Chapter 44

14.3K 343 44
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tila gustong magwala at sumigaw ni Sky. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding sakit, sakit na hindi galing sa paglalaro niya ng basketball kundi sakit na nanggagaling sa puso niya.

Niloko siya ng unang babaeng minahal niya. Magpapakasal na ito sa matalik na kaibigan niya.

Halos hindi na siya makapag-isip ng tama dahil sa sakit at bigat na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero alam niyang isa lang ang taong magmamalasakit at makakaintindi sa kanya.

Ang totoo at tapat niyang kaibigan na si Vince.

Tahimik at parang pinagbagsakan ng langit at lupa na pumunta si Sky sa presinto kung nasaan si Vince. Nang pumunta siya sa selda ni Vince ay nadatnan niya itong nakaupo sa isang sulok at natutulog.

Alam niya kung bakit nakakulong ang kaibigan niya. Pinakulong ito nila Raven dahil sa ilang ulit na pananamantala nito sa nobya niyang si Serene pero dahil kilala niya si Vince ay makakagawa ito ng paraan para lang makalaya siya. Mayaman ito at maraming koneksyon sa mga pulis at opisyal kaya sigurado siyang malulusutan ito ng kaibigan niya.

"Vince," Tawag niya sa kaibigan.

Unti-unting nagising si Vince sa tawag ni Sky at ngumisi ito nang makita ang binata. Tumayo naman ito at lumapit sa kinaroroonan niya.

"What brought you here, Sky? Ngayon mo lang ako yata dinalaw, ah? Ang akala ko ay nakalimutan mo na ako dahil naging kaibigan mo na ang mga kaibigan ni Reese." Nakangising sabi ni Vince.

Napailing lang si Sky. "Wala akong ibang kaibigan kundi ikaw lang. Lahat sila ay mga manloloko, lalo na si Reese." Sabi niya at napakuyom ito ng kamao pagkabanggit sa pangalan ni Reese.

Namangha si Vince sa naging reaksyon ng kaibigan at tumawa ito. "Niloko ka ni Reese? Kung ganon ay dapat na gantihan mo siya. Hindi pwedeng ganunin lang ng isang babae ang isang Sky Avenido kaya gumanti ka." Makahulugang sabi nito.

Napaisip naman si Sky. Tama si Vince. Kailangang pagbayaran ni Reese ang ginawang panloloko nito sa kanya pati na rin sa damdamin niya.

Gaganti siya. Sasaktan niya ang damdamin ni Reese pero hindi pa rin niya maitatanggi na mahal niya ang dalaga ngunit ngayon ay mas nangingibabaw ang galit at pagkamuhi niya dito.

"What do you think is the best way on how to get my revenge?" Tanong niya kay Vince.

Sandaling napaisip si Vince at tumango ito pagkatapos. "Kidnap her. Ilayo mo siya sa lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya. Huwag mong hahayaang makasal siya sa bestfriend niya then after that ibahay mo at itali sa kama mo. Pasukin mo siya ng paulit-ulit at iparamdam mo sa kanya na mas masarap ka kaysa sa bestfriend niya. Sigurado akong masasaktan at pagsisisihan niya ang panlolokong ginawa niya sa'yo." Nakangising sabi nito.

Sana pala noon ay naging marahas na lang siya sa dalaga ngunit dahil mahal niya ito ay nagbago siya at gumawa ng mga bagay na minsan ay hindi pa niya ginawa sa buong buhay niya.

Katulad lang rin pala si Reese ng ina niya na iiwan na lang siya basta-basta nang dahil sa ibang lalake. Nagkamali siya na binangga niya ang isang Sky Avenido.

Pagsisisihan ni Reese ang ginawa niyang panloloko sa kanya.

"Nice idea."

RYU'S POV

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Reese kasama ang buong pamilya niya at pati na rin ang mga magulang ko. Pag-uusapan na nila ang kasal na gaganapin next week.

"So, what are the themes para sa kasal nila? Gusto ko 'yung engrande at magarbo dahil ininvite ko pa ang mga friends at business partners ko sa Osaka sa kasal nina Ryu at Reese." Tanong ni mama sa parents ni Reese.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon