Chapter 24: Stop

2.5K 37 0
                                    

Just then na-realized ko na hindi ko pala dala-dala ang phone ko. Much better para di ako mahanap ni Eros.

Alam na kaya ni eros?

"Change some clothes, villas." Sabi ni markus sa akin na wala man lang bahid ng interest.

Napatingin ako sa kanya. We shared gazes and then throw some clothes at my face.

"Tarantado." I said bago ko kinuha sa mukha ko ang mga damit na ipapahiram niya.

Padabog akong pumasok sa cr at naligo. Pakiramdam ko nilalagnat ako. Hindi ko lang kasi nagustuhan ang temperatura ng tubig sa shower. Para akong naiinitan na giniginaw.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Not to mention na wala akong suot na bra. Makapal naman na jacket ang binigay ni markus kaya okay lang at mahaba ito. Parang dress lang. Hanggang sa legs ko kasi ang haba eh.
Nakapanty naman ako, dapat lungs. Hindi naman masyado nabasa sa ulan eh, medyo lang pero okay lang to.

Lumabas na ako sa cr at inilukot ang towel sa buhok ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa dining area kung saan andun din si Markus na may ginagawa sa laptop niya.

"What's your plan?"

I shrugged. Hindi ko kasi alam.

"Go home." Sabi niya sa akin. Nanliit naman ako. Na naman?

"Whatever, harrison. Let me stay here for a while." Makapal na mukha ko. Aside kasi sa kalsada at lansangan, pipiliin ko nalang tumago sa apartment ng taong to. Hindi ko nama keri matulog sa kalsada.

"You're hilarious!" He said. Half mad. I think.

Di ko na siya pinakinggan pa kundi pumunta ako sa may sofa at masayang tumatalon-talon roon.

Mahirap ba maging masaya? Mahirap na mahirap na para sa akin eh. Ni konting bagay, wala ng silbi.

"Get out, villas." He said and pointed his finger at me. I just grinned and show him a finger heart instead of following his command.

"No." I said.

Hindi nalang niya ako pinansin at bumalik siya don sa dining table. I don't know what he's doing but I think he's calculating a grade?

Lumapit ako sa kanya at nakikiupo na rin sa di kalayuan sa kanya.

He look at me. Annoyed.

"What?"

"Wala." I replied.

"Back off, villas."

"Duh, Harrison? Nakikiupo na nga lang oh." Sabi ko.

Pagkatapos nun ay di na siya nagsalita pa. Una nun nag-drum ako sa lamesa kaso pinagalitan ako ni Markus. Keso daw maingay. Pagkatapos nun, humiga sa lamesa.

"Nababaliw ka na ba? Umalis ka nga diyan, villas." Sabi niya habang binagsak niya pasara ang laptop niya.

Hmm. Sana masira yun.

"Hindi ako baliw." Sabi ko.

Nanatili akong nakahiga.

"You know, I can actually see your polka dots underwear from here."

Nanlaki ang mata ko sa sinasabi niya sa akin. Pervert!

Umalis ako sa pagkakahiga sa lamesa at pumunta na muli sa sofa. Dun ako humihiga.

"Hoy markus, teacher ka pa rin ba?" Sabi ko.

"Not anymore." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Sakto naman at napatingin din siya sa akin.

"Bakit?"

"Not your business as well." Sabi niya pa. Okay. Di naman ako namimilit. Baka dudugo pa.

"Ikaw?" He asked.

"Not your business as well." I replied copying his voice as well. Panghihiganti ko sa kanya.

Tumagilid ako sa paghiga at napapikit ng mga mata.

"I thought we'll heal each other?" Sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pero sumagot naman siya.

"We'll have to fix things first." Sabi niya.

"Things?"

"Go home first."

But eros is my only one home. And that home will be gone soon. We'll break up soon.

-

Matapos kong masuot muli ang damit ko na pinapatuyo ko sa bahay ni Markus. I decided to go home.

"Vea!" Salubong sa akin ni eros nung sa bahay na ako niya umuwi. Isang gabi lang naman akong nawala.

He immediately hugged me.

"I missed you." He said. Pulling me into his. I froze. I don't know what to say.

Pero sa loob-loob ko, namiss ko din siya ng lubos. I love him so much that I dont even want to lose someone like him.

"Me too." I replied.

Pinapapasok niya ako sa bahay niya. Ito yung bahay na sa kanya lang. Hindi ko gustong isipin ang pamilya niya ngayon.

"Where were you? Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo?" Sabi niya sa akin.

Ngayon ko na ba gawin? Habang maaga pa? Kailangan ko tong gawin bago pa mahuli ang lahat.

"Eros." I said. Weak and shy.

Before I could even say anything more, he leaned in and dip a kiss on my lips.

I tried not to respond but his kisses are inviting. Hard and strong. It was mad and fierce.

His hands snaked around my body. Not even leaving any part feeling unwanted. His just aching to feel me.

Eros stop.

Eros, you can't do this to me.

We can't do this.

Sabi ko sa isipan ko pero ayaw nang bibig kong ibigkas. My heart broke when he entered his tongue and does French. This is not right.

Inilagau ko sa dibdib niya ang dalawa kong palad at marahan siyang itinulak palayo sa akin.

"Sweet, why?" He asked. Trying to cup my face.

Napayuko ako.

"We can't do this anymore. Stop it, eros."

Book 1: Sore (Completed)Where stories live. Discover now