Chapter 48: Sudden

2.1K 27 0
                                    

Ilang araw kaming nakakulong lang sa kwarto. Minsan, lumalabas pero walang ganang magpakasaya sa labas.

Uuwi kami.
Tapos mapapaisip.

Tumunog ang cellphone ko.

"Pick it up, vea." Sabi niya sa akin na para bang naiinis na siya sa ilang ring na lumilipad nito.

"O-okay." Sabi ko at napatakbo papunta sa table kung saan nakalagau ang cellphone ko.

Nasa sala lang kasi kami. Nanunuod ng tv tapos si eros naman nakahiga lang sa sofa. Massaging his forehead.

"Hello." Sabi ko.

"Lets talk, villas."

Kung iisipin, yung sinabi niya ay nakakapagpapaalala sa akin ni Markus. Pero babae. At kilala ko kung sino.

"Anong kailangan mo, farrah?"

"Simple lang, let eros go."

I blinked twice.

Ano bang pinagsasabi niya?
Naiintindihan kong ikakasal sana sila pero eros chosed me.

"Let's meet up, I'd like to fucking talk to you."

Napasinghap ako ng hangin.

"Fine. Right now. Sa cafe." Sabi ko ng naiinis na.

Gusto niya ng clarification? Pwes ipapalinaw ko sa kanya na wala na siyang karapatan na maging sa kanya si eros.

But why do i sound pathetic?
Ewan ko na.

Padabog kong nilagay ang phone ko sa table at dumiretso sa CR. Nasilipan kong nakatulog si eros. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.

"San ka pupunta?" Sabi ni eros nung pumasok siya sa kwarto at nakita akong nagaayos sa sarili kong damit.

Nawalan akk ng mood.
Sa inis ko ay sinagot ko siya ng hindi niya inaasahan.

"Kakausapin ang ex-fiancé mo." Sabi ko.

Napakunot ang noo niya.

Nilagpasan ko siya at nagsimula ng maglakad.

I received a text message.

From: Farrah Festin
Screw it, villas.

Nasa kalsada na ako at naiinis ako sa text niya kasi di siya tutuloy. Aatras din pala eh.

Tsk.

Ipinasok ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Gusto kong uminom. Naiinis na ako sa lahat ng bagay. Naiinis na ako sa lahat-lahat. Naiinis na ako sa buong buhay ko.

Nainis na din ako sa sarili ko.
Naiinis na ako sa buong daloy ng buhay ko.

Napalakad ako muli. Ngunit sa paglalakad ko ay di ko napansin na nasa kagitnaan na pala ako ng daan.
Hindi ko man lang napansin na may dadaang sasakyan. Hindi ko man lang narinig. Hindi ko man lang nakita.

Sa sandaling napalingon ako ay diretso akong nabungo sa sasakyang di ko napansin na padaan pala sa harap ko.

Nag-beep ito sa akin at itoy nakakabingi. Hindi ako nakagalaw. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

My heart skipped a beat.

Nailipad ako sa pagkabunggo at sa buong sakit na naramdaman ko sa aking katawan ay hindi ko masabi.

And everything went black.

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now