Chapter 1: Eros

16.3K 153 3
                                    


Inis kong pinagligpit ang mga gamit ko sa office ko.

"Bakit pa ba kasi ako nabuhay." Madiin at mahina kong sabi sa sarili ko. "Tangina naman to."

Padabog kong pinaglalagay yung mga gamit ko. Kasama na roon ang mga papeles ko, mga notes, at ang kaisa-isahang laptop ko. Inutang ko pa to. Di ko pa nabayaran.

"Oh, Ms. Villas?"

I rolled my eyes bago ako humarap sa taong nasa likod ko. Kilala ko ang boses. Oh, well. Bakit ko ba naman makakalimutan ang kaisa-isahang tao na walang hiyang pinapahiya ako kanina sa meeting. Sa harap pa nang Papa ko.

I faced her. And she's wearing her mask.

Plastic.

Sarap buhusan ng acido ang mukha niyang nakangiti sa akin.

"Anong kailangan mo?" Sabi ko.

"Why are you doing this?" Sabi niya saka umakto na nagulat.

I left out a small laugh.

"Geez, Farrah. Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo kundi guluhin ako?" With a gritted teeth, I said.

"What?" She said. Amazing! Maawardan pa to nang Best Actress.

"Oo, anak ako sa labas ng papa mo. At hindi ko kasalanan na nagmamahalan sila ng pumanaw na na mama ko. Konting respeto naman sa akin na wala namang ginagawa sa pamilya mo!" Inis kong sabi.

I can't help but recall about everything that happened before. Nung araw na namatay ang mama ko, wala akong magawa kundi ay mapasama sa papa ko. Dun ko pa lang nalaman na kabit lang pala ang mama ko (the day my mother died, cruel right?) At ngayon, pinapatrabaho niya ako sa company nila bilang assistant ng bruhang anak ni papa.

At kanina sa meeting? Pinapamukha niya akong tanga. Pinapahiya sa harap ng mga empleyado at sa kaisa-isa kong ama.

"Look who's talking, baka nakalimutan mo... Winasak mo ang pamilya ko."

"Wala kaming winasak. At wala akong winasak." Sabi ko. Madiin at ma awtoridad.

"Talaga?"

I blinked.

Kasi wala kaming alam na isang manlolokong hayop pala ang ama na kinikilala ko.

"Magkapatid man tayo sa dugo, pero..."

"Wala akong kapatid na katulad mo." Sabi niya. And i heard a crack. It was my heart.

"Pero bakit niyo pinipilit na makitira sa inyo? Gugustuhin kong lumayo pero bakit ganito? Ha? Ano bang problema niyo sa kin? Walang wala na ako diba. Bakit niyo pa ba ako kinukopkop?!" I said.

Book 1: Sore (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя