4 : Bad bad bad

279K 10.7K 4.6K
                                    

 Braylee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 Braylee


        "Heartbroken?" the waiter asks as he places a milktea and slice of cake right in front of me. 

        "I can't show my face again," I couldn't help but pout and wail as I stare at strawberry-topped vanilla cake. 

        "Nakikita ko ang mukha mo," the waitrer says in a teasing tone but instead of getting mad, I let out a dying laughter mixed with wail and despair. A laughter I can only make knowing I am doomed.

        "If I wear a wig, will people still recognize me? It worked for Hannah Montana, it's gonna work on me too right?" I asked in desperation but the waiter just laughed while shaking his head. 

       "Sa huli, binulgar ni Hannah Montana ang sikreto niya," aniya at sa puntong yon ay agad akong napatuwid ng upo at nag-ngat ng tingin sa kanya.

        "Wait, you watched Hannah Montana?" hindi ko naiwasang magtanong. Tumawa ang waiter. Napatingin ako sa nameplate ng suot niyang white polo at binasa ko ang nakasulat dito—Apollo. 

         "Apat na magkakapatid, nag-iisang lalake—struggle is real," pabirong sambit ni Apollo saka biglang nag-dab dahilan para matawa ako.  "Nga pala, di mo ba 'yan sasagutin?" aniya at bigla na lamang tinuro ang cellphone ko.

         Tumatawag pala si Piper kaya dali-dali ko itong sinagot. "Where are you, Braylee?! Nagsisimula na ang game!" bulalas ni Piper. Sa lakas ng boses niya, bahagya ko pang inilayo ang cellphone mula sa tenga ko. 

         Natawa si Apollo sa naging reaksyon ko at nagpatuloy siya sa pagse-serve sa iba pang customers dito sa coffee shop.

        "P, sumama bigla ang pakiramdam ko sa dami ng tao. I'm really not into crowded places. I'm in a coffee shop just a few blocks away from where you are. Can I just stay here and wait for you guys?" tanong ko at narinig ko si Piper na mapabuntong-hininga.

        "Okay fine! O siya sige, mamaya nalang. Aawayin muna namin ang 'tong Roseshits, sinisimulan na naman kami ng Team Teletubbies!" sigaw nito mula sa kabilang linya at bigla na lamang akong binabaan.

        Sinasabi ko na nga ba't makaka-engkwentro na naman nila ang Team Teletubbies. Isa itong grupo ng mga estudyante mula sa Rosepike University; ang rival university namin.

       "Teddy! Andito ka lang pala!" Nagulantang ako nang bigla na lamang may naupo sa harapan ko. Muli akong napanguso at napadanguyngoy nang makitang si The Walking Stress pala ito at hawak pa niya ang ulo ng costume niya. Wait did he just call me Teddy?! 

      "Nananadya ka ba talaga!" Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor ko at taas-noong pinanlisikan siya ng mga mata, umaasang masisindak siya sa ginagawa ko. Kapag kasi ginagawa 'to ni Piper, nasisindak ako, siguro gagana rin 'to kay boy eyebags.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon