Chapter 14

24.4K 609 30
                                    

REESE' POV

Halos hindi ako makapagsalita nang tumabi sa akin si Sky. Oo nga pala at siya ang Captain ng Basketball Team ng YGA at ang sinabi ni Ailah sa akin ay Varsity Players itong mga kaibigan niya.

Kumakabog ang dibdib ko dahil sa presensya ngayon ni Sky. Siguro ay dahil rin ito sa ginawa niya sa akin noon. Sa maamo niyang mukha ay hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na iyon sa akin.

His sorry was not enough to make me feel better. Natrauma na ako sa ginawa niya at hinding-hindi ko na iyon malilimutan. I don't know what's on his mind or thinking right now but I need to be careful this time.

Sky is not an ordinary person. He's cold, dangerous and mysterious guy.

"Oh? Kilala mo na pala si Reese?" Tanong ni Carlo na mukhang nagulat pa sa sinabi ni Sky.

Sky nodded at tumingin ito sa akin. "Of course, she's my classmate together with Ailah."

His stares is so different. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya na kadalasan ay nakikita ko sa mga mata ng ibang tao.

Kakaiba nga talaga siya.

Tumango lang doon si Carlo at tinignan ako ng seryoso. "Ah kaya pala,"

Dahil malapit nang mag-umpisa ang klase namin ay napagpasyahan na namin ni Ailah na bumalik na sa classroom namin. Sure ako na hinahanap na rin ako ni Ryu dahil ang tagal kong nawala doon.

We was about to leave in the cottage nang biglang magsalita si Sky.

"Can I join? Magkakaklase naman tayo kaya sasabay na lang ako sa inyo." he asked.

Tinignan muna ako ni Ailah para hingin ang permiso ko. Umiling naman ako. Hindi ko kayang matagalan na makasama si Sky.

Palagay ko ay hindi ako magiging ligtas kung kasama ko siya. Baka gawin na naman niya kasi sa akin ang ginawa niya noon.

Napakamot na lang ng batok si Ailah at bumaling na kay Sky. "A-ano, magpupunta pa kami sa girls cr, baka kung sumabay ka sa amin ay matagalan pa kami doon. You know? Girls thing?" Kunwaring natatawang sabi niya.

Tumango lang naman si Sky at tipid na ngumiti saka siya bumaling sa akin. "Maybe next time ay pwede na akong makisabay sa inyo? Just like what I said Reese, I like you and I want to be closer with you." he said to me.

Dahil sa sinabi niya ay napaawang ang bibig ni Ailah doon na gulat na gulat sa sinabi ni Sky habang ako naman ay napayuko na lang sa hiya nang dahil doon.

"G-Gusto mo si Reese?" Gulat na tanong ni Ailah kay Sky.

Tumango si Sky. "I like her. May masama ba doon?" Nakataas na kilay nitong sabi.

Umiling lang si Ailah. "W-wala naman. Sorry kung nagtanong pa ako." At umirap pa ito.

Malamang ay nasusungitan ito kay Sky. Kung magsalita ba naman kasi ang lalakeng ito ay hindi niya inaayos ang tono ng pananalita niya.

"Wala palang masama kaya pwede akong makipagclose sa kanya." Sabi pa ni Sky na tumingin muna sa akin bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya saka ito umalis.

Naiwan naman kaming dalawa ni Ailah sa cottage hanggang sa nagpapadyak siya sa inis nang dahil kay Sky.

"Ang sungit talaga ng Sky na 'yon at ang suplado pa! Nagtatanong lang naman ako tapos ganon ang isasagot niya? Pero sabi ko na nga ba at gusto ka ni Sky. Gusto ka pa nga raw niya maging kaclose. Alam mo ba na wala siyang ibang babaeng kinakausap dito sa YGA kundi ikaw pa lang? Tinamaan na yata ng kupido si kalangitan!" Ailah giggled.

Walang ibang babaeng kinakausap si Sky sa YGA kundi ako palang?

Pero napakaimposible naman yata nun. Maraming mga babaeng magaganda at sexy ang nakapaligid sa kanya kaya imposibleng wala man lang siyang isang kinakausap doon.

"Imposible 'yon, Ailah." Nasabi ko na lang at bumuntong hininga.

Nakita naman ni Ailah ang pagbabago ng ekspresyon ko kaya sumeryoso ang mukha niya.

"Sa maniwala ka man o hindi, ikaw pa lang ang kinakausap at tinitignan ni Sky ng ganon. Even our girl classmates ay hindi niya pinapansin at kung minsan ay sinusungitan pa niya pero ikaw, I see his efforts para lang mapalapit sa'yo. Sky really likes you, Reese."

I'm still shock and speechless.

AUSTIN'S POV

Pagkatapos ng klase ko ay nagpunta ako sa tambayan namin nina Hendrick at Collins na Billiard Alley. Ikwinento ko sa kanila ang lahat ng mga nangyari sa akin sa YGA at ang pagkikita namin ulit ni Reese.

Hindi ko na ikwinento sa kanila na nakaaway ko pa ang 'Famous YGA Boy Next Door' daw na si Sky. Hanggang ngayon nga ay naiinis pa rin ako sa lalakeng iyon.

Ang lakas ng loob niyang hamunin ako at diktahan ako na layuan ko raw si Reese? Asa pa siya! Hinding-hindi ko siya uurungan.

"Naks naman! Sikat ka na kaagad sa YGA. Ikaw na talaga ang legend, Austin. Ang swerte nga naman ni Iverson at nakuha na ng hayop na 'yon ang trono mo!" Sabi ni Collins na natatawa pa.

Ngumisi na lang ako at tumira ng bola. "Hayaan mo na siyang magpakasaya sa tira kong popularidad doon. Sa engot ba naman niyang si Iverson ay maaagawan pa 'yan ng trono ng ibang mga uhaw rin sa atensyon na estudyante ng St. Claire." I said. My friends laugh on what I said at napailing na lang.

"You're so mean, bro!" Nakangisi namang sabi ni Hendrick at tumira na rin ito ng bola sa nilalaro naming billiards.

Nang matapos na kaming magbilliard ay umupo na kami sa reserved seats namin at uminom.

"Lilipat na ba kayo ng YGA?" Tanong ko habang binubuksan ang beer in can ko at kumuha ng isang stick ng sigarilyo saka ito sinindihan.

"No, bro. Your mother will be mad at us if we will do that. She's now threatening us if Collins and I will transfer suddenly to YG Academy just to follow you then she definitely kick us out in St. Claire. She have so many connections in our school, right?" Sabi ni Hendrick at nagsindi na rin ito ng sigarilyo niya.

Napailing na lang ako. "Witch talaga ang matandang 'yon." sabi ko. Then they laugh.

Grabe rin 'yung nanay ko. Lahat ay gagawin niya para lang hindi ko na magawa ang mga gusto kong gawin at kung sino ang mga dapat kong makasama. Bad influence daw sa akin sina Hendrick at Collins. Tsk! Sarili niya yata ang tinutukoy niya.

"My mom is a witch too." Hendrick said while laughing at inabutan pa ako ng isang beer ng maubos ko na ang iniinom ko.

"So, sino pala 'yang Reese na tinutukoy mo? May picture ka ba? Patingin nga." Tanong naman ni Collins habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok gamit ang kamay niya.

I nodded at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pants at ipinakita sa kanila ang picture ni Reese na kinuha ko sa Instagram account niya.

Napanganga at hindi makapagsalita ang mga kaibigan ko pagkakita nila sa picture ni Reese.

"Fuck! She's so beautiful, sexy and gorgeous." Hendrick said while still staring at Reese photo.

"Tiba tiba ka nito kapag naikama mo na 'to, Austin. Mukha pang inosente at virgin." Nakangisi namang sabi ni Collins.

I smirk.

"Makukuha ko rin siya at sisiguraduhin ko 'yon."

---
Kapag dinadaan talaga sa prayers ang mga problema ay nasusulosyonan kaagad ni God. Naniniwala ako jan! #PrayersAreSoPowerful.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon