Chapter 42

15.4K 345 59
                                    

REESE' POV

Kasama ko ngayon ang buong pamilya ko dito mismo sa bahay namin. May sasabihin daw sina Mom at Dad sa amin ni Kuya Reevo. Kuya Red was not here dahil may inaasikaso ito tungkol sa business namin.

I'm looking at my parents at mukhang may problema sila.

"Mom, Dad is there any problem? Bakit parang malungkot kayo at mukhang problemado?" Tanong ko sa kanila.

Mom sighed at para na siyang maiiyak. "Reese, bumagsak ng 45% ang sales ng clothing line business natin dahil pinull out lahat ni Tita Anjanette mo ang shares nila sa mga branches natin. She's doing it with a purpose para hindi na natin ituloy ang pagsampa ng kaso kay Ryu pero sisiguraduhin naming hindi 'yon makakaapekto sa naunang plano natin. We need to file a case against Ryu." Sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko.

Nalungkot ako sa sinabi ni Mom. Buong buhay nila ni Dad ay sa business na nila nilaan ang oras at pagod nila para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan ng mga kapatid ko tapos may ganito pang mangyayari. Bumagsak ng halos kalahati ang sales ng business namin.

"At ang sabi pa ni Anjanette ay aalis na siya sa partnership ng business natin. Half of our investment ay nanggaling sa kanila. Maaari tayong maghirap kung mawawala ang business partnership natin sa kanila." Dad said at napahilot ito sa sentido niya.

Kuya Reevo reacted. "We don't need them, Mom and Dad. Kaya nating ibalik ang sales natin na walang tulong nila." Matigas nitong sabi.

Nahihirapan akong makita na ang pamilya ko ay namomroblema dahil sa business namin. Alam kong hindi sanay sina Mom at Dad na maghirap kami.

Gusto lang rin naman nila kami mabigyan ng magandang buhay ng mga kapatid ko kaya hindi ko sila masisisi kung nanghihinayang sila sa pagbagsak ng sales ng business namin.

Napayuko at natahimik lang ang mga magulang ko sa sinabi ni Kuya Reevo kaya ako naman ang nagsalita.

"Ano po ba ang solusyon para ibalik nila Tita Anjanette ang partnership at shares nila sa inyo?"

Dad sighed. "Sinabi niya na ibabalik lang daw nila iyon kung magpapakasal ka kay Ryu at iuurong natin ang kaso laban sa anak niya pero hindi kami pumayag do'n. Her son is insane. Muntik ka na niyang pagsamantalahan, anak kaya hindi bale nang maghirap tayo basta ay hindi ka lang mapunta sa batang iyon."

Pinigilan kong huwag maiyak sa sinabi ni Dad. Lahat ay gagawin nila para sa akin. Kaya nilang isakripisyo ang lahat maprotektahan lang ako kay Ryu.

Napakaswerte ko at may mga mapagmahal na magulang ako at mga kapatid na hindi ako hahayaang mapahamak. Kung wala sila sa tabi ko siguro ay hindi ko na kakayanin lahat ang mga nararanasan kong problema at pagsubok ngayon.

Pero this time, ako naman ang magsasakripisyo para sa kanila. Hindi ko kayang basta na lang mawala ang pinaghirapan nilang business sa matagal na panahon.

Kung ang solusyon lang ay ang pakasalan ko si Ryu ay gagawin ko.

Kahit kapalit pa nun ay ang kaligayahan ko at si Sky. Sana sa gagawin kong ito ay mapatawad niya ako.

"I will marry Ryusuke." Sabi ko at napapikit nalang.

Nagulat naman sila sa sinabi ko at napatayo na si Kuya Reevo saka ako nito nilapitan. "Are you out of your mind, Reese? Remember? He's crazy and he almost rape you!" Sabi niya at napasabunot na ito sa buhok niya.

"Reese, kung iniisip mo ay 'yung sa business natin ay-" I stopped my Mom.

"It's my final decision, Mom. Ryu is my bestfriend for a long time kaya alam ko na kung paano ko siya mapapabago at mababalik muli sa dati." Sabi ko at pagod na ngumiti.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon