39 : The 5 stages of Drunk Braylee (Part 1)

164K 8.1K 3K
                                    


CHAPTER THEME ABOVE:

All my friends - Snakehips

All my friends - Snakehips

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


          Nakatayo at nakapalibot sa isang mataas na mesa sina Piper, Lucho, at Braylee. Sa gitna nila ang tray kung saan nakapatong ang higit sa sampung maliliit na shot ng alak. Siyam sa mga ito ang wala nang laman dahil tigta-tatlo na ang kanilang nainom.


         "You okay? Lasing ka na?" Piper asked Braylee.

        "I'm a strong and independent cute baby! Hindi ako lasing!" taas-noong pagmamalaki ni Braylee sabay flex ng kanyang braso ngunit ang pananalita nito ay para nang isang bata. Nagsisimula nang mamula ang mga pisngi nito at hindi narin matanggal ang kakaibang ngiti sa mukha nito.

         "That's our girl!" Wika ni Lucho na patawa-tawa lang. Biglang kumurba ang ngisi sa mukha nito nang may mabuong ideya sa isipan niya.

         "What did I miss?" wika ni Riley na bumaba mula sa stage at sinamahan sila. May pumalit sa kanyang DJ kaya naman patuloy parin ang malakas na musika at sayawan ng lahat.

        "Everytime someone says Happy Birthday, we drink!" Anunsyo ni Lucho kaya naman sabay-sabay nilang iniangat ang kani-kanilang mga baso, maliban lamang kay Braylee.

         "Happy Birthday, Braylee!" sabay-sabay na sigaw at tawanan ng tatlo at agad na tinungga nang walang pag-aalinlangan ang kani-kanilang hawak na shot. Walang magawa si Braylee kundi gumaya sa kanyang mga kaibigan kahit pa napapangiwi siya dahil sa pait nito.

         "I'll never get tired of that face!" Natatawang wika ni Piper sabay turo sa nakangiwi paring mukha ni Braylee dahil sa ininom. Mabilis na nakabawi si Braylee at idinaan na lamang sa ngiti ang sama ng nalasahan.

          "Please don't get tired of me," malamlam na sambit ni Braylee habang isa-isang tingingnan ang kanyang mga kaibigan. "Please endure me because God knows how much I love you guyses."

         "Gosh! Our baby's already drunk!" Natatawang bulalas ni Riley at agad na inayos ang party hat ni Braylee na natabingi.

           Biglang may umakap kay Braylee mula sa likuran, si Reika. Gaya ng dati, nakasuot na naman ito ng itim mula ulo hanggang paa. Ginawaran niya si Braylee nang mabilis na halik sa pisngi. "Happy Birthday, Bubbles Powerpuff."

          "Shite!" Napasigaw si Braylee at patawa-tawang pumulot ng isang shot at tinungga ito. Tawang-tawa namang gumaya sa kanya ang mga kaibigan.

          "Inom ka rin," malambing na pag-aaya ni Braylee na parabang inosenteng bata sabay abot ng isang shot kay Reika. Hindi napigilan ni Reika na matawa dahil sa pag-aasal bata ni Braylee.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon