44 : Aggression

166K 8.3K 5.8K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


          "What?" malamig na sambit ni Denver sa kanyang ama nang makitang nakatulala lamang ito sa isang tabi habang siya'y abala sa sa pag-aayos ng hapagkainan.

         "I just... I didn't expect to see you in this house again," Gulat man, hindi nito naiwang ngumiti. "T-totoo rin ba yung sinabi mo kanina? Darating din si Warren?"

         Walang kaemo-emosyong tumango si Denver at inilabas ang bote ng wine mula sa lalagyan.

        "Nagkaayos na ba kayo?" Nagbabakasakaling sambit ng Ama.

        "We're no longer kids." tipid na tugon ni Denver.

        "Doc, andito na ho ang sasakyan ni sir Warren," wika ng katulong nila kaya naman mas lumapad pa ang ngiti sa mukha ng Ama. Agad itong lumabas at pansamantalang iniwan si Denver upang salubungin ang panganay niyang anak.

         Habang wala ang ama, sinilip muna ni Denver ang kanyang cellphone. 


Denver:

Let's go get some ice cream sandwich tonight?

I have something to tell you


         Wala parin itong reply kaya naman muli niyang ibinalik ang cellphone sa kanyang bulsa. Nagpatuloy siya sapag-aayos sa mesa nang makarinig siya ng mga boses. Agad siyang nag-angat ng tingin at laking gulat niya nang makitang hindi nag-iisa si Warren.

         "Braylee, this is my youngest son, Denver. Denver, this is your brother's girlfriend, Braylee," wika ng Ama. Hindi nakakibo sina Denver at Braylee habang nakatingin sa isa't-isa, kapwa gulat.

          "B-bestfriend," si Braylee ang unang nakabawi sa gulat. Pilit siyang ngumiti at muling ibinaling ang tingin sa ama nito. "Bestfriends po kami ni Warren, Doc," pagtatama ni Braylee at muling napatingin kay Denver. 


***


Braylee


        "Thanks for coming with me," sabi ni Warren nang pinaandar niya ang kotse niya.

        "No problem, but may bayad 'to. Teletubbies plushie will do," biro ko. Sa totoo lang ayoko naman talagang sumama sa kanya sa dinner kasama ang Daddy niya kasi personal bonding time dapat nila 'to kaso alam ko kasing not-in-good terms sila dad niya kaya sumama nalang ako bilang moral support. "But it would be better if Piper, Lucho, and Riley's with us. You know, full force moral support," pabiro kong sambit.

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon