Chapter 2

51.7K 1.1K 321
                                    

Trigger Warning

REESE' POV

"He's Sky Rivas Avenido. The only son of one of biggest stockholders here in YGA. The Consistent Top 1 Student. The handsome, mysterious, cold heartthrob and a Basketball Varsity Player here in YG Academy."

Napatingin naman ako sa kaklase kong babae at tumango ako sa kanya.

She smiled at me at inoffer ang isa niyang kamay para makipag shakehands sa akin. "Ako nga pala si Ailah. Matagal na akong estudyante dito sa YGA. It's nice to meet you." Sabi niya.

Mukha naman siyang mabait. Simple lang siya pero maganda ito.

Inabot ko ang kamay niya at nakipag shakehands rin. "Its nice to meet you, Ailah." I said while smiling.

Dahil nagdidiscuss pa ang Prof namin ay mas minabuti na lang muna namin ni Ailah na mamaya na lang mag-usap pagkatapos ng klase namin.

Habang nakikinig ako ng lessons sa Prof namin ay napapansin ko na nakatitig pa rin sa akin ang Sky na ito.

Ano bang problema niya at kung makatitig siya sa akin ay wagas? Napailing na lang ako at nag-takedown na ng mga itinuturo ng Prof namin.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ang klase namin. Nagsilabasan na ang mga kaklase namin sa loob ng classroom namin para maglunch. Kaagad akong nilapitan ni Ryu habang si Ailah naman ay inaayos pa ang mga gamit nito sa loob ng bag niya.

"Let's eat?" Nakangiting paanyaya ni Ryu sa akin.

Tumango ako at bumaling kay Ailah. "Ailah, si Ryu nga pala, bestfriend ko." Pagpapakilala ko kay Ailah kay Ryu.

Ngumiti naman si Ailah kay Ryu. "Hi, bestfriend ni Reese!" Ngumiti lang rin si Ryu kay Ailah at niyaya na kaming dalawang kumain sa Cafeteria.

Napansin ko naman na si Sky na lang ang nasa upuan niya at wala na ang iba pang mga kaklase namin sa loob ng classroom. Naka earphones ito at nakapikit ang mga mata habang naka cross arms at naka dekwatro.

Aaminin ko na ang cool niyang pagmasdan. Para siyang isang tipikal na silent-mysterious guy na nababasa ko sa mga manga o novel books.

Bakit pala pinupuri ko pa ang masungit na ito? Bahala na nga siya!

Lumabas na kaming tatlo sa classroom nila Ryu at Ailah at nagtungo na sa Cafeteria. Kumain at nag-usap lang kami doon. Maraming ikinukwento sa amin si Ailah sa mga nangyayaring kaganapan dito sa YGA. Napag-usapan rin namin si Sky at ang sabi niya ay ganon raw talaga ang ugali nun.

Matalino daw ito at active sa basketball. Halata naman dahil matangkad rin siya katulad ni Ryu na required sa basketball. Marami rin daw nagkakagusto kay Sky pero wala pa raw itong nagiging girlfriend dahil sa ubod ito ng sungit at pagka arogante.

Kahit ako ay ayoko sa kanya. Hindi ko naman sinasadya na mabangga ko siya tapos sasabihin pa niyang gamitin ko raw ang mga mata ko? Nakakainis kaya!

"Akala ko talaga magboyfriend-girlfriend kayong dalawa, e. Bagay kasi kayo." Sabi ni Ailah kaya napahinto ako sa pagkain.

Napansin ko naman ang palihim na pagngiti ni Ryu dahil sa sinabi ni Ailah. Bakit kaya ngumiti ito?

"Ano ka ba Ailah, bestfriend lang ang turingan namin ni Ryu sa isa't-isa. Hindi ba, Ryu?" Sabi ko kay Ailah at bumaling kay Ryu.

Biglang napawi ang ngiti ni Ryu saka yumuko ito at tumango. Natahimik naman si Ailah at hindi na muling nagsalita pa.

Ano bang nangyari sa kanila? Ang weird nila.

"Cr muna ako, guys." Biglang paalam ko.

"Samahan na kita." Ailah insisted.

"Hindi na, Ailah. Dito ka na lang. Hintayin niyo na lang ako ni Ryu." Sabi ko. Tumango naman si Ailah do'n.

"Oh, sige. Ingat ka." she said. Tumango lang rin si Ryu sa sinabi ko habang nakayuko pa rin.

