37 : Camo

181K 8.9K 6.7K
                                    

CHAPTER THEME SONG ABOVE

CHAPTER THEME SONG ABOVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Braylee


        Getting to see my friends again was priceless. I missed them so much; their smiles, their stories, their quirks. But at the same time, it felt weird not see Denver. Ever since our classes resumed, Denver and I never got to see each other again and all we could do was talk at night on the phone.

        "Magtatampo na talaga ako sa'yo," sabi ni Warren habang pumipila kaming dalawa sa popcorn stand. 

       "B-bakit?" agad akong nag-alala. Pero mukhang hindi naman siya galit kasi nakangiti naman siya.

         "Ba't kapag may game ako kailangan ka pa naming pilitin para manood pero kapag soccer game eh sama ka kaagad?" nakangiting sambit ni Warren habang may pa-pout pout pa kaya naman natawa nalang ako at inayos ang suot kong beanie. Gabi na kasi at malakas pa ang hangin, mukhang uulan kaya naman nakasuot kami ng mga jacket at beanie.

        "May crush kasi akong member ng soccer team," biro ko sabay kindat at umarteng bumabaril. Sana kasing cute din ako ni Apollo kapag ginagawa 'to.

        "Sino?!" agad na naglaho ang ngiti sa mukha ni Warren kaya mas lalo akong natawa.

        "Next!" narinig naming tinawag kami ng cashier kaya naglakad kami paharap.

        "Hulaan mo," biro ko ulit saka humarap sa cashier. 

         Namilog ang mga mata ko nang makita si Apollo na siya palang cashier ngayon dito sa popcorn stand. "Uyyy!" bati ko sa kanya sabay kindat at umarte na bumabaril.

        "Uyyy!" bati rin ni Apollo apabalik sa akin at pose na parang bumabaril. Tumingin siya sa direksyon ni Warren at nagsimulang mag-agaw ang ngiti at ngiwi sa mukha niya. "H-hello ikaw," naiilang na sambit ni Apollo kaya muntik akong matawa.

        Pansin kong tinapunan kami ni Warren ng nagtatakang tingin pero hindi naman siya nagtatanong? Mako-konekta ba niya kami ni Denver?

         "Waiter siya na mahilig sa Hannah Montana," palusot ko agad kay Warren at mabuti nalang wala siya masyadong tanong, si Apollo naman tumawa lang at kinuha ang order namin.

          Matapos makabili ng popcorn at drinks, nagpaalam agad ako kay Apollo at tumungo na agad kami ni Warren sa bleachers kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin. 

         "Dami mo talagang mga kaibigan," Warren chuckled, both of his hands were inside his pocket as we made our way up the bleachers. 

Good night, Enemy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon