Chapter 33: Favor

2.5K 36 0
                                    

Wala na akong masabi. Wala namang lumabas sa bibig ko na kahit isang salita lang. Hindi ko na din iniisip ang mga bagay-bagay.

Ang tanging alam ko... Umalis si eros kaagad. Nalaman na lang namin na umalis siya. Hindi man lang nagsabi sa fiancé niya.

"Get in." Sabi ni markus.

Pumasok na siya sa kotse. Tapos na ang family dinner. Tapos na din ako sa drama. Ganun pala ang plano ni markus. Di na ako nagreklamo. Gusto ko lang na maramdaman nila na hindi ako nag-iisa. Na hind ako talunan. Sana nga ganun.

Bago pa man ako makapasok ng tuloyan sa kotse ni markus ay may humugot sa kamay ko at bigla na lang akong hinila sa ibang parte nang parking lot na wala masyadong tao.

It was fred. Furious, mad.

"Fred, nasasaktan ako." Reklamo ko nung grabe na talaga ang hawak niya sa kamay ko.

Hindi ko akalain na ganito siya kagalit. Inalis niya ang kamay niya sa akin at niyakap ako.

"Ate, bakit?" Sabi niya. Malungkot at madiin.

"Villas."

Umalis si fred sa yakap nung biglang dumating si markus.

"Fuck off, asshole." Sigaw ni fred sa kanya. Tinignan ko naman si fred at napatingin siya sa akin pabalik.

"Markus, hintayin mo na lang ako sa kotse." Sabi ko pero di naman siya nakumbinsi.

"Please, mark." Sabi ko sa kanya.

He just sighed and walked away.
Hinarap ko si fred. He was confused.

"Bakit naging kayo? Kailan pa? Ate... That guy is an asshole!" He shouted. I decided not to answer. I let him.

"Kasal? Expecting a fucking baby??! Ate, what the hell?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Talagang ang laki ng galit niya kay markus dahil sa pagkamatay ni erica. Pero i swear, fred doesn't know the real him. Akala lang niya na masama siyang tao dahil sa nangyayari noon.

"Fred, makinig ka."

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihan ko pa ba siya sa katotohanan.

"Is this some kind of drama?" He asked. I eyed him.

"Kasi alam ko naman na boyfriend mo si eros conte na iyon eh." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Ex." I corrected him.

"Pero ate, bakit ganun? Anak ka ng conte? Mama mo ba yun? Diba hindi?"

Ang bobo lang ni fe kanina.
Mama explained nga na kalook alike niya lang ang namatay kong ina. Di ba nila naisip kung ano naman kunwari ang rason na nasa pamilyang conte ako? Oh sige, sabihin na lang nating adopted ako.

"Fred, it's complicated." I said.

He just sighed.

"You still love that guy."

Napatawa ako.

"I guess." Sabi ko na lang sa kanya.

"So, it's all just a drama?"

I nodded.

"Ate, it's okay not to be okay. Wag kang magkunwari. Mas mahirap." Sabi niya sa akin dahilan para manggilid ang luha ko. Inaantok na din kasi ako kaya madali lang bumuo ang luha sa mga mata ko. Ang oa ko lang.

Ang labo na din ng paningin ko. Parang kami.

He hugged me for the last time.

"So, there's no baby? Ayokong si markus makatuloyan mo." Sabi niya pa kaya naman natawa ako kahit maluha-luha na ako.

Hinatid ako ni fred pabalik sa kotse. Markus was standing outside the car and he was...

"Gotta go." Sabi ko kay fred.

"I'd like to witness some concern citizen here." Sabi pa niya sa akin. Alam na alam niya kasi na ayokong makakita ng taong naninigarilyo.

Nakatayo pang siya sa tabi ko. Hindi na nag abalang umalis sa pwesto niya. Gusyo niyatalagang panoorin ang gagawin ko ngayon. Hindi pa naan napansin ni markus ang prsensya namin ni fred.

"You wanna hit him in his face? I'll do it." Biro ni fred sabay ano ng kamay niya. Para bang nagstretching na siya para sa away.

Binatukan ko siya ng mahina.

"Di ko awayin yun."

"May gusto ka na sa kanya kabila ng pagpapanggap niyo? Ew."

"Baliw. Hindi kami talo." Sabi ko.

Nauna na ako. Bahal na si fred kung anong gusto niyang gawin. Lumapit ako kay markus and grabbed the cigarette.

"Fuck."

"Libre mo kong drinks." Sabi ko sabay tapon ng sigarilyo at tinapakan ito.

"Villas." Sabi pa niya.

"Oh?"

"I'll buy you drinks, just... Do me  a favor."

Napakunot ang noo ko. Favor? All of a sudden?

"Ano yun?"

"Work to my firm."

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now