Chapter 28

17.7K 481 6
                                    

SKY'S POV

Lumaki ako na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Ang sabi nga nila ay wala na akong ibang mahihiling pa. Nasa akin na ang lahat, ang kagwapuhan, katalinuhan, karangyaan at tinitingalaan ng lahat mapa babae man o lalake. Kampante ako na walang ibang taong mas makakahigit sa akin.

I was born to be The Great Sky. I have everything but I don't have a happy and perfect family.

Masayahin at maliksi akong bata noon. Iniisip na ang buhay ay napakasaya at puno ng pag-asa. Tinuruan ako ng magandang asal ng isang Pastor ng Born Again church malapit sa tirahan namin na maging mabuti, marespeto, mapagmahal at magalang sa mga taong nakapaligid sa amin.

Kuntento na ako sa simpleng buhay namin noon pero nagulo lang lahat ng iyon nang nagkaroon ang ina ko ng ibang lalake at nakita ko pa mismo sa harapan ko ang kababuyan na ginagawa nila. Nangyari iyon simula nang nagkakalabuan na ang relasyon nila ng ama ko. At ang pinakasakit sa lahat ay ang iniwan niya kami.

Doon na nagsimula ang galit at pagkamuhi ko sa mundo. Ang akala ko ba ang buhay ay masaya at may pag-asa? Pero bakit ganito ang nangyari? Ano bang ginawa kong kasalanan para maranasan ang lahat ng ito? Bakit iniwan ako ng isa sa importanteng tao sa buhay ko? Hindi niya na ba ako mahal? Masyado na ba akong naging makulit at pasaway na bata? Sa huli, ang ama ko na lang ang nakakaintindi at nagmamahal sa akin.

Awang-awa ako sa kanya noon dahil nakita ko kung paano siya mabaliw at halos sirain na ang buhay niya nang dahil sa pag-iwan sa amin ng aking ina. Tinuruan niya ako na maging matapang at huwag magpapatalo o magpapaapi sa ibang tao lalo na sa mga babae.

Kaya galit ako sa mga babae dahil iniisip ko na katulad rin sila ng ina ko na mga manloloko at sinungaling.

Ang mahirap naming buhay ng ama ko ay unti-unting nagbago nang nagsimula siyang bumangon ulit at nagsikap para mataguyod at mabuhay lang ako. Umangat ang buhay namin at yumaman kami. Doon lang nagpakita sa amin ang ina kong manloloko.

Tinanggap pa rin siya ng ama ko sa kabila nang lahat dahil mahal na mahal niya ang ina ko. Pero ibahin nila ako, habangbuhay na akong galit sa kanya. Hindi ko na siya tatanggapin pa bilang ina ko.

Ngayon ay umaarte siya na parang inaapi at may paiyak-iyak pang nalalaman matapos ng mga ginawa niya sa amin ng ama ko? Kahit kailan ay hindi ako maaawa sa isang katulad niya.

Sisigawan at mumurahin ko siya kung kailan ko gusto o kung hindi na niya kaya pa ang ginagawa ko sa kanya ay mas mabuti pang lumayas na lang siya.

Kinamumuhian ko siya hanggang sa kamatayan ko. I will never forgive her.

At kay Reese naman, kahit hindi niya ako gusto ay magugustuhan niya pa rin ako.

Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko kaya kaya kong mapasaakin siya.

Sa malinis o marumi mang paraan.

REESE' POV

Nasa school ako at papunta ako ngayon sa restroom. Lately kasi ay inaatake na ako ng cramps at medyo masama ang pakiramdam ko. Epekto kaya 'to ng mga nangyayari sa buhay ko?

I was about to enter in restroom nang may marinig akong mga umuungol sa loob.

"Ahh.. ohh.. shit! F-faster, Austin.." Ungol nang boses ng isang babae.

"Sshhh.. hinaan mo lang ang boses mo sexy, baka may makarinig sa atin." Paungol naman na sabi nang isang boses lalake at hindi ako nagkakamali kung kanino ito nanggaling.

Austin.

"Ahh.. Sige pa! uhmm.." Patuloy pa ring umuungol 'yung babae.

Napangiwi na lang ako sa mga naririnig ko.

At dito pa talaga sila sa restroom gumagawa ng kababalaghan? Napailing na lang ako at akmang aalis na sana nang bumukas ang pintuan ng restroom.

Nagulat ako nang makita si Austin na nakabukas pa ang suot niyang uniform at ang babae namang kasama niya ay gusot-gusot na ang damit at sobrang ikli pa ng skirt.

Mukhang nagulat pa sila nang makita ako lalo na 'yung babae. Napayuko na lang siya dahil sa hiya.

"S-sorry kung naistorbo ko kayo. Hindi ko naman sinasadya na marinig kayo kaya aalis na lang ako." Sabi ko at aalis na sana ulit nang biglang magsalita si Austin. Hinalikan niya muna ng mabilis sa labi 'yung babae bago ito umalis.

Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay bigla siyang nagsalita. "Baka gusto mong may round 2 pa? Pwede naman nating gawin 'yon ngayon mismo kong gusto mo, Reese." Nakangising sabi niya at lumapit ito sa akin.

Akala talaga niya ay may nangyari sa amin ni Sky kaya hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang malandi at maruming babae ako.

Tinignan ko naman siya ng seryoso. "Sa tingin mo ba talaga ay may nangyari sa amin ni Sky?"

Tumawa siya ng mahina at tumango. "Oo. Kitang-kita naman sa ebidensiya na ipinakita ni Sky, 'di ba? Sarap na sarap ka pa nga sa ginagawa niya sa'yo. Kulang na lang ay magmakaawa ka para lang ituloy pa niya ang ginagawa niyo do'n sa video."

Napahilot na lang ako sa sentido ko at huminga ng malalim. "Walang nangyari sa amin ni Sky at kung hindi ka naniniwala do'n ay bahala ka na. Basta hindi ako malandi at maruming babae katulad ng iniisip mo. I will never give my virginity for someone that I don't love." seryosong sabi ko.

Natahimik siya bigla pero 'di kalaunan ay ngumiti lang siya ng mapang-asar sa akin.

"May paraan naman para masigurado ko kung nagsasabi ka nga ba talaga ng totoo o hindi." he said.

"Anong paraan?" Tanong ko.

"Let's sex."

Nabigla ako sa sinabi niya. Sex? Eh talagang malalaman niya na virgin pa ako dahil makukuha na niya ang pagka birhen ko.

Umiling lang ako. "My answer is no. Hindi naman kita mahal kaya hindi ako makikipagsex sa'yo at isa pa, wala na akong pakialam kung maniwala ka man o hindi sa mga sinasabi ko. I don't please anybody to believe me."

Siya naman ang natigilan sa sinabi ko pero ngumisi lang siya at tumango pagkatapos.

"Pahard to get ka pa. Tsk!" Sabi niya habang binubutones na ang suot niyang uniform.

Inirapan ko na lang siya hanggang sa umalis na ako. Bahala na siya kung anuman ang isipin niya tungkol sa akin. God knows what's the truth.

Hindi na ako tumuloy sa restroom dahil hindi na masakit ang cramps ko. Akalain mo 'yon? Sa ganong eksena lang ay gumaling na ako sa iniinda kong sakit?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko at hindi na inisip pa ang mga nangyari kanina.

Sa gitna nang paglalakad ko ay nakita ko si Sky na naglalakad papunta sa direksyon ko. Nagkasalubong kami at lalampasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang isang braso ko.

"Wait," Pigil niya sa akin.

Tinignan ko naman siya ng masama. "Ano na naman ba? Tigilan mo na nga ako!" Inis kong singhal.

Nagagalit at naiinis ako sa kanya dahil ginugulo na niya ngayon ang puso, isip at sistema ko!

Tinignan niya lang ako ng mariin pero pagkaraan ay ngumiti siya.

"Alam na nang buong YGA na girlfriend na kita. Sounds good, right?" Then he smirked.

What? Is he crazy?

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon