1 : Are you okay?

679K 17.1K 10.8K
                                    


        She

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        She


Someone once asked me, "what do you like more, day or night?"

"Day," I answered. "I see things clearly just the way they are. Beautiful."


        "Yung costume mo, ready na! B, where are you?!" tanong ng kaibigan ko mula sa kabilang linya kaya napabuntong-hininga na lamang ako habang hinahanap angbus na dadaan sa Filimon Heights—ang lugar na nagsisilbi kong pansamantalangtahanan. Tirik na tirik ang araw kaya napapatakip na lamang ako sa noo ko habang palakad-lakad at pinapasadahan ng tingin ang bawat bus na nakikita ko.

        "Nasa terminal na ako. Pabalik na ako diyan sa Filimon Heights. Leytuhs!" paalam ko at agad ko nang pinutol ang usapan namin saka binalik ang cellphone sa bag ko.

        "Miss, Filimon heights ba 'ka mo?" biglang lumapit sa akin ang isang lalakeng nagbebenta ng mani. Tumango na lamang ako. "Hayun oh! Papaalis na! Mamayang hapon pa ang susunod na bus patungong Filimon Heights," sabi niya sabay turo sa isang bus na nagsisimula nang umandar

        "Salamat po!" Na-triggered ako kaya agad akong kumaripas ng takbo. Di ko alintana kahit pa nakasuot ako ng wedged boots at black floral dress, humawak na lamang ako sa strap ng backpack ko at mas binilisan pa ang pagtakbo para sa kinabukasan ko. 

        "Teka sandali! Hintay!" Sumigaw ako nang sumigaw habang hinahabol ang bus, pakiramdam ko tuloy nasa pelikula ako—yung tipong hinahabol ng bida ang love interest niya na nasa loob ng bus, ganun. I embraced the moment; itinaas ko ang kamay ko na para bang gusto ko itong abutin, umarte pa ako na para bang naiiyak—shite, ganito talaga yun! Galing ko!


        Sa isang iglap, biglang tumigil ang bus kaya naman huminto na ako sa pagtakbo at tumigil na lamang sa pag-arte.

        I started skipping, a smile plastered on my face.

        "May bakante pa po ba?" Tanong ko sa kondoktor sa pagpasok ko sa bus.

         "May isa sa likod miss," sagot niya kaya agad akong nagsimulang maglakad, kaso bago ko pa man tuluyang marating ang upuan, bigla na lamang humarurot ang bus dahilan para mapahawak ako nang mahigpit sa pinakaunang bagay na naabot ko.

        "Aray!!!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng matandang babae at kahit ako'y napasigaw rin nang napagtanto kong sa buhok niya pala ako napahawak nang mahigpit—nasabunutan ko siya!

        "Oh my God sorry! Lola, I love you! Sorry! Hindi ko po sinasadya!" sa sobrang taranta ko ay napahalik na lamang ako sa ulo niya sabay ayos ng buhok niya. "You are a very precious vintage human being and I am so sorry!" muli kong bulalas habang hinihimas ang ulo niya.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon