Chapter 15: Black

3K 40 0
                                    

Matapos ko na maiayos ang sarili ko. Natapos na ako sa paglagay ng light make up. Inayos ko na rin ang black dress ko.

I sighed with the thought.

Sasamahan ko lang si fred ngayong araw sa burol ni Erica. I don't get it kung bakit binilisan nila ang ang burol ni erica. Usually, it took weeks muna.

Lumabas na ako at nakita ko si eros na nasa sofa nakahiga. Napatingin ako sa dining table. Nandun si Fred kumakain. Napatingin siya sa akin.

"Kain ka na."

"Wait lang. Puntahan ko muna si eros ha."

Tumango lang siya sa akin at nilapitan ko na si eros.

"Sweet." Tawag ko sa kanya.

Napaupo siya. Tamad siyang napangiti sa akin. Hinawakan ko ang noo niya. Hindi na masyado mainit. Di kagaya kagabi na sobrang init.

"Bakit sweet?" Magkatabi na kami ngayon at naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.

"Kumain ka na ba? Yung gamot mo?" Sabi ko.

"Hinintay lang kita. Sabay na tayo. Bago ko kayo ihatid ni fred." Sabi niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya sa akin ngayon.

Tumayo na kami at nakisabay na din kay fred.

"Fred Festin, right?" Sabi ni eros kay fred. Napahinto naman si fred at matipid na napangiti.

"My half brother, eros." Sabi ko. Nagets naman niya agad. Malamang kasi wala naman akong kapatid talaga. Siguro nagduda siya. Kaya sinasabi ko na.

"Kailan pa naging kayo ni ate?" Tanong ni fred kay eros.

"Noon pa. Kakabalik pa lang namin. By the way, pinilit ko ate mo na umuwi pero ayaw." Sabi ni eros.

Naging talkative bigla si eros. Strange. Siguro comfortable lang siya na kausap si fred kasi makikinig naman si fred kapag may nauusap. Polite.

"Ayaw mo na bang umuwi, ate?" Sabi niya.

Umiling ako, "Wag mong sabihin sa kanila kung nasaan ako ha."

Tumango lang siya. Malamang naintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Ayoko pa. At ayoko na rin.

"Except me. Di ka naman nila hinahanap eh."

I heard a crack. Deep deep down inside my heart. Okay lang naman pala na umalis ako eh. Then, that means... Okay lang din na Hindi na ako babalik.

"Graduating ka ba?"

Tumango si fred.

"Computer engineering kinuha niya, sweet." Sabi ko para makijoin sa conversation nila. Ngumiti naman sa akin si fred na para bang tinutukso ako. Nasabi ko bang sweet? Ayt.

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now