6 : The Meme Lord

260K 10.7K 8.4K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Braylee


         Maya't-maya akong napapasulyap sa relo ko habang nasa loob ng classroom. Hindi ko mapirme ang atensyon ko kay prof kahit pa sobrang interesting ng lecture niya tungkol sa Forest Health.

         "Is there somewhere you want to be, Ms. Emanuel?" Nag-palpitate bigla ang puso ko sa kaba nang ma-special mention ako ni Kick Buttowski, este Prof pala. Sorry po Lord.

         "Po?" Pagmamaang-maangan saka ngumiti na para bang isang napaka-inosenteng anghel, may bonus pang beautiful eyes.

          "Masakit ba ang mata mo?" bigla niyang tanong kaya unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ko at napangiwi na lamang ako nang marinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.

         Bigla na lamang tumunog ang bell, bagay na kanina ko pa hinihintay. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali kong kinuha ang backpack ko at agad na kumaripas ng takbo.

        "May assignment pa! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Kick Buttowski pero nagbingi-bingihan nalang ako—papa-good shot nalang ako sa kanya sa susunod na mga linggo para makabawi! hehehe

         Lumiko ako sa isang pasilyo at nakasalubong ko si Warren na tumatakbo rin ng mabilis gaya ko. Halatang nagmadali siyang umalis sa basketball practice niya dahil nakasuot suot pa niya ang jersey niyang basang-basa dahil sa pawis.

        "Bilis! Late na tayo!" sigaw niya habang bitbit ang isang mataas na bagay na natatakpan ng tela kaya hindi ko tuloy makita nang lubusan kung ano ito. Curious ako, pero sa sobrang pagmamadali naming dalawa ay hindi na ako nakapagtanong pa.

         Halos madapa na kami ni Warren kakatakbo sa madulas na sahig, mukhang kinareer kasi ng maintenance ang pagpa-polish sa sahig sa araw na'to. Nagmamadali man at kumakaripas na sa pagtakbo, hindi maalis ang ngiti sa mukha naming dalawa.

         "Bilis!" sigaw ni Warren at biglang hinawakan ang braso ko. Tinangka kong pantayan ang bilis niya sa pagtakbo ngunit sadyang hindi para sa physical activities ang katawan ko. Mukhang nakuha ni Kuya ang lahat ng athletic genes ng pamilya at yung cute genes lang ang sakin.

        "Teka! Teka baka madapa na naman ako!" sigaw ko kasi mukhang makakaladkad na niya ako.

         And then it happened... Bigla akong nawalan ng balanse sa katawan at namalayan kong nakadapa na naman ako sa sahig. Mabuti nalang at hawak parin ni Warren ang braso ko kaya hindi ako tuluyang nag faceplant sa sahig, yun nga lang nagmukha boksingerong kakapanalo lang ng laban dahil itinataas ng referee ang kamay ko.

         Narinig kong nagtawanan ang lahat ng mga nakakita sa amin. Hiyang-hiya man, hindi na ito bago para sa akin. Sanay na akong mapahiya sa maraming tao. Pinagtawanan ko na lamang ang sarili ko habang inaalalayan ako ni Warren na makatayo. Gaya ng inaasahan, halos mamula na si Warren kakapigil ng tawa niya.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon