5 : The boy who can't sleep

231K 10.8K 4K
                                    

Braylee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Braylee


        "Good Morning X chromosomes!" bati sa amin ni Riley nang madatnan namin sila sa paborito naming karinderya at naga-agahan na. Hindi na kami umorder pa ni Piper kasi umorder na sila para sa amin. 

        "Bray, dito ka oh," Warren pulled out the chair beside him and pointed it.

        "Is anyone going to pull out a chair for me?" Piper cried out.

       "We really need to work out on our pull-out method skills," bulalas ni Lucho at sa isang iglap nagtawanan silang lahat. Naguguluhan man kung bakit sila nagtawanan, nakitawa parin ako sa kanila.

       Riley suddenly raised the fork he's holding and pointed me. "Tawa siya nang tawa, di naman niya gets," Riley poked fun at me so I just continued to laugh.

      "What's a pull-out method skill?" I asked but they just continued to laugh, even harder. 

      "'Wag mo nang itanong, kumain ka nalang diyan," sabi naman ni Warren sabay abot sa akin ng friend chicken na nasa gitna ng mesa.

        I love my friends but sometimes I feel out of place when i'm with them. Minsan tumatawa sila bigla tapos sa tuwing hindi ko naiintindihan, minsan lang nila pinapaliwanag sa akin. Piper says it's because it's green and they don't want to corrupt me but I don't even know what green means other than the fact that it's a color. 

       "Hoy Braylee! Ano yung nabalitaan ko ha?" Tinaasan ako bigla ni Riley ng kanyang kilay.

      "Ano?" tanong ko.

      "May ka-date ka raw kagabi? Sino! Spill spill spill!" bulalas ni Riley kaya agad namilog ang mga mata ko sa gulat at isa-isa akong napatingin sa mga kaibigan kong gulat dahil sa binulalas ni Riley.

      "Wait, you had a date and you didn't tell me?!" bulalas nama ni Piper.

      "Hala hindi! Wala! Uy wag ganyan! Wala kaya!" agad kong giit saka umiling-iling.

      "Sinungaling!" panunukso ni Riley. "Sabi nung isa kong friend, nakita ka raw niya sa soccer field na may kasamang isang guy kagabi!" giit pa ni Riley.

       "Oh my God! Dalaga na si Braylee!" panunukso ni Piper. "Pero sabihin mo sa akin sino para makilatis namin!" giit pa nito.

        "Oo nga! I-background check muna natin, baka mamaya nire-recruit lang pala si Braylee sa isang kulto," biro naman ni Lucho kaya hindi ko naiwasang matawa.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon