Chapter 22: Grave

2.5K 33 0
                                    

Matapos naming magkatinginan ng papa ni eros. I froze.

In his eyes, i saw guilt and pity. He made it obvious. Para na niyang isinapal sa mukha ko ang obvious na katotohanan na dapat pang ibunyag.

I froze literally.

"Uh. Can I talk to you, miss?" Sabi niya sa akin. The boys was speechless. Ako rin. Bakit? Bakit niya ako kakausapin?

"Dad, you know her?" Sabi ni eros. His voice was warm but it doesn't comfort me. Not this time.

He just look at eros and then look at me. Kaagad naman akong inakbayan ni eros at ngumiti siya ng bonggang-bongga. Ngumiti na rin pabalik ang papa niya pero halatang napipilitan lang. He is still looking at me which is creepy and horrifying.

"She's Vea Villas. Dad, meet my girlfriend."

Unti-unting naglaho ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. I remained calm outside. But there was a pinch inside that hurts a bit of me.

"Vea... Villas." He repeated. "You look familiar."

Anak ako ni Veronica Villas. Makakalimutan mo ba ako? You were her doctor. And you're now her husband.

"Same here." I answered.

Siya ba?
Baka siya ang dahilan kung bakit pinapamukha nila akong tanga. Ako lang ba ang walang alam? Siguro tinago niya si mama. Siguro siya ang pinili ni mama.

See? Ang saya nilang pamilya. Mayaman. At kaya siyang pakasalan. Siguro kaya siya pinili ni mama kasi kung ako ang pipiliin. Isa lang akong hamak na resulta ng pagmamahalan nina papa.

This is bullshit.

Anong gusto nilang iparamdam sa akin? Bakit ganito? Nakakasakit. Ang sakit. Wala pa akong maintindihan. Gusto kong malaman ang katotohanan pero ayaw ko rin. Kasi ramdam na ramdam ko na.

Hindi siya nakaagsalita.
I excused myself infront of them and I tried to hold back these traitor tears!

"Vea!" Yun na lang ang tangi kong narinig matapos akong lumabas sa bahay at sumakay na sa taxi.

Hindi ko na pinansin si eros na tinatawag ako. Hindi ko kaya. Anak siya ng lalaking pinakasalan ng mama kong akala ko ay patay na.

Umiiyak akong naglakad muli papunta sa puntod ni mama. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako na siya ang nakalibing sa lupa ng tinatayuan ko.

Napatingin ako sa pangalan. Dito ako umiyak ng buong araw sa puntod niya noon. Hinding-hindi ko yun makakalimutan. Hinding-hindi. Tas malaman ko na lang na buhay siya.

Nakatayo lang ako sa harap ng puntod niya. Nagsimula ng tumulo ang ulan pati na rin ang aking mga luha.

"Sino ka?" I asked.

"Sino kang nakalibing sa pangalan ng mama ko!? Bakit mo ko pinapamukhang tanga!!!! Tas malalaman kong buhay ka??!" I shouted. Yung punong-puno ng galit at lakas na pagkasigaw.

"Diba dapat masaya ako kasi buhay ka? Pero... B-bakit hindi?" Walang tigil ang luhang umaagos sa mga mata ko.

My sight became blurry.
My heart is breaking up.
My mind is ruining everything.
And my eyes just made it clear that it caused me pain.

"Bakit ganun? Ma, bakit ganun? Bakit pinapamukha mo na patay ka na pero buhay ka pala at nagbagong buhay na habang ako! Ma! Habang ako!? Habang ako..." Napaluhod ako.

Humahagolgol na ako sa iyak. Parang di ko na nga maramdaman ang katawan ko. Umiiyak lang ako.

"Habang ako..." I said in a very painful and weak voice.

Nagkaroon ng flashback sa isipan ko ang mga pangyayari sa buhay ko sa loob ng isang taon. Sa loob ng isang taon na iyon ay puno lamang nang luha at masasamang alaala. Sakit at pagsubok. I even swallowed my pride sometimes when I was still with the festin. And now? Kailangan pa ba ganito?

"Habang ako... Nag-iisa, naghihirap, nasasaktan, nawalan ng pag-asa... Ma, si eros na lang ang meron ko ngayon." I said. There was a crack.

Thinking about eros. I can't face him.
Hindi pa man nila sinasabi ang totoo pero alam ko na sa pagdating ng panahon... Mawawala na rin ang kung anong meron ako ngayon.

At si eros 'yon.

Book 1: Sore (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon