Chapter 41

16K 386 10
                                    

REESE' POV

Hanggang ngayon ay iyak pa rin ng iyak si Ailah at pinapatahan namin siya. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya. Matagal na niyang gusto si Niccolo at ang masakit pa ay fiancé pala nito ang kaibigan niyang si Lian.

Hindi ko maintindihan kung bakit at paano nagkagusto si Niccolo kay Lian.

Ang napapansin ko kasi na kapag nandyan lang naman si Lian ay parang walang pakialam si Niccolo sa kanya hindi tulad ng kay Ailah na napapansin ko na palagi siyang nakatingin dito.

What's wrong with Niccolo? Sinasaktan niya ba talaga ng sadya ang damdamin ni Ailah?

Speaking of Niccolo, nakita namin na papalapit siya ngayon sa pwesto namin at kasama pa talaga si Lian.

Nagulat kaming lahat especially si Ailah nang makita niya ang dalawang tao na dahilan ng kanina pa niyang pag-iyak.

Biglang lumapit si Jedus kay Niccolo at sinuntok niya ito sa mukha. Lumapit naman sina Raven at Ivo kay Jedus at pinipigilan ito sa pagsuntok muli kay Niccolo habang si Carlo naman ay inalalayan si Niccolo na makatayo mula sa pagkakabagsak niya sa sahig.

"At may gana ka pa talagang magpakita sa amin? Ang kapal naman ng mukha mo, Niccolo. Sinama mo pa talaga 'yang girlfriend mo. Gusto mo ba talagang sinasaktan si Ailah? Sumosobra ka na!" Galit na sigaw ni Jedus kay Niccolo na natahimik at napayuko na lang.

I've never seen Jedus being mad like this. I can see that he really cares for Ailah or maybe he loves Ailah.

Tumayo si Ailah at lumapit sa pwesto nila kaya sumunod na rin ako. Niyakap niya si Jedus na ikinagulat naman nito. Unti-unti namang kumalma si Jedus na bumaling kay Ailah.

I saw how Niccolo stiffened nang makita niyang niyakap ni Ailah si Jedus. Tumingin naman sa kanya si Lian at umiling ito.

Something is wrong about this.

"T-tama na Jedus, please? Hayaan mo na sila. If they love each other then I will accepting it." Sabi ni Ailah at nginitian ng pilit si Jedus.

Jedus nodded at sinapo ang buong mukha ni Ailah pagkatapos ay pinunasan ang mga luha nito.

"Okay, but he's an asshole for hurting you. Ipinapamukha pa talaga niya sa'yo na may iba na siyang gusto but as you said, hahayaan na lang natin sila. Let's get out of here. Ihahatid na kita sa classroom niyo." Sabi ni Jedus. Tumango lang si Ailah do'n at bumaling naman siya sa akin.

"Sasabay ka na ba sa amin, Reese?" She asked.

Umiling ako. "Hindi na. Mauna na kayo ni Jedus." I said. She nodded.

Tumingin muna ng masama si Jedus kay Niccolo saka niya inakbayan si Ailah at naglakad na sila papalabas ng basketball gym.

Carlo suddenly laugh sarcastically at pumalakpak pa ito na parang may nakakatuwa sa nangyayari.

"Parang nasa drama lang tayo, ah? Ang intense nung eksena kanina!" Nakangising sabi niya.

"Pwede bang manahimik ka muna sandali, Carlo? This is a serious matter at hindi 'to isang biro lang." Sabi naman ni Raven na nakatingin na ng masama kay Carlo.

Carlo smiled at nanahimik na pero pinipigilan naman nito ang pagngiti niya.

Naramdaman ko na lang na lumapit sa akin si Sky at tumabi ito sa akin. "They are hurting each other. Kind of weird scenario," Sabi niya.

"I agree with you." Sabi ko naman.

Humarap na kaming lahat kina Niccolo at Lian na kanina pa tahimik then Raven speak again.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon