanila.

"Sandali lang, Santillan." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay Martin ang pangalan niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko at tila naweweirduhan sa mga ikinikilos nila.

Nagtutulakan pa 'yong mga kasama ni Martin at nakangisi habang nakatingin samin.

"Ahm.. Vereese, may boyfriend ka na ba?" Tanong niya at napakamot pa ito sa kanyang ulo.

Bakit naman niya tinatanong kung may boyfriend na ako?

"W-wala pa. Bakit?" Tanong ko naman.

Bigla namang napangiti si Martin sa sinabi ko habang ang tatlo naman niyang kasama na kaklase namin ay biglang naghiyawan. Napansin ko na kaming lima na lang pala ang nandito sa loob ng classroom namin at si Sky na nakatingin lang sa amin.

"Ayon, oh!"

"Pormahan mo na 'yan, Martin at baka agawin ko pa 'yan sa'yo."

Sumama ang tingin ni Martin sa mga kaklase namin dahil sa sinabi ng mga ito. "Mga gago! 'Wag nga kayong nangingialam sa diskarte ko!" Naiiritang sabi nito saka ito muling bumaling sa akin at ngumiti.

Gwapo sana siya kaso mukhang playboy.

Yumuko na lang ako at umiling. "Hindi pwede, e. Wala pa akong balak magkaboyfriend."

Saka ulit ako lumingon kay Martin. Parang hindi naman niya nagustuhan ang sinabi ko at hinawakan nito ang magkabilang balikat ko.

"Subukan mo lang akong maging first boyfriend mo. Sigurado akong makaka experience ka sa akin nang-"

Hindi na natapos pa ni Martin ang sasabihin niya nang tumayo si Sky at tinumba ang isang armchair sa tabi niya. Halata ang pagkagulat namin dahil sa ginawa niya.

"Kahit pala dito ay may lalandiin ka ring babae at si Ms. Santillan pa? Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo? O, baka naman gusto mo pang ilantad ko ang sikreto mo para mapahiya ka sa buong YGA at sa harapan ni Ms. Santillan?" Nakangising sabi ni Sky at umupo ulit ito sa armchair niya saka humalukipkip.

Bigla na lang namutla si Martin sa sinabi ni Sky at nilapitan na ang mga kaibigan niya at nagmadali na silang umalis.

Ano Iyon? Bakit parang bigla na lang natakot si Martin kay Sky?

Napatingin ako kay Sky kahit natatakot at kinakabahan pa rin ako sa kanya. "S-Salamat.." Sabi ko ng mahina.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Salamat para saan?"

Oo nga. Bakit ko ba pinapasalamatan ang lalakeng ito? Muntik na nga niya akong pagsamantalahan tapos pasasalamatan ko pa siya?

"Sa.. ginawa mo kaya nilayuan na ako ni Martin." I said while looking at him shyly.

Sandali naman siyang napatigil at tinitigan ako then his face turns into an amuse one. "You're different. Ginawan na nga kita ng masama tapos nagpapasalamat ka pa sa akin? Unbelievable." Then he chuckled.

Napailing na lang ako. Tama siya pero hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa siyang pasalamatan. Hindi ko na lang siya pinansin at akmang aalis na sana nang tumayo si Sky at siya naman ang humarang sa akin.

Tuluyan na akong napaiyak na ikinagulat niya. "Ano? Pagsasamantalahan at sasaktan mo na naman ba ako, ha? Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Sabi ko at napahikbi na.

Napaawang naman ang bibig niya at hindi makapagsalita. Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya ako.

Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"I'm sorry if I do that such thing to you. I-I don't know why I did that. Sorry, Reese. Please forgive me..." Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

Nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Sky at pagsisisi sa ginawa niyang kasalanan sa akin. Ibang-iba sa Sky na ginawan ako ng masama noon sa Storage Room.

Napahikbi ulit ako. "Pero bakit mo ginawa sa akin ang bagay na 'yon? Alam mo ba na sa ginawa mo at pagbabanta sa buhay ng bestfriend ko ay tuluyan na akong natakot sa'yo?" sabi ko.

Bumuntong-hininga lang siya at nagtiim ng bagang. "When I first saw you, sobrang na-attract talaga ako sa'yo. I don't know why it happened pero palagi na kitang iniisip. Hindi ka katulad ng ibang babae. 'Yung pagbabanta ko naman sa buhay ng bestfriend mo ay ginawa ko lang 'yon para hindi ka magsumbong sa kanya sa ginawa ko sa'yo. I don't kill people for sake! Please forgive me, Reese..." It makes me shiver when he said my name at nagulat ako sa mga sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya sa akin?

"Seryoso ka?" gulat kong tanong.

Napatigil naman siya saka napangiti. Mas bagay pala sa kanya kapag nakangiti siya. Palagi kasi siyang naka pokerface, e. Ang gwapo niya lalong pagmasdan.

Nilagay ni Sky ang isang kamay niya sa baywang niya at yumuko ito saka tumingin sa akin nang nakangiti. "Sa haba ng sinabi ko ay 'yan lang ang sasabihin mo? Sa tingin mo ba ay hindi ako seryoso sa lagay na 'to? I like you Reese, I really like you."

Halos hindi ako makahinga dahil sa last sentence na sinabi niya.

He said that he likes me?

"I like you, Reese and I want to be closer with you.. so, friends?" He hold my hand at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

What's happening to me? Itong lalakeng muntik na akong pagsamantalahan ay nagconfess sa akin na gusto niya raw ako at gusto pa niya akong maging kaibigan?

At ang lintik na puso ko ay naghuhurumentado na naman dahil sa kanya.

"Reese, maagang natapos 'yung-"

Napatingin naman kami ni Sky sa biglang nagsalita at nagulat na lang ako nang makita si Ryu na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. Napatingin siya sa kamay ni Sky na nakahawak sa kamay ko.

Paano ba ako mag-eexplain nito?

---
I am blessed today. Nagpray over si Pastor at Pastora dito sa bahay at pinagpray niya ang mga importanteng tao sa buhay ko.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon