Chapter 3

43.3K 1K 176
                                    

RYU'S POV

Pagkatapos naming magdinner ni Reese at maihatid ko siya sa bahay nila ay umuwi na ako sa condo na tinutuluyan ko dito sa Maynila at tinawagan si Mama.

Nanggigigil ako sa inis dahil sa Sky na iyon. Kanina sa classroom ay nahahalata ko na tinititigan niya si Reese. Wala siyang karapatan na titigan ang girlfriend ko! Oo, alam kong bestfriend lang ang turing sa akin ni Reese pero para sa akin ay girlfriend ko na siya. Ipapakasal na nga kami at pabor sa akin iyon para wala nang iba pang lumapit at manligaw sa babaeng mahal ko kaso ay hindi siya payag na pakasalan ako dahil hindi naman niya ako gusto pero, ano bang magagawa niya kung ang pamilya na niya ang magdedesisyon para sa future niya?

Hindi ako gusto ng mga kapatid ni Reese para sa kanya dahil alam nila na nagpapanggap lang akong mabait sa paningin ng pamilya nila pero wala na akong pakialam kung ayaw nila sa akin dahil hindi naman sila ang masusunod sa future ni Reese. Kailangan ng parents ni Reese ang shares ng ibang clothing business lines ni Mama at para makuha iyon ay kailangan siyang ipakasal sa akin.

Mga bata pa lang kami ay mahal ko na si Reese pero kahit na kailan ay hindi man lang niya ako magawang mahalin pabalik. Gwapo naman ako, matangkad, matalino, Varsity Player at mayaman pa pero bakit ayaw niya sa akin?

Ayoko ng ideya na magbestfriend lang kami at mas lalong hindi ako papayag na mapunta siya sa ibang lalake lalo na sa mukhang may interes sa kanya na si Sky.

"Mama! Ano ba? Bakit hindi pa kami ikinakasal ni Reese? Kailan ba kami mae-engaged?" Pasigaw na sabi ko sa ina ko sa kabilang linya at naupo sa kama ko saka napasabunot sa buhok ko.

Fucking shit!

(Musuko, pinag-paplanuhan na namin ng Otōsan mo at ng mga magulang ni Reese ang kasal niyo. Within next 2 months ay matutuloy na 'yon so calm down.) Mahinahon na sabi ni mama sa kabilang linya.

Within next 2 months pa?

"Ang tagal pa nun! Gusto ko ngayon o kahit bukas na!" Ayoko nang patagalin pa na hindi kami maikasal ni Reese dahil baka pormahan at ligawan pa siya ng ibang lalake.

(Ryu, mabilis lang ang 2 months. Kailangan naming mapaghandaan ang engagement at kasal niyo ni Reese para maging memorable at engrande naman 'yon para sa inyo. Be patient lang, Musuko at makakasal rin kayo.)

Unti-unti naman akong kumalma at huminga ng malalim.

"Okay." Sabi ko na lang.

(And about sa-) Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sasabihin ni mama at pinatay ko na ang tawag.

Ayon lang naman ang gusto kong marinig sa kanya. Ang ideyang malapit na kaming ikasal ni Reese.

Napangiti ako at tinitigan ang isang malaking picture frame kung saan mukha ni Reese ang nakikita ko.

"You're soon to be mine, my bestfriend.."

SKY'S POV

Ramdam ko ang mga titig sa akin ng mga estudyante ng YGA habang naglalakad ako papunta sa klase ko. Habang naglalakad ako ay bigla akong napangisi at naisip ang ginawa ko kahapon sa babaeng transferee doon sa may Storage Room.

Simula nang makita ko siya ay hindi ko na siya maialis pa sa isip ko. Fuck! I don't care about the other girls but that newbie is ruining my mind right now. Ginagawa niya na akong baliw na baliw sa kanya.

I was about to take her yesterday pero naging istorbo pa ang bestfriend niyang walang ibang ginawa kundi ang bakuran siya. Akala ba niya ay hindi ko napapansin ang masasamang tingin niya sa akin sa tuwing tinititigan ko si transferee?

What a coward bestfriend. Ni hindi man lang niya masabi ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya.

That guy is a total loser.

Why they can't fight and express their feelings to the one they really like? Kasalanan rin nila kung bakit sila nasasaktan. Mga duwag kasi silang umamin ng nararamdaman nila.

As I entered in our classroom ay pinuna na naman ako ng Professor namin na walang ibang ginawa kundi magturo ng paulit-ulit na topic sa lessons namin. Hindi ba napapansin ng mga kaklase ko na paulit-ulit lang magturo ng lessons 'yung matanda? Palibhasa kasi ay hindi nila iniintindi ang pagdadaldal nito.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko at hindi na pinansin pa ang paglelecture ng Prof ko sa akin. Napatingin naman ako sa gawi ni transferee. Nakayuko ito at halos hindi na makatingin sa akin. She's really afraid of me. Siguro ay dahil iyon sa pagbabanta ko na kapag nagsumbong siya sa ginawa ko sa kanya ay papatayin ko ang bestfriend niya.

Ako? Mamamatay-tao? Pananakot ko lang iyon para hindi siya magsumbong at kahit na kailan ay hindi ko babahiran ang mga kamay ko ng maruming dugo ng mga talunan.

Napansin ko naman na nagkapasa 'yung kaliwa niyang braso. Siguro ay dahil iyon sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya kahapon. Napangisi na lang ako nang palihim at tinitigan ulit siya.

She's innocent and yet beautiful. She have a white skin, brownish curly hair, pointed nose, and kissable lips. She's petite but I like her features. Napahawak ako sa labi ko. Ang sarap niya palang halikan. Her soft and sweet lips is so addictive.

Napansin ko ang masamang titig sa akin ng bestfriend niya kaya napatingin ako dito at tinaasan siya ng kilay. His reaction was priceless! He gritted his teeth and jaw.

Ayan ang gusto ko. 'Yung may naiinis sa akin. I smirk at him at nakinig na lang sa paulit-ulit na lesson nang matandang Proffesor namin.

Break time comes at nagsilabasan na ang mga kaklase ko sa classroom namin. All of my girl classmates except that transferee is staring at me with admiration but they're afraid to get close with me dahil alam nila na pahihiyain at lalaitin ko lang sila.

They are annoying for pete sake. Some girls are confessing that they like me, admiring and lusting over me but the hell? They are just a bunch of flirts with an empty brains. Kahit kailan ay hindi ako papatol sa mga talunan at walang utak.

I'm Sky Avenido and no one can get my standard for a girl.

But now, one girl is getting my attention and that's the transferee, Reese Santillan.

And I want her so badly.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon