Chapter 20

21.8K 503 34
                                    

REESE' POV

"B-bakit meron kang mga kutsilyo at b-baril?" Tanong ko kay Ryu na may panginginig na tono.

Natigilan siya sa sinabi ko at dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.

"K-kay Otōsan 'yan. You know that my father is an Army before in Osaka kaya meron siya niyan. Pinatabi lang niya sa akin ang mga baril at kutsilyo niya." Sabi niya at nawala na ang panlilisik na mga titig niya sa akin. [Otōsan: father]

I felt relief dahil sa sinabi niya at tumango na lang. Pero bakit kanina ay parang galit na galit siya sa akin at sinigawan pa ako nang tinignan ko ang loob ng cabinet niya?

Bakit ba pinagdududahan ko si Ryu? Matagal ko na siyang kilala kaya dapat ay magtitiwala ako sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin kaya dapat ay suklian ko iyon ng kabutihan.

Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa kaya namula at nahiya ako sa ginawa niya.

"B-bakit ganyan ka makatingin sa akon?" Tanong ko at umiwas ng tingin sa nakakailang na titig niya sa akin.

Ngumisi lang siya at pinagkrus ang kanyang mga kamay. "Dalagang-dalaga ka na talaga, bestfriend at bagay pala sa'yo ang mga damit ko." sabi niya. Namula naman ako dahil doon.

Narinig ko nalang ang mahina niyang pagtawa saka niya ako inakbayan. "Matutulog ka na ba? Diyan ka na lang sa kama ko. Sa sofa na lang ako matutulog."

Itinuro naman niya ang sofa na malapit sa kama niya. Maliit lang 'yung sofa at alam ko na hindi magkakasya si Ryu doon dahil matangkad at malaki siyang tao.

"Hindi ka magkakasya dyan. Ang tangkad-tangkad at ang laki mo kaya. Ang mabuti pa ay magtabi na lang tayong matulog tutal malaki naman 'yang kama mo." Suggestion ko.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko at siya naman ang namula.

"Pero lalake ako at alam mong gusto kita. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko kapag magtatabi tayo sa kama. I don't trust myself when it comes to you, Reese." Sabi niya at narinig ko na naman ang mahina niyang pagmumura.

"But I trust you na hindi mo gagawin sa akin 'yon." Sabi ko naman.

Napahawi siya sa kanyang buhok at umupo sa kama saka nito inihilamos ang kanyang mukha gamit ang mga palad niya.

"Reese, you're beautiful, sexy, kind and the only girl I love kaya mahihirapan akong magpigil kapag-"

"Edi may mangyari na kung may mangyari."

Nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.

Bakit nga ba hindi? Naibigay ko na nga ang sarili ko sa taong kinasusuklaman ko at hindi na ako nirespeto tapos sa bestfriend ko pa kaya na matagal na akong mahal at ginagalang ang mga desisyon ko ay hindi ko ibibigay ang sarili ko?

Bakit nga ba hindi na lang siya ang piliin kong makasama habangbuhay kung alam ko naman na hindi niya ako sasaktan? Mahal ako ni Ryu at baka matututunan ko rin siyang mahalin pabalik.

Kung itinadhana nga na kami talaga ang para sa isa't-isa ay tatanggapin ko na lang iyon.

"Mali lang ba ako ng narinig?" Tanong niya habang nakangisi at umiling ito ng paulit-ulit.

I cupped his face na mas lalo pa niyang ikinagulat at hinarap ko siya. "Mahal mo naman ako, 'di ba? So why don't we try? Kaysa nga sa mapunta ako sa iba ay bakit hindi na lang sa'yo na pinagkakatiwalaan ko at matagal ko nang kilala?" I smiled at him.

Napatitig siya sa akin at kitang-kita ko sa mga mata niya na papaiyak na siya. Nagpanic naman ako doon.

"Ryu, why are you crying?" Nag-aalala kong tanong.

Umiling lang siya at hinawakan ang mukha ko habang nakangiti. "I'm just happy na finally ay napansin mo na rin ako. You didn't know how I always wishing na sana ay bigyan mo ako ng tsansa dyan sa puso mo, Reese. Salamat sa chance na ibinigay mo sa akin at hinding-hindi ko 'yon sasayangin." Then he hugged me.

I hugged him back. Nagtitiwala ako kay Ryu na hindi niya ako magagawang saktan at pagsamantalahan katulad ng ginawa sa akin ni Sky.

SKY'S POV

I'm reading my favorite book here in my room when I heard someone knocking my door. I stood up and remove my eyeglasses then I walk towards to the front door to open it.

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko ay siya ang bumungad sa akin. Napailing na lang ako at bumalik na sa kama ko at itinuloy ang pagbabasa ko ng libro.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at pag-upo nito sa gilid ng kama ko. I still ignore her.

"Sky," She said in her paawa effect tone.

Hindi pa rin ako umiimik at sinuot na lang ulit ang eyeglasses ko.

"I hired a Private Investigator at pinapamonitor kita sa school niyo. Stop ruining her life, please. If she doesn't like you then you should set her free-"

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya patapon kong ibinagsak sa sahig ang binabasa kong libro at tinitigan siya ng masama. Nabigla at natakot naman siya sa ginawa ko.

"At kumuha ka na naman ng Private Investigator para pabantayan ako? At ikaw na matanda ka, wala kang karapatang sabihin sa akin na tigilan ko na si Reese. You don't have any rights to invade my privacy. Gagawin ko ang mga gusto kong gawin kay Reese because she's mine! Naiintindihan mo ba?!" Sigaw ko.

Humagulgol naman siya sa harapan ko at napaupo na sa sahig dahil sa mga sinabi ko.

Wala siyang karapatan na utusan ako at pagbawalan sa mga gusto kong gawin. Pinabayaan niya ako at inabandona sa mahabang panahon tapos ngayon na maginhawa na ang buhay namin ni Dad ay saka pa siya babalik?

Kung hindi lang dahil kay Dad ay matagal ko nang kinaladkad papalabas sa mansyon namin itong matandang babae na 'to.

Hindi ako naaawa sa kanya dahil hindi siya naawa sa amin ni Dad simula nung iniwan niya kami para lang sa lalake niya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko habang umiiyak pa rin siya at nagmamakaawa.

"Sky, please listen to me.. kahit kailan ay hindi ko minahal ang Dad mo. Pinalabas lang niya na may iba akong lalake pero ang totoo ay ayaw niya lang akong mapunta sa iba kaya nagdesisyon ako na iwanan siya dahil hindi ko na kaya ang mga pananakit niya sa akin. Isasama sana kitang umalis noon pero pinagbantaan niya ako na papatayin niya ang pamilya ko kung isasama kita. Ayoko lang na matulad si Reese sa akin dahil naranasan ko na-"

Dahil sa matindi kong galit sa kanya ay itinulak ko siya dahilan para mapasubsob siya sa sahig.

Tumayo ako at itinuro ang pintuan ng kwarto ko. "Get out! I don't want to hear any of your lies. Ikaw ang manloloko at hindi si Dad so get out bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo at makalimutan ko na ina kita!" I shouted in anger.

She's still crying at unti-unti nang tumatayo.

She look at me once again. "I'm sorry again, anak..." Then she left me.

I shouted in frustration at sinuntok ang pader sa gilid ko hanggang sa tumulo na ang mga luha ko.

I hate her.
I hate my own Mom.

---
I hope this pain and struggles will be faded in the right time.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon