Chapter 20: Heaven

3K 37 0
                                    

Nagsimula na akong mag-isip ng mga what ifs. Medyo blurry lang kung iisipin ng mabuti kasi para bang may humihila sa isipan ko na 'wag ko na lang pansinin na parang may duda na ako and in the other hand, para rin akong tinutulak na gora... Baka siya si mama. Baka nga.

Pero kung siya man? Paano niya magawa sa akin na iwan ako ng ganun lang. She's like saving her self while dragging me down that hell. Hindi naman ganun ka selfish si mama. I know she cares for me. Hindi niya magawang iwan ako at magpanggap siyang patay na kahit pangalan niya ay iniba niya. Ganun ba? Yun ba ang dapat kong isipin? hahayaan ko ba ang sarili kong mahila sa katotohanan? O ang mag-assume at magduda sa posibleng totoo na parang hindi. Mas lalo lang maalog ang utak ko. Hindi lang maalog. Mawawalan ako ng utak kapag nagkataon.

"Sweet, okay ka lang?" Sabi ni eros sa akin na punong-puno ng pag-alala. He was holding my shoulders. Slighty shaking me and he was also looking at me intently.

Napatingin ako kay tita kristina. Andun din sina erian at ender na lumapit sa amin para tignan at alamin kung anong nangyari. But, I don't think ender seems to care. H just shrugged and quietly observed us without judging.

I was still shaking. I don't know why!

"Ako na ma." Dinig kong sabi ni edward kay tita.

Erian was crossing his arm while watching us and I just saw ender walked out. Para talagang wala siyang pakialam sa mga nangyayari. Kahit kanina.

"Sweet, sabihin mo naman sa akin kunh okay ka lang."

"Hindi ko... Ewan...eros." Nauutal kong sagot sa kanya.

Dinala niya ako sa kwarto niya.
Napatingin ako sa mga nag-alala niyang mata.

Paano kung si mama nga iyon? Anong mangyayari sa atin eros? Masyado lamh ba akong oa sa lahat ng to? Pero tinatalo kasi ng isipan ko ang nakikita ko. It's killing me. With what I've heard, what i saw, what I feel. Siya talaga yun. 

"Eros, hindi ko alam." Sagot ko. Kasi wala naman talaga akong alam kung bakit ako nagkakaganito.

He kissed my forehead and hugged me. Hinagod niya na din ang likod ko. I appreciate na concern siya sa akin.

"Alam mo, matulog ka muna." He said and pull away.

Ginabayan niya ako papunta sa kama at pinapahiga na. Tinabihan niya ako at niyakap.

He kissed the side of my head. Nakatalikod lang ako sa kanya ng nakapikit.

"Eros."

Nanggigilid ang mga luha sa mga mata ko.

"Hmm?"

"Kwentuhan mo nga ako tungkol sa mom mo." Sabi ko. I just want to stop myself from overthinking about things.

"Why all of a sudden?" He said."But okay."

"Please." I begged.

"My mom is the most wonderful person in the world. Lagi niya kaming inuuna. Lagi niya kaming binibigyan ng oras kahit na may trabaho siya na dapat unahin." He stated.

See? It's not mama. Hindi siya si mama. Hinding hindi siya si mama.

"Apat kaming inaalagaan niya tapos ang likot namin. Ang kulit kulit din naman. Alam mo yun? Yung bang kahit nakakainis na kami. Tinitiis niya pa din."

I nodded.

Anyone can call me Ve. Kasi Vea ang pangalan ko so normal lang na may tumawag sa akin ng Ve.

Maybe I'm just really good at over thinking. Inaantok na ako.

"She's an angel, sweet." Sabi niya sa akin.

Papikit-pikit na ako. Mabigat na din ang mga mata ko na gustong-gusto na talagang pumikit. Kaya pinikit ko na. I'm tired.

Kung iisipan ko pa lang ang nangyari sa buhay ni fred. Marami nang mga bagay-bagay at magugulong eksenang pumapasok sa isipan ko na ang hirap-hirap intindihan. Dumagdag pa ang pagdududa ko sa mama ni eros na si tita Kristina. Kamukha, kaboses, tas ramdam na ramdam ko pa. Para talaga siyang si mama.

Magiimbestiga na ba ako?
Mababaliw na ako sa iniisip ko.

Bago pa ako makatulog ay narinig kong nagsalita muli si eros pero di ko na naintindihan.

"She's already in heaven, sweet."

Book 1: Sore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon