Chapter 11: Broken Glass

3.5K 47 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason kung bakit pa ako nabuhay. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong harapin ang pamilyang pinapamukha akong tanga sa lahat.

Malaki ang nagbago.
Pero wala na talaga akong rason para manatili sa pamamahay nila.

And this man, hugging me like I'm a Bear. It was warm. I feel like I found my home.

Eros is home.

"Bakit ka tumatakbo?" Sabi niya. I sniff. Holding my tears. Naninikip ang dibdib ko. I'm suffocating.

Umiling lang ako.

Ayokong sumagot baka mabasag pa ang boses ko.

"Akala ko iniwan mo na naman ako. Hindi ka na kasi nagpaparamdam sa akin, e." Sabi pa niya.

My tears started flowing down my cheeks.

Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin at mas napapaiyak ako.

"Iiyak mo lang. Ang problema, iniiyak yan." Sabi niya pa kaya humagolgol na ako sa iyak. Ibinaon ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam na ramdam ko ang kaba niya. Hindi ko alam pero nagugustuhan ko.

Ang problema, iniiyak yan.

What an advice.

"See? Akala ko nga talaga, iniwan mo na naman ako." Sabi niya ulit.

"Hindi nga kasi kita iiwan." Sabi ko ng may halong inis.

"Kaya nga." He said. "We were on our way to each other." He added.

-
Kinuwento ko kay eros lahat lahat.
Hindi niya nga nagustuhan ang asal na ipinapakita ko sa pamilyang minsan na rin daw tumulong sa akin. Pero siguro nadala lang ako sa pride, inis at emotions kaya di ko na naisipan ang mga kabutihan.

"Anong gusto mong gawin ko?" Sabi ko.

Kanina lang yakap-yakap niya ako at kinocomfort ng todo na magiging okay lang ako tas ngayon pinag-aawayan namin to? Heck.

"Bumalik ka sa kanila." Sabi niya.

Napanganga ako.

"The hell, eros?" Sabi ko habang nakahawak pa sa baso na may lamang tubig. Iinomin ko sana pero parang bibilaukan pa ako sa mga pinagsasabi niya sa akin ngayon.

Nakaupo lang siya tapos ako nasa may kitchen sink nakahawak ng baso.

"Eros, wag mo naman ako gawing tanga dito." Sabi ko. Unti-unti na akong magalit.

Hindi ko alam pero ang bilis ko lang magalit.

"Tanga? May sinabi ba ako?" Sabi niya nang naguguluhan.

"Nang-iinis ka ba?!" Sabi ko.

Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay unti-unti kong nararamdaman ang panggigilid sa luha sa aking mga mata.

"Hindi naman sa nang-iinis, sweet."

"Wag mo kong kausapin." Sabi ko at tumalikod sa kanya.

Nakapokus ang tingin ko sa basong hawak-hawak ko. Napasandal ang tuhod ko sa pader ng kitchen sink nato.

"Pamilya parin kayo, sweet." Sabi niya.

Hindi na ako sumagot.

"Kailangan mo lang kasing makamove-on sa past at matutong tumanggap sa realidad at katotohanan." Sabi niya pa.

Napaluha ako.

"Kaya please, sweet, let's move on okay."

Sa sinabi niya, para niya na ring sinabi sa akin na kalimutan ang nangyari sa mama ko at patuloy na makipagplastikan sa pamilyang kailangan ko pang ipagsisiksikan ang sarili ko.

I tried holding back the tears.

"Vea, move on na okay?" Sabi niya pa.

Tama na.

Naiinis na ako.

Nakarinig ako ng pagbasag.

"VEA!" Bigla niyang sigaw sa akin.

"H-ha?" Sabi ko nang nagtataka.

Hindi siya nakatingin sa akin kundi nakatingin lang siya sa mga kamay ko. Napatingin din ako doon at saka pa lang ako nakaramdam ng sobrang hapdi.

My lips parted.

"Fvck." I said.

Di ko namalayan sa sobrang inis. Nabasag ko na pala ang basong hawak-hawak ko at malalim na napatusok sa palad ko.

Mabilis na kinuha ni eros ang kamay ko at bakas sa mukha niya na natatakot at nag-aalala siya.

Para ngang siya pa yung natusukan at grabe mapaawang ang labi niya.

"Stay still." Sabi niya sa akin at tumakbo. I think para kumuha ng first aid kit.

Bumalik siya sa ilang segundo at inaano ang kamay ko. Pinapaupo niya ako dun sa upuan ng kainan at maingat na pinag-tatanggal ang mga piraso ng basag na bildo sa aking palad.

Ramdam na ramdam ko ang bawat parte nun.

Humagolgol na naman ako sa iyak. Hindi na dahil sa inis kundi sa sakit na nararamdaman ko nang malagyan ng gamot. Ang hapdi hapdi.

"I'm sorry." Sabi niya habang nilalagyan na niya ng benda ang buong palad ko.

Hindi na ako umimik.

"Okay. I want you to stay here with me for the mean time." He said.

Nagulat ako sa naririnig ko galing sa kanya kaya tinignan ko siya sa mata. Napatingin din siya nung natapos na siya sa ginagawa niya.

He cupped my face and kissed my forehead.

Inalis niya rin ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"I love you, okay?" Sabi niya. "I'm sorry kung nainis ka sa akin kanina ha."

Napangiti ako para ipakita sa kanya na okay lang. Okay na lang.

"Pero sweet, paano na kamay mo." Said he.

"Okay lang yan." Sabi ko.

Hindi siya na convince.

Niyakap niya ako.

"Dapat matuto kang magcontrol sa galit mo, sweet. Pinapahamak mo sarili mo eh. Paano kung wala ako? Sino gagamot sayo?" Sabi niya. "Hindi mo naman kayang gamutin sarili mo. Kanina nga di mo man lang napansin na nabasag mo na ang baso."

Napaisip ako.

He's a perfect guy. Not the perfect one sa ibang tao pero sa akin. I don't think if I deserve him. His wonderful.

Imbisna sumagot ako.

Hinalikan mo siya.

Umalis siya sa halik at sinabing, "Namiss ko to."

Sabay halik ulit sa akin.

Book 1: Sore (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora