Chapter 40: It Ends

2.4K 33 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit iyon sinabi ni markus sa akin. Mas lalo lang akong naguluhan sa mga pinagsasabi niya at sa pagkilos niya tungo sa akin. Hindi naman ako manhid masyado para di ko mapansin ang pagbabago ni markus.

Tapos, ito pang si eros.

Ang gusto niya ay ang magkabalikan kami. Gusto ko din iyon pero bakit parang mas mahalaga pa naman ata si farrah para sa kanya. Kung iisipin, hinabol niya si farrah nung narinig niya kaming nag-uusap. Hinabol niya. Nung ako nga, ganun lang. Lumipas ang taon, buwan, araw, oras, minuto... lumipas na lahat. Nagbago lang ang lahat.

Di niya ako hinabol.

Ang galing. Kahit kailan talaga minsan ay ang unfair ng mundo, no? Yung akala mo, ikaw lang talaga. Pero yun pala kahit pa pinapaamdam niya sayo na ikaw lang talaga ay magagawa niya pa ding palitan ka. Hindi lahat ng lugar y mapasaiyo. Akala mo lang. Akala lang.

"Villas..." 

Napatingin ako sa taong nagsasalita ngayon sa harapan ko. Nasa hospital na ako ngayon. Nagpapahinga lang. Kasi yun ang gusto ni markus. Hindi ko alam pero nagsimula na siyang maging oa. Alam mo yun.

Hindi ako makatingin sa kanya matapos ang sinabi niya sa akin kahapon. Hindi na nga ako nakasagot non. Sumunod na roon ang pagdating ng conte boys at fred and they immediately rushed me to the hospital. Ang oa nila lahat. Parang akalain mo naman 50/50 na ako. 

Hindi na sumabay sa amin ang couple. 

Unti-unti... sa ngayong mayroong pag-asang maging kami ulit ni eros ay para ko naring unti-unting natatanggap ang katotohanan na ikakasal na siya at di na ako ang mahal niya. Sadyang nasasabit lang ako sa salitang, 'Bumalik'.

"Okay ka na?" Tanong sa akin ni markus.

Tumango lang ako.

Ang busy niyang tao pero pinili niyang magsayang ng oras para tulongan ako. Actually, ang cruel lang kasi na isama pa ako sa adventure o camping na iyon kasi nga 'kapatid' ako nila. Bali, parang conte na ako tapos outing yun for teens. TSK.

Sumama lang siya para sa akin.

Mas lalo lang siyang nalunod sa sitwasyon. Nagmukha pa siyang masama sa mata ng ibang tao. Katulad ni eros, he thought markus hide me away from him.

Napabuntong-hininga ako.

"Okay lang ako, really. Yung paa ko lang naman ang na---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita kong iniluwa sa pintuan ng room ng hospital na ito si eros na may pasa sa mukha. Swear, labi lang ang natama sa kanya nung sinuntok siya ni markus pero bakit may black eye na siya?

Pero bakit siya andito?

Para na nga din niyang hinabol ang hininga niya. Parang nagmamadali siya.

"Vea..."

Napatayo si markus at hinarap si eros.

"Im not here for you." Sabi niya sa mukha ni markus at saka tumingin sa akin. "Im here for my fiance."

Bigla akong nakaramdam ng pagkalambot ng arinig ko iyon galing sa kanya.

"Your fiance is Farrah Festin, Eros. Wag kang bastos." Madiin na sabi ni markus.

"Bakit ka ba nakikisawsaw sa problema namin?" Sabi naman ni eros. Para nang sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa.

"And besides, farrah is not mine anymore." 

Napatingin ako kay eros ng mabilis ng nakakunot ang noo.

It hurts my part.

Oh, tapos? Option na ako nito? Kesyo wala na yung ikalawa nyang fiance ay babalik siya sa una niyang fiance? We never broke up, in fact. Kasi hindi naman kami nagusap noon. Umalis lang ako. Nang walang paalam.

"Back off, eros." Sabi ni mark.

"You should be." 

"Enough."

"Shut up, harrison. She's my fiance."

"She's my wife." 

Napahalakhak ng tawa si eros matapos sabihin ni markus ito.

"Wife? Bullshit."

"For real." Sabi ni markus. Mas lalolang napakunot ang noo ko. Anong bang mga pinagsasabi niya ngayon.

"Wag ka nang gumawa ng storya, harrison. Nagkaalaman na nga diba." Sabi ni eros.

"Pwede ba? Tumigil na nga kayo." Sabi ko hablot ng dextrose tube sa kamay ko. Laking gulat nila at nagawa ko iyon.

"Vea!" Sabay nilang sigaw.

Hindi na ako nakinig sa kanila at diretso akong naglakad ng paika-ika palabas ng kwarto. Kaagad naman akong inalayan ni eros.

Malakas ko siyang itinulak. Mismo ako ay nagulat sa nagawa ko. Bigla akong kinabahan.

"Eros, tama na. Oo, mahal pa din naman kita. Pero, magkapatid na tayo ngayon diba? Kung gusto mong ipaglaban nating dalawa to, pwes wag mo nang ituloy. Kasi hindi ko makakaya. Hindi ko kayang sirain ang sariling pamilya na gusto ng mama ko."

"She's my mom, what the heck, vea?"

Napabuntong hining ulit ako. Talagang sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Kailangan na naming tapusin ito.

"She is my real mom, eros. Kung hindi mo pa alam, hindi patay ang mama ko noon. She just pretended."

"No way."

"Kung ayaw mong maniwala, hindi mo pa din mababago ang isipan ko."

"Wag naman ganito, sweet." Nanlambot ako sa pagtawag niya sa akin ng 'sweet'. Its my weakness. Ever.

He held my hand and it broke my heart.

"Please, eros. Kailagan naman natin to. Lets just save our family." Sabi ko at nagsimula ng maglakad ulit. 

Napatigil ako nung niyakap niya ako mula sa likod at unti-unti nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko mapagilan, ang sakit sakit.

Kahit nasa hospital kami, kahit may ibang taong maaring makakita o makarinig sa amin ay ang tibok ng puso at ang pagkakapunit nito ang tangi kong nararamdaman at napakinggan.

"Sweet, dont do this to me." 

I sobbed.

He cant be like this. I might gave in

"Sweet, what about us? Yung tayo?"

There.

Napalingon ako. Kitang kita ko si markus na naglalakad na paalis. Mas humigpit ang yakap ni eros sa akin.

"You cant do this to me." Sabi niya.

Broke my heart again.

"Eros..." 

Dahan-dahan kong inalis paalis sa akin ang kamay niyang nakabalot sa akin.

"Vea, dont." Sabi niya.

Hinarap ko siya. And suddenly he captured my lips. I wasnt ready. I was weak and confused. Nasa punto ako na ayaw mag decision pero kailangan.

"Eros, mas mahalaga sa akin na masaya ang pamilya natin." Sabi ko. Simula pa lang yan sa pagpapaliwanag ko pero nagsalita siya muli.

"Eh ako? Tayo? Hindi ba iyon mahalaga sa iyo?"

Jusko.

My tears keep on flowing.

"Eros, tapusin na natin to."

Book 1: Sore (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat