Chapter 13: She

3K 46 1
                                    

"Bakit ba kayo nagkakasuntukan? Di pa pwedeng pag-usapan na lang yan?" Rakrak kong sabi kay fred habang pauwi pa kami sa bahay ng Festin. Nilinisan ko gamit ng tissue ang mukha niyang puro dugo.

Napatingin ako kay fred na nakatitig sa likod ni Eros na nagdrive. Nasa backseat kami pareho ni fred kasi abalang-abala ako sa pagtulong sa mukha niya.

"Ate, 'wag mo kong ihatid sa bahay."

"Oh edi hindi, nakakaloka kang bata ka." Inis kong sabi sa kanya. Dapat nga si fred mainis kasi siya yung nabugbog pero ako pa tong oa makareact.

"Boyfriend mo?" Tanong ni fred.

"Asawa." Pambibiro ko. Kailangan kong mag loosen up para di ako masyadong mahighblood nito.

Pero 'di biro ang pagtanggap ni Fred.

"Boyfriend, fred. Boyfriend." Sabi ko sa kanya at napatingin kay eros sa salamin. "Papakilala kita sa kanya."

"San tayo?" Tanong ni eros.

"Bahay mo."

Di na nagsalita muli si Eros at nagmaneho na lang. Tinignan ko si fred. Hininto ko na ang pagpunas ng dugo sa mukha niya. Nagkaroon kasi ng cut sa may kilay niya. Malamang mag-ala charlie puth na siya nito.

Nakarating kami sa bahay ni eros at nakasabay ko si Fred. Nauna na si eros.

"Ate."

Napalingon ako kay fred na napahinto di pa lang kami nakapasok sa loob ng bahay. Napahinto din ako.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit kilala mo si markus?" Sabi niya. May halong inis ang pagkakasabi niya.

"Kilala ko kasi adviser mo."

"Ah."  Tipid niyang sagot sa akin.

Nilapitan ko siya at inakbayan.

"Pasok na tayo. Gagamutin pa natin yang sugat mo." Sabi ko sa kanya. Kung talagang makita ko yung markus na yun, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.

Hinila ko siya papasok sa bahay at napahanap ang mata ko kay eros. Nanibago lang ako kasi natahimik eh.

"Upo ka dun sa sala. Gagamutin kita at may paguusapan pa tayo." Sabi ko sa kanya.

Naglakad siya at napaupo doon saka isinandal ang ulo sa likod nang sofa.
Kumuha ako nang first aid kit sa kwarto ni eros at nakita ko siya roon na nakahiga na.

"Eros?"

"Hmm?" Tamad niyang sagot sa akin.

Kinuha ko muna ang first aid kit at saka tumabi sa kanya sa kama. Umupo lang ako at saka hinahagod ang likod niya.

"Okay ka lang?"

"Oo." Tipid niyang sabi sa akin. Di pa din lumingon. Nasa ibang side kasi siya nakahiga. Bali nakatalikod sa akin.

"Antok ka na?"

"Oh, sweet."

Hinila ko siya para humarap sa akin at nung napahiga na siya at nakita ko na ang mukha niyang nanghihina.

"May lagnat ka ba?" Sabi ko sa kanya. Inilagay ko ang palad ko sa noo niya.

Umiling lang siya.

Mas lumapit siya sa akin at inihiga niya ang ulo niya sa lap ko. Niyakap na rin niya ang bewang ko.

"Nilalagnat ka eh." Pagaalala ko. "Eros, dito ka lang ha. Gagamutin ko muna kapatid ko."

Tumango lang siya.
Patayo na ako pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Ferling ko tuloy nagpapalambing tong isang 'to.

"Ayaw mo muna na umalis ako?"

Tumango na naman siya.

"Ayokong umalis ka kailanman." Sabi niya sa akin.

Nilaro-laro ko yung buhok niya at hinaplos ang medyo mataba niyang pisngi.

"Hindi naman ako aalis eh. Gagamutin ko lang saglit ang kapatid ko at babalikan kita dito na may dalang gamot." Sabi ko sa kanya.

Umupo siya at niyakap ako. Anong meron sa lalaking to. Parang bata.

"Sige." Sabi niya sa akin.

Umalis siya sa yakap at hinalikan ako. Akala ko saglit lang na halik pero he pulled me closer to him kaya mas napalalim ang halik.

"Eros..." 

Umalis na siya sa halik.

"Babalik ako, okay?" Sabi ko.

Tumango na siya at humiga na. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto dala-dala ang first aid kit.

Nadatnan ko si fred na nakatulog na sa sofa. Bumalik ako sa kwarto ay kumuha ng extra kumot saka lumabas na naman ulit.

Umupo ako sa tabi ni fred at nagsimulang nang gamutin ang sugat sa kilay niya.

Maya-maya ay napagising siya.

"Malapit na akong matapos. Wag kang kumilos."

Sumunod naman siya.

"Bumalik ka na sa bahay." Sabi niya. Pero nabago ang mood ko non. Di ko kasi gustong pag-usapan.

"Bakit ka ba binugbog ni markus?" Pangiiba ko sa topic.

He sighed.

"They broke up the other day."

Napahinto ako. So meaning? Magkakatuloyan na si fred at ang babae? Sino ba kasi ang babae?

"Ah." Di ko na alam kung anong sasabihin ko.

Natapos ko na ang panggamot kay fred at halos malaglag ang panga ko sa sinasabi niya sa akin ngayon.

"And She already passed away."

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now