Umalis na ako at kaagad tinungo ang ladies room. Habang naglalakad ako ay biglang may humablot sa braso ko at isinandal ako sa pader saka nito tinakpan ang bibig ko.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong humigit sa akin.

Si Sky.

"Sshhh! 'Wag kang maingay, babe." Sabi niya at tinanggal na ang kamay niya sa bibig ko. Natulala ako dahil sa last word na sinabi niya.

Babe?

"A-anong babe? Bakit mo ako tinawag na babe?" Nagtataka kong tanong.

Mas lalo naman niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nakakailang. Ang gwapo nga pala talaga niya lalo na sa malapitan pero nakakatakot siya.

He chuckled at hinawakan ang baba ko. "Tell me, anong ginawa mo sa akin at sa una nating pagkikita ay para na akong mababaliw sa'yo?"

Ang lalim ng boses niya. Nakakapangilabot.

Lumunok ako at pilit nilalabanan ang takot ko sa kanya. "A-ano bang sinasabi mo diyan? Wala akong ginagawa sa'yo kaya pwede ba ay bitawan mo na ako!" Sabi ko at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa dalawang braso ko pero ngumiti lang siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

Nagulat na lang ako sa bigla niyang ginawa. Sinuntok niya ako sa sikmura ko kaya napaupo ako sa corner ng pader at napangiwi sa sakit ng sikmura ko. Pinantayan naman niya ako at hinalikan ang labi ko.

Nanghina ako sa ginawa niya at tumulo na ang mga luha ko. Naiiyak ako dahil kinuha niya ang first kiss ko na dapat ay ibibigay ko lang sa lalakeng mamahalin ko.

Bakit ginagawa sa akin ito ng lalakeng ngayon ko lang nakilala?

"Ahh.. what a tasteful lips." Paungol na sabi ng lalakeng ito habang inilagay niya sa loob ng suot kong blouse ang isa niyang kamay at hinimas-himas ang kaliwang dibdib ko.

Itutulak ko na sana siya nang hinigit niya ako at pinasok sa isang Storage room. Pagkapasok niya sa akin doon ay pabalibag niya akong inihiga sa sahig saka siya pumatong sa akin kasabay ng pagtanggal niya nang suot niyang uniform sa harapan ko. He's staring at me while he's doing that.

Umiyak na lang ako ng umiyak. Ang sakit na ng buong katawan ko dahil sa ginagawa niya. He just smiled devilishly at tatanggalin na sana niya ang suot kong blouse uniform nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng Storage Room.

"Reese, nasaan ka na?"

Its Ryu's voice.

Napahinto si Sky sa gagawin niya sa akin at patay malisyang sinuot ang uniform niya at umalis na sa pagkakapatong sa akin. Napahikbi na lang ako at napatakip ng bibig ko.

This guy is quiet and mysterious but he's very dangerous.

Tinignan naman ako ni Sky. "Sa susunod na lang natin gawin kapag wala nang istorbo. 'Wag na wag kang magsusumbong sa ginawa ko sa'yo kundi papatayin ko ang bestfriend mo. See you tomorrow, babe." Then he left like it was nothing.

Natakot ako dahil sa sinabi niya. Papatayin niya si Ryu kapag nagsumbong ako sa ginawa niya sa akin? Halos hindi ako makapagsalita at nanginig na sa sobrang takot ko sa kanya.

Sa tindig at kilos pa lang niya ay alam kong kaya niyang gawin ang bagay niya iyon. Patunay na ang kahayupan na ginawa niya sa akin ngayon. Ayokong saktan niya si Ryu kaya kahit masakit ay mananahimik na lang ako.

Nagpunas na lang ako ng luha ko at inayos ang aking sarili bago lumabas ng Storage room. Hinanap ko si Ryu at nakita ko siya malapit sa may hallway na lumilinga-linga sa paligid at mukhang hinahanap ako kaya nilapitan ko siya.

Niyakap niya naman ako pagkakita sa akin na ikinagulat ko.

"Saan ka ba nanggaling? Bakit ang tagal mo?" Sabi niya at iniharap ako sa kanya.

Umiwas lang ako ng tingin sa kanya. "W-wala. Naligaw lang ako." Hindi siya kumbinsido sa sinabi ko pero hindi na siya muling nagsalita pa.

Ayoko na pati ikaw ay madamay sa kahayupan na ginawa sa akin ng Sky na iyon kaya mananatili na lang akong tahimik para sa'yo, bestfriend.

His Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon