2 : You'll be okay

362K 12.8K 7.1K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She


        Holding the head piece of my bear costume and still wearing the brown fur of my super cute costume, I put on my sunglasses and opened the door. "Follow my lead, boy eyebags," I said with pride.

         As soon as I took a step inside the convenience store, I noticed All American Rejects' song called Gives you hell playing on the store's stereo. It's like destiny; the moment, the song, my outfit and not to mention my really cool sunglasses. I feel so badass, I feel like— "AY BUTETE!" napasigaw ako nang wala sa oras nang bigla na lamang akong binangga ni Boy Eyebags mula sa likuran, muntikan tuloy akong madapa ulit sa sahig.

        "Ano ba?!" reklamo ko. Sayang yung moment! Badass moment ko yun!

        "May mga tao na sa likuran natin, ang bagal mo maglakad," reklamo niya kaya napangiwi na lamang ako.

        "Panira ka ng moment," pasaring ko na lamang sabay ayos ng sunglasses kong natabingi. Wala na, sira na ang moment ko kaya mabilis na lamang akong naglakad patungo sa snack aisle habang nakahawak ang kaliwa kong kamay sa bewang at ang kanan naman ay hawak ang ulo ng bear costume ko.

        "Are you sure you're not on drugs?" pasaring ulit ni boy-eyebags habang nakasunod sa likuran ko kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

        "Ikaw 'tong mukhang adik, cutie ako," giit ko sabay patong ulit ng mga palad sa magkabila kong pisngi. Di alintana ang hirap dahil sa ulo ng bear costume na nakasabit sa hintuturo ko.

        "Mukha kang langaw," aniya sabay turo sa sunglasses ko.

        "I'm wearing a bear costume—I'm a bear, boy eyebags," pagdidiin ko.

        "Half bear, half langaw," pagdidiin naman niya kaya napangiwi ako. Iniinsulto ba niya ako?

        "Do you want my help or not?!" reklamo ko nalang.

        "Nagpauto na ako sa'yo—bumaba ako sa bus at sumama sa'yo rito, ano pang magagawa ko?" sarcastic niyang sambit kaya napangiwi na lamang ako. Mabuti nalang talaga at kahit nagsusungit ay cute parin siyang tingnan kaya hindi ako masyadong nababadtrip. Hay, siya na nga 'tong tinutulungan ko, siya pa 'tong nagsusungit. Bahala na nga!

        "Grab two of those," sabi ko sa kanya sabay turo ng mga bote ng fresh milk na nasa loob ng ref.

        "Why?" tanong niya.

        "We'll steal them po," sarcastic kong sambit sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi mapabuntong-hininga na lamang at kunin ito.

        "When you see my face, hope it gives you hell, hope it gives you hell!" hindi ko naiwasang sumabay sa kantang tumutugtog sa stereo. Siyemre, tinuro-turo ko pa ang mukha ko para inisin lalo si boy-eyebags.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon