Epilogue (Part 2 of 2)

205K 10.3K 12.6K
                                    



         Lumipas ang mga araw at tila ba naging isang nakakatuwang alaala lamang si Braylee para kay Denver; ang lahat ng napag-usapan nila, ang lahat ng binahagi nila sa isa't-isa, at ang pagiging saksi ni Denver sa nagagawa ng alak kay Braylee. Ni hindi nga alam ni Denver ang pangalan ng dalaga. 

       Dumaan ang mga buwan at mas lalong naging mabigat ang kalooban ni Denver sa mga kadahilanang hindi niya maintindihan. Galit siya sa kanyang sarili. Hindi niya magawang maging masaya o maayos man lang gaya ng dati. Blanko; ganito mailalarawan ang naging araw-araw niyang buhay. Hindi makangiti at hindi makausap nang maayos. Depresyon.

      Nagdaan ang mga buwan at umabot sa puntong hindi na makatulog si Denver kaya kung ano-ano nalang ang kanyang ginagawa; nagpupunta siya sa mga bar at kung minsan ay sumasakay siya pabigla-bigla ng bus kahit hindi naman alam saan pupunta. Para sa kanya ito lang ang mga naiisip niyang pampalipas oras. At sa mga pagkakataong ito'y nakikita niya rin si Braylee sa bus. Nakikilala niya pa ang dalaga ngunit ito ang hindi nakakaalala sa kanya, alam niya dahil makailang beses na silang nagiging pasahero sa iisang bus.

      Alam ni Denver ang ilan sa mga pinagdadaanan ni Braylee dahil narin sa mga napag-usapan nila habang nasa ibabaw sila nang puno nang gabing iyon kaya hindi na siya nagtaka pa nang mapansin ang lungkot sa mga mata nito sa tuwing nakikita niya itong sumasakay ng bus sa kalagitnaan ng gabi, gaya niya.

      Isang araw, nasa loob ulit siya ng bus, nagpapalipas ng oras para makatulog. Kaaandar palang nang bus nang huminto ito at nakita niyang sumakay si Braylee, humahangos at nagmamadali. Hindi pa nakakaupo si Braylee nang umandar ito bigla kaya natumba si Braylee. Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan pa ni Denver na matawa.

     At sa pagkakataong iyon, lingid sa kanyang kaalaman, kasama na niya pala ang taong magiging lunas sa kanyang pagdurusa. At ito ang magiging simula nang kanilang ugnayan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


       "Coach! Coach may tao sa baba!"

        Bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ni Denver nang mapukaw ang atensyon niya ng kanyang estudyante. Mabilis siyang naglakad patungo sa hagdan ngunit habang pababa siya sa hagdan ay agad niyang nakasalubong sina Apollo, Haji, Jethro, Cohen, Magno, at Sawyer na papaakyat sa hagdan bitbit ang isang cooler at mga pagkain.

      "What the hell?" bulalas ni Denver.

      "Let's go get wasted!!!" sabay-sabay na sigaw ng lahat maliban lamang kay Jethro na mukhang nahihiya para sa inaasal ng mga kaibigan.

      "Some of my students are still minors," paalala ni Denver habang paakyat silang lahat sa hagdan.

       "Edi root beer sa kanila! We came prepared!" pagmamalaki ni Magno.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon