Chapter 50

22K 471 60
                                    

REESE' POV

Nagising ako na nasa ospital na pala ako. Bigla ko nalang naalala ang mga nangyari sa akin. Hindi ko akalaing magagawa ni Carlo na ipadukot ako at pagsamantalahan. Ang akala ko ay isa siyang mabuting kaibigan pero hindi pala. I don't know what he did to me dahil bigla na lang ako nawalan ng malay nang sinuntok niya ako sa sikmura ko.

Bakit ba wala akong lakas para ipagtanggol ang sarili ko? Bakit ba napakahina ko at hindi makalaban sa kanila? Bakit sa sitwasyon ko ay puro mga lalake nalang ang nakakalaban ko?

If I have a chance to defend myself ay matagal ko na iyong ginawa pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko ay mai-dedefend niyo rin ba ang sarili niyo kung ang mga taong nasa paligid mo ay tila wala na sa katinuan?

Sky, for the 2nd time ay iniligtas na naman niya ako. How ironic it is? Bakit ba kahit anong pilit kong kalimutan siya ay hindi ko pa rin magawa? Bakit ba mahal na mahal ko siya? Patawarin sana ako ni Warren pero mas lalo ko nang minamahal si Sky.

I'm sorry, Warren pero magiging masaya ka naman siguro kung may iba nang lalakeng magmamahal sa akin at mamahalin ko, 'di ba?

"Thanks and you're now awake, my baby girl!" Lumingon ako sa nagsalita and it's my Mom. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

I hugged her back hanggang sa tuluyan na siyang umiyak saka ako iniharap sa kanya. "Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti lang ako at umiling. "Okay na po ako, Mom. You don't need to worry." I said.

"Are you sure, Reese? Tatawagin ko ang Kuya Reevo mo kung may masakit pa ba sa'yo." Nag-aalala namang tanong ni Dad na katabi si Kuya Red na mukha ring nag-aalala sa kondisyon ko.

"Okay lang po talaga ako, Dad. Nasaan po pala si-"

I look around at hinanap siya pero wala siya dito sa loob ng confine room ko. Bigla na lang akong nalungkot do'n na napansin naman ni Kuya Red.

"If you're looking for Sky, umuwi muna siya sa kanila. Ayaw pa nga niyang iwanan ka dito sa ospital hangga't hindi ka nagigising pero pinauwi na muna namin siya dahil kagabi ka pa niya binabantayan pero mamaya ay pupuntahan ka niya dito. He cares about you, sis." Nakangiti namang sabi ni Kuya Red.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti na ng tunay ang kuya kong masungit slash suplado.

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya Red. Kahit sinaktan ko si Sky at nireject sa harapan ng mga estudyante ng YGA ay iniligtas niya pa rin ako at nag-aalala siya para sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na sila Carlo at ang mga tauhan nito ang dumukot sa akin.

"Pupunta rin kasama ni Sky ang iba niyo pang mga kaibigan dito." Sabi naman ni Mom.

Tumango ako at ngumiti. "Pwede na po ba akong ma-discharge mamaya? Mabuti naman na po ang pakiramdam ko at malakas na rin ako." sabi ko.

"But, Reese-"

"Please, Mom, Dad, Kuya? Nagsasawa na po akong maospital kaya gusto ko na pong umuwi." Pagmamakaawa ko sa kanila.

Bumuntong-hininga na lang sila sa sinabi ko at tumango pagkaraan.

"Okay. Kakausapin ko lang ang Kuya Reevo mo para ma-discharge ka na mamaya." Sabi ni Dad at nilapitan ako.

"Thanks, Dad!" Sabi ko at niyakap siya. Tumawa lang siya sa ginawa ko at niyakap rin ako pabalik.

Napapailing na nangiti na lang si Kuya Red at lumapit rin ito sa akin kaya napabitaw na kami ni Dad sa yakapan namin.

"Baby girl, I'm sorry kung nagalit man ako sa'yo kahit hindi mo naman gusto na maikasal ka kay Ryu. Hindi mo na siya kailangang pakasalan pa dahil may nahanap na kami ni Dad na papalit para makipag-invest sa business ng pamilya natin." Sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon