Chapter 12: Crowded

3.2K 44 0
                                    

Nanatili akong nasa tabi ni Eros. Hindi na niya ako pinilit na umuwi kundi sinuportahan niya lang ang mga desisyon ko.

Nagpapasalamat naman ako kasi ganun na nga yung nangyari.

"Sweet." Tawag ni eros sa akin. Nasanay na talaga siya sa pagtawag sa akin ng sweet. Medyo cheesy pero gusto ko naman kapag pagdating sa kanya.

"Oh, eros? Bakit?"

Umiling siya saka ako binigyan ng kindat. Kahit kailan talaga, malanding malandi pa din siya.

"Ang sexy mo tignan sa T-shirt ko, sweet." Sabi niya habang nagtatadtad siya sa mga repolyo at iba pang gulay na kailangan niya sa niluluto niya.

Palagi na lang talaga kami nakatambay sa kusina niya. Palibhasa kasi di nauubusan ng pagkain sa ref kaya ganito makapagluto. At since nandito ako ng ilang araw na, mas doble ang usage ng pagkain. Ika nga niya, baboy daw ako pero di naman tumataba.

Napansin ko naman si eros na kanina pa napatingin sa akin ng napakalagkit. Umalis lang naman kasi ako sa bahay nang walang ni isang gamit ang nadala. Alangan naman kasing pumasok pa ako sa kwarto ko para mag-impake. Kaya naman pinapahiraman ako ni eros ngayon ng masusuot. Sa laki niya namang to malamang malaki rin sakin ang T-shirt niya na to. Para na nga akong walang cycling short sa suot kong to. Kaya kanina pa ako kinukulit ni Eros. Kesk chix daw. Tsk. Chixboy.

"Malamang kasi ako nakasuot." Pagbibiro ko.

"Sexy ka pa rin naman kahit wala kang suotin."

"Malamang kasi hubad na ako niyan, Mr. Conte." Sabi ko habang nakangiti na naman ng napakalawak.

Si eros? Nakangiti rin. Yung ngiting aso talaga ang ipinapakita niya sa akin.

"Love you, Ms. Villas." Sabi naman niya habang kumindat na naman.

Napakacomportable talaga basta si eros na ang kasama ko. Minsan nakakainis siya, nakakaiyak kasama, at ano pang kabaliwan niya. Kung iisipin nga, we're more of like best friends. But we're more than just friends.

At ang ganda lang isipin na, yung taong bestfriend ko, buddy, travel buddy, shoulder to cry on, bespar, dude, ano pa, silbing kapatid rin pwedeng kuya, mama at papa. At ang ganda ganda lang kasi nasa kanya lahay nang iyon. All in one.

I'm so lucky having him.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha at tinignan ang caller.

Fred Festin
Calling...

Napatingin ako kay eros at nag-excuse saglit. Pumasok ako sa kwarto.

"Oh, fred?"

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa pamamahay nila matapos nang paglayas ko. Hindi naman ako nakatanggap ng tawag galing sa pamilya nila, ngayon lang.

I froze when I heard a bang.

"Fred?" Alala kong tanong.

"Pwede pasama?" Sabi niya. Yung boses niya parang may hinanakit na dinaramdam.

"O-oh? Sure. Saan ka ba?" Sabi ko.

"Sa bar."

I ended the call after that I asked him to text me his address. I have this feeling na na may masakit na nangyari sa kanya.

Sinamahan na ako ni eros kasi may kotse siya. Too bad, di na niya natapos ang lulutuin niya sana. Kaso para kasing emergency kapag pagdating kay Fred. 'Di naman siya mahilig tumawag sa akin.

"Hanapin ko lang si fred, sama ka?" Sabi ko kay eros nang palabas na ako sa kotse. Pero hinawakan niya kamay ko para pigilan muna ako.

"No. I'll come with you." He said. Nakita ko yung concern at worry sa mga mata niya.

"Okay." I mouthed. Hindi na ako komontra. Para rin kasing naninindig ang balahibo ko kasi ang daming tao sa labas. May iba nakahiga na sa sahig, yung iba nagPDA at yung iba naman naninigarilyo.

Papasok pa lang kami sa bar kung saan si fred ay napaatras na ako dahil sa dami ng tao. Ano bang bar to? Mukhang hindi naman bar kung titignan sa labas.

Inakbayan ako ni Eros at siya na mismo ang tumulong sa akin para di ako mabunggo-bunggo sa mga tao.

"Ako dito, tas dun ka." Sabi ko.

"No. I think we'll just lost each other kung ganun." He said. I agree pero kailangan kaya naming hanapin si fred ng mabilisan.

Sumang-ayon na lang ako.

Hinahanap pa namin ni Fred. Ilang libot na kami sa bar nato. Ang laki-laki pala at classy at the same time.

Hindi pa kami natapos sa paghahanap nang mahinto ang togtog at ang tanging nangingibabaw na tunog ay ang bugbugan.

Napatingin kami roon ni Eros.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si fred na nakahandusay sa sahig. Sa gitna pa talagang crowd nato. Naglibot ang mga tao at para bang ini-enjoy nila ang ang nangyayari.

Napatingin ako sa lalaking nakatayo at akmang sisipain si fred sa mukha.

Umusok ako sa galit at sinigawan siya.

"Markus!"

Book 1: Sore (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu