Chapter 32: Baby

3K 44 0
                                    

Farrah Festin.

Half-sister ko siya.

Kaya naman pala nakita ko si Fe at Fred. Pero naguguluhan ako. How come? Anong nangyari? Bakit si Farrah pa? Sa dinami-daming babae sa buong mundo, si farrah pa talaga?

Magiging sister in law ko ang sarili kong sister? Ang saya. Alam ba to ni papa? Alam ba ni mama? Hindi ba siya aware na ang pakakasalan ni eros ay ang anak ng totoong asawa ni papa. Ganun na lang? So kunwari na lang na walang past?

Kung magawa man nilang kalimutan ang mga pinagdadaanan nila noon pwes ako hindi. Akala ko mahirap para kay mama pero bakit parang sa tingin ko mali ako? So, sa loob pala ng isang taon na pagpapanggap niya na patay na siya ay napag-practisan na din niya ang pagiging sinungaling? Ganun ba? 

kunwari na lang ba lahat?

Paano ako?

I'm still trap in the past.

Para kasing sa aming lahat ay ako lang ang nanatili sa nakaraan. Hindi ako makamove on o makalimut man lang kasi ang hirap-hirap. Putangina. Bakit pa ba kasi ako nabuhay eh.

Malamang nabuhay lang naman ako dahil sa kalandian nina mama at papa noon. Bullshit.

"Eat."

"Wala akong gana." Sabi ko habang hinilot-hilot ang ulo ko. kahit naman di ako umiinom o nag-ano ano ng mga bagay bagay ay sumasakit ang ulo ko. Siguro sa mga magugulong bagay na umaalog sa ulo ko. O sa isipan ko. O sa puso ko.

Eros.

Eros marrying farrah?

Napangisi ako ng malaki. Napatingin ako kay eros na sinasamaan na naman ako ng tingin. magkaharap kaming nakaupo ngayon at as usual may binabasa siyang libro. Lawyer shit.

"What are you smirking at?" Sabi niya sa akin. Napahalakhak tuloy ako ng tawa dahil sa tanong niya. HIinayaan niya lang akong tumawa hanggang sa unti-unti na namang tumulo ang mga traydor kong luha.

Last night was lit.

It was heartbreaking for me.

"Uso move on." Sabi niya pa.

Sa bilis na mababago ang mood ko ngayon ay napahigit ako sa hining ko at sinamaan kaagad ng  tingin pabalik si markus. Akala niya matutuwa ako kapag sinabi niya sa akin 'uso move on'. Besides! ganyan naman talaga ang ibang mga tao eh. Parang kung sabihin nila na 'move on na bes' or 'move on na'. Bakit? Kung magdedesisyon ba akong magmove, or sabihin kong magmomove on na ako? Kaagad ba ako makakamove on? Diba hindi? Pasabi-sabi pa kayo na easy lang yan. Time heals daw kumbaga.

Liars.

Aabutin pa to ng ilang taon. Oo, mararamdaman ko na makakamove on  na siguro ako kasi matagal na. Pero yung sakit? Sa tingin mo mawawala yun? Di ba hindi? Kaya wag niyong sabihing alam na alam niyo ang lahat kasi masasabi niyo lang sa akin na 'uso move on' kasi hindi kayo ang nasa lugar ko. 

Nakakainis.

Umalis ako sa pagkakaupo at tumungo sa CR.

Nakarinig ako ng katok.

"Ano?"

"Sorry."

"Oh tapos?"Sabi ko.

"May family dinner mamaya." Sabi niya at sumakit na naman ang ulo ko.

Nilakasan ko ang pagbukas ng pinto at hinarap si markus.

"Ayan. Paano ako makakamove on diba? please lang. Tama na." Sabi ko.

"This time may plano ako. Let me handle this." Sabi niya kaya mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Book 1: Sore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon