55 : Star-crossed

157K 8K 4K
                                    

Chapter Theme:

Rewrite the stars - Zac Efron & Zendaya

Rewrite the stars - Zac Efron & Zendaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


         "Mom! Dad!" iyak ni Braylee nang sinalubong niya ito sa airport. Mahigpit ang yakap ng mag-anak sa isa't-isa sa muli nilang pagkikita at panay ang iyakan nila lalo pa't nawalan sila ng isang mahal sa buhay.

          "I love you, I love you," paulit-ulit na sambit ng ina ni Braylee sa kanya.

          "Don't cry, princess. Your brother doesn't want to see you cry," pakiusap naman ng kanyang ama sa kanya. Dahil sa sinabi ng ama niya, pilit niyang pinigilan ang kanyang mga luha ngunit kahit na anong gawin niya, higit na mas pinangungunahan siya ng sakit na dulot ng pagkawala ng nag-iisang kapatid.


*****


      Habang nasa burol ng kapatid, hindi nawala sa tabi ni Braylee ang kanyang mga kaibigan lalo na si Denver. Naging napakahirap para sa kanya ng mga sumunod na araw pero dahil sa presensya ng mga nagmamahal sa kanya, nagawa niyang lagpasan ang mga ito.

       "Hindi ba kayo pinapagalitan ng mga guro niyo? Lagi nalang kayong absent dahil sa pagtulong niyo rito," alalang sambit ng ina ni Braylee nang magsalo-salo silang lahat sa isang hapunan.

       "Hindi naman po, nagpaalam naman po kami ng maayos at nangakong babawi sa mga subjects namin," paniniguro ni Piper na naging malapit nadin sa mga magulang ng kaibigan.

        "Sino pala sa inyo ang boyfriend ng prinsesa ko?" pabirong sambit ng ama ni Braylee sa mga ito. Namumugto man ang mga mata at nagluluksa man, nagagawa parin nitong ngumiti at makipagbiruan. "Ikaw ba?" tanong nito sabay turo kay Warren pero mabilis na tumawa si Warren at umiling.

        "Dad naman," reklamo ni Braylee.

        "Baka naman ikaw?" tanong nito sabay turo kay Denver bagay na ikinatahimik ng lahat.

          Kinabahan bigla si Braylee, kinabahan siya dahil sa magiging reaksyon ng mga magulang niya dahil sasasabihin ni Denver.

         "Hindi po," nakangiting sagot ni Denver bagay na ikinagulat ng mga kaibigan niya, lalo na ni Braylee. Pero imbes na ipakita ang nararamdaman, ngumiti na lamang si Braylee.


****


          As days passed, the grief became more difficult to handle for Braylee and her family but thanks to her friends and Denver, the pain became bearable. After the funeral, everyone returned back to Filimon Heights, leaving behind Braylee in her hometown with her parents.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon