47 : The Favor

172K 8.4K 5.4K
                                    

Chapter Theme:

Broken - Lifehouse

Broken - Lifehouse

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Braylee


         Nagtaka ako nang hindi ko madatnan si Piper sa kwarto namin. It's already midnight and there's no way for me to contact her since I left my phone on Warren's car. I logged into my laptop but before I could message her, I stumbled upon Riley's live stream. They're out on the club partying so I guess that's why Piper's not here yet. Instead of waiting up, I changed my clothes and slipped inside my thick blanket. I slept torn—torn between feeling happy because of Denver or being sad because of Warren.

          7am na nang magising ako. Tinanghali na ako ng gising pero nasa sistema ko parin ang antok. Gusto kong matulog. Gustong-gusto ko lang matulog.

         "Bray, bumangon ka na diyan," wika ni Piper kaya naman napainat ako habang kinukusot ang mata ko. Bigla kong naalala ang jersey short ni Denver na sinuot ko kagabi, nagulantang ako nang maalalang hindi ko ito naitago. Dali-dali akong bumangon at nagtaka ako nang makitang hawak-hawak ito ni Piper at dali-dali niya itong itinago sa kanyang likuran.

         "Ano nga ulit ang oras ng pasok mo ngayon?" ngumiti sa akin si Piper na para bang dini-distract ako at halatang may tinatago sa kanyang likod. Naguluhan ako, ako yung dapat gumawa nun. Ako yung dapat natataranta habang tinatago ang jersey short ni Denver.

         "My 8am prof isn't around so sa 10am pa ako papasok," sagot ko na lamang at muling nahiga sa kama.

         "Asan na yung life sized teddy bear mo?" tanong pa ni Piper kaya naman agad akong napabangon at kunot-noong napatingin sa kanya.

         "Huh?" tanong ko.

          "Anong huh? You had a life-sized teddy bear on the floor last night, muntik pa ngang matisod doon—" natigil sa pagsasalita si Piper at ngumiti saka umiling-iling. "Ah, maybe it was just my imagination. Maybe I had too much to drink. We got pretty wasted last night. How about you? How was your night with your Warrenie?" nagtaas-baba ng kilay si Piper habang binabanggit si Warren.

         Muling sinakop ng lungkot ang puso ko nang banggitin niya si Warren. Naalala ko na naman ang nangayari kagabi. Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya? Ako ba ang magsasabi o si Warren? Sasabihin ba ni Warren? Gugustuhin ba itong ipaalam ni Warren sa iba?

          "B, why are you crying??" alalang sambit ni Piper at agad siyang lumapit sa akin.

          "W-wala," umiling ako at pinilit ang sarili kong ngumiti.

           "What's wrong? Your eyes are swollen," Piper's eyes suddenly had a glint of anger. "Wait did Warren do something that upset you? Ayokong maniwala dun sa sinabi ni Riley na nagbago si Warren pero—"

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon