Chapter 14: Cold

3.1K 43 0
                                    

"What?"

Di ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya ba naglalasing siya? Kaya ba nagbubugbugan sila?

"I'm sorry." I added.

"Yeah."

Umupo siya ng maayos at saka yumoko. Hinilot niya ang sintido niya at napapikit.

"May sugat ka sa kilay mo, baka makalimutan mo." I said. Pinapaalala ko lang sa kanya.

"Oh."

"Sino ba siya?" Tanong ko.

May mapait na ngiti akong nakita sa kilid niya. Kahit nasa tagiliran lang ang makikita kong bahagi sa mukha niya, nakita ko pa din ang ngisi niya.

"Girlfriend ko."

Okay. Sino ba talaga ang totoong boyfriend nang babaeng iyon? Sorry. Sino kaya siya? Sino ba kay Markus at Fred ang totoo?

"Akala ko si markus at siya?"

Napatingin siya sa akin.

"Arranged marriage lang sila. Pero ako talaga ang gusto ni Erica."

"So she has a name. Erica. That's a  beautiful name." I said.

Napatingin siya sa kawalan.

"Oo naman. Maganda din ang ugali niya. Sa sobrang kagandahan ng ugali, nisarili niyang gusto ibabalewala niya para sundin ang gusto nang parents niya." He said. I was feeling uncomfortable nang nagsimula nang lumalim ang pinag-uusapan. Kakamatay pa lang ni Erica. It must've hurt him a lot.

"Ano bang nangyari sa kanya, fred?"

"May leukemia siya. At ako lang ang nakakaalam." Sabi niya. Leukemia.
Nakakatakot na sakit.

"Hindi alam ni markus?"  I saw him smirked.

"Markus is blaming me." Sabi niya sa akin at namumuo ang galit sa kanya. Napakuyom din siya sa kamao niya.

"Bakit ka naman niya i-blame? What?? Hindi ko maintindihan."

"Pati pamilya kasi ni erica walang alam. Si markus din." Sabi niya pa.

Naiinis lang ako kasi bakit naman kay fred nila ilabas ang galit nila? Ganun na ba talaga ka sama si fred sa paningin nila?

"Pero bakit naman di niya sinabi sa kanilang lahat? Bakit sayo lang?" Sabi ko. Naguguluhan.

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